02

8.9K 158 2
                                    

Shanaia's P.O.V




"Kei naman, hindi man lang ako nakapag-pasalamat at nakapag-paalam kay Zayn."




Nakanguso kong sabi. Basta nalang niya kasi akong hinila.





"How many times do I have to tell you na don't talk to strangers?"



Naiinis nitong sagot. Sinusundan ko lang kung saan siya papunta.



"I don't consider him a stranger. It might be a short period of time but I know he's nice. He helped me earlier kaya. Naligaw kasi ako. Kung masamang tao siya sana hinayaan niya lang ako but he offered me a help. Then he stayed with me hanggang sa dumating ka nga."



Mahabang paliwanag ko. Ito kasi ang hirap kay Keisha, mahirap siyang magtiwala ng tao kaya naman iilan lamang ang tingin ko'y kaibigan niya.




"Still kakakilala mo palang sa kanya. Paano kung hindi kita nahanap agad? Mamaya may masama palang balak sa'yo yun?"


Giit pa din nito.



"Keisha, hindi naman na ako bata para hindi malaman kung nasa peligro man ako. Actually he also helped me nung may ibang students na kinukulit ako."




Sandali siyang tumigil at tinignan ako.



"Una palang sana hindi kana umalis kung saan ka inihatid ni Alex."



Sabay talikod at nagtuloy maglakad. Mukhang naasar na ito ngunit gusto ko pa rin ipaintinding mabait si Zayn.



"Ang tagal mo kasi, well at least my bago na akong friend. He's gwapo kaya."



Huminto kami sa tapat ng pinto ngunit bago niya yun buksan ay hinarap muna niya ako.




"Stay away from him. Okay?"




Umiling ako at ngumiti.




"I don't think I can do that, specially kung mabait siyang tao."



Tumuloy kami sa kwarto at nakita ko ang dalawang kama.



"Oh! May roomate ako?"



Masaya kong tanong ngunit nawala yun nung umiling siya.




"Wala pa. And i don't think magakakaron ka sooner. Pwede naman akong lumipat dito kung gusto mo ng makakasama."



Seryosong sabi nito ngunit umiling agad ako.



"It's okay, besides malulungkot ang roomate mo. Oh, at kailan mo nga pala ako ipapakilala sa friends mo?"




Excited kong tanong. Gusto ko talagang makilala ang friends niya. Si James lang ang kilala ko personally the rest ay naririnig ko lang kay James.



"Hindi ko sila kaibigan, more like companions."




Tinaasan ko siya ng kilay at inasar.



"Really? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ka basta sumasama o nakikipag-usap kung kanino lang."



Mas lalong sumimangot ito. Inayos niya ang maleta ko at yung box na hawak ko.



"Eto lang ba ang mga gamit na dinala mo?"



Pag-iiba nito ng usapan.




 The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon