Feelings (3)

17.6K 98 3
                                    

Arriah's POV

Masakit, masakit mapagtantong mahal mo ang isang tao pero nagawa mo siyang lokohin at ahasin patalikod.

Mahal ko ang ate ko, pero hindi ko napigil ang sarili ko nung nakaharap ko siya. Hindi ko alam ko anong meron sa kanya at biglang nag alab ang buong katauhan ko at bumigay ako sa tukso..

------
'One single pasta carbonara and a coffee with vanilla please.'

One single pasta carbonara and a coffee with vanilla right away miss.' pag uulit ng waiter.

Nandito ako ngayon sa Blue Light Resto&Grill. May imemeet ako dito.

'Kanina ka pa?'

bigla akong kinilabutan sa boses na aking narinig. Bruskong boses ni Flint ang narinig ko.

'Ah, hindi naman. Please sit' sabi ko sa kanya habang tinuturo ang upuan na kaharap ko.

'So what's with the dinner date?' Sabay ngiting aso parang nanunuya.

'This is not a date Flint, I am here to talk to you about what happened to us, mali na nangyari yun nadala lang tayo sa tukso' Padiin kong sabi sa kanya.

Bigla namang nagbago ang kanyang mukha at aura.

'Tukso? Kung ikaw nadala lamang sa putang tuksong yan, pwes ako hindi, pagmamahal yun Ar. Pagmamahal yung nagdala sakin!'

Natigilan ako sa sinabi nya. Pagmamahal? Mahal? ako mahala nya? nahihibang ba siya?

Nahihibang ka na ba? Mahal? Ako mahal mo? Ilang araw palang tayong nagkikita ang nagkakilala, at mahal mo na agad ako?!' sabi ko sa kanya na parang di makapaniwala.

'Wala kang alam Ar. Di mo alam kung anong pinagdaanan ko para makita ka, ilang taon akong naghanap sayo, ilang rao ang nilapitan ko para lang malaman ang pangalan mo, ano ang nagawa ko para lang makasama ka, ang hirap mong mahanap ang maabot Ar!' Sagot nya sa akin, na di iniaalis ang tingin sa akin at ngumiti ng mapait.

'at ngayon naging mas mahirap at mas masakit. Dahil nakikita at nakakausap na nga kita, Pero sa maling sitwasyon pa'

Affair with my Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon