Prologue

24.2K 286 6
                                    



"Shhh.. wag kayong aalis dito. Wag na wag kayong lalabas o gagawa ng anumang ingay."


Kita ang takot sa mga mata ng dalawang batang babae habang pilit silang itinatago ng kanilang ina sa isang tambakan ng basura.


"Mommy.."


Pagsusumamo ng mas nakakatanda ngunit pilit itong inignora ng kanilang ina.



"Huwag kayong lalabas dito hanggat hindi umaga. Naiintindihan niyo?"



Umiiyak man ay tumango ang mga bata. Sinuklian naman ito ng napakatamis na ngiti ng kanilang ina.


"Mahal na mahal ko kayo.."


Isang malakas na ungol ang nagpatigil sa kanila at mabilisang hinalikan ng babae ang kanyang mga anak at mabilis na tumakbo habang walang tigil ang pag daloy ng luha niya.


"Mom-"


Mabilis tinakpan ni Keisha ang bibig ng kanyang kapatid. Sa edad na iyon ang masasabing may pang-unawa na ito sa kanilang sitwasyon.


"Wag kang maingay, Shanaia."



Bulong niya dito. Mayamaya pa ay parehong nanlaki ang kanilang mata ng makitang dumaan ang isang nilalang.


Halos pigilan nila ang kanilang pag-hinga nang biglang tumigil ito katapat sa kanilang pinagtataguan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Halos pigilan nila ang kanilang pag-hinga nang biglang tumigil ito katapat sa kanilang pinagtataguan.



"Nandito ako!"


Nabigla ang dalawang bata ng marinig ang boses ng kanilang ina sa di kalayuan.



The creature growl which made the two kids felt more scared than before.



In a matter of minutes, the kids heard their mom's voice for the last time. Screaming in agony and pain.



Ang takot, galit at sakit ang bakas sa mukha ng dalawang bata. Both cried in silent, too scared that the creature might hear them.




Ilang oras ang nakalipas ay nanatiling tahimik ang paligid. Tanging kuliglig lamang ang naririg.


"Kei-"

Mabilis tinakpan muli ni Kiesha ang bibig ng kapatid.



"Shhh."


Tumango naman ito. Maya-maya pa'y may kaluskos silang narinig dahilan upang mas maiyak ang mga ito.


Humigpit ang pagyakap ni Keisha sa kapatid, handa sa kung ano man ang pwedeng mangyari anumang oras.



 The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon