Zayn's Birthday Special

5.7K 154 8
                                    


Tipikal na araw para kay Zayn, matapos mag-ubos ng oras sa library ay nagpasyang bumalik nalang sa kanyang kwarto at magpahinga.




"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY!"




Nagulat siya nang buksan niya ang pinto. Kumpleto ang rank 10 sa loob ng kwarto niya.



Si Naia ay nasa kanyang harap at hawak ang cake na may nakasindi ng kandila. Si James at Errol hawak ang bagay na siyang dahilan kung bakit may sumabog na confetti. Si Eryn at Ivonne naman ay hawak ang poster na may nakasulat na "Happy Birthday Zayn!". Sina Keisha, Liezel at Keith naman ay nasa likuran na mukhang napilitang sumama. May mga suot na party cups at mukhang naiirita na.





Si Zayn naman ay hindi pa rin makapaniwala. Na ang kwarto niyang nilinis lang kahapon ay puno ng kung ano-ano. May mga nakasabit na kung banderitas at lobo sa kisame. At syempre ang mga nagkalata na confetti.






Oo, mas inuna niyang pinagmasdan ang kalat sa kwarto niya kesa sa mga taong nasa harap niya.





"Did we surprised you that much?"




Nakangiting tanong ni Shanaia at dahilan upang mapunta sa kanila ang atensyon niyang muli.




"Ah.. erm. Oo. Thank you.."





Sagot niya at napipilitan na ngumiti at napakamot sa ulo.




"It was all Naia's idea.. Sobrang excited siya nung mga nakaraang araw pa."





Nakangiting singit naman ni James. Tila ang pagkadismaya niya kanina'y nawala nung nalaman yun at napalitan ng totoong matamis na ngiti.




Nagsimulang kumanta ang lahat maliban kina Keisha, Keith at Liezel na talagang ipinakitang napipilitan lang.




"Make a wish before hipan yung candle!"





Masayang sabi ni Shanaia. Napangiti naman si Zayn na pumikit at mabilis din inihipan ang kandila.




Everyone cheered. Inilabas naman agad nina Errol at James ang coke in can at pizza. Umupo sa sahig ang iba.





"Now it's time for the gifts!"






Excited na sigaw ni Ivonne at lumapit pa sa kama kung saan nakalagay ang mga regalo.





"You can pick whatever you like to open first."




Nakangiting dugtong ni Ivonne at saka tumabi kay Liezel na nakahalukipkip.





Tila nalilito pang lumapit si Zayn sa kama at piniling kunin ang pinakamalapit sa kanya.




"Good choice."




Mayabang na sabi ni James habang inaabutan ng inumin ang lahat. Napangiti ng pilit si Zayn matapos mabasa ang nasa isip ni James matapos sabihin yun.



It will be the best gift ever.





Tila'y nakaramdam ng pagdududa si Zayn ng mga oras na yun. Napilitan tuloy siyang buksan ang laman ng manipis na kahon.





"A frame."




Sarkastikong sabi ni Eryn sabay lingon kay James na nakapamaywang pang may mamayabang ang ekpresyon ng mukha.





"Picture at autograph ko yan. Limited edition."




Sabi ni James. Lahat ay tila nandiri at napailing sa sinabi niya maliban kay Ivonne na nainggit kay Zayn na nakatanggap nun.





 The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon