Chapter 17 ♬ G-Clef

65.7K 1.1K 17
                                    

CHAPTER 17 - G-CLEF 

SERENE 


Kinaumagahan sa school, marami pa ring bulong-bulungan ang tungkol sa pagsali ko sa banda. Madalas pa ay iniirapan at pinagtatawanan ako ng ilang myembro ng fans club ng Princeton Band. Higit pa roon, habang tumatagal kung anu-anong kalokohan ang naiisip ng grupo nila Clarisse na gawin sa akin.

"Ito ba ang sinasabi nilang papalit sa'yo Clarisse?"

"A no brainer Section D? No way!"

"All I know is, she's nothing but an ordinary poor girl here in our school."

Ito ang palaging kong naririnig sa tuwing napapadaan ako sa Section A pero hindi ko na lang sila pinapansin. Ngunit katulad ng nangyari noong isang araw roon sa locker ko, ilang beses na naulit ito. Minsan pa naaabutan kong may vandal ang locker ko o kaya kung anu-ano ang isinisiksik nilang mga basura roon sabay iwan ng isang note na nakasulat na 'loser'. Minsan sinubukan pa nila akong patirin noong naglalakad ako sa hallway pero naiwasan ko. Minsan din binabangga-bangga lang nila ako sa tuwing nakakasalubong ko sila. Sa lahat ng mga ginagawa nilang kabalbalan, lahat ng iyon ay naiiwasan ko. Ewan ko ba. Reflex ko na lang siguro. Katawan ko na ang kusang gumagalaw kapag alam kong may panganib na nakaamba. Kaya dahil sa inis nila sa akin lalo na si Clarisse, magmula noon ay tinawag na nila akong freak. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi na loser. Mukhang nag-level up na ako. Napapasabunot na lang ako sa buhok ko dahil konting-konti na lang mauubos na ang pasensya ko sa kanila.

Naiinis man ay tinuruan ko ang sarili na kumalma lang at huminga ng malalim. "Basta tutok lang sa mga positibo Serene. Huwag mong pansinin ang mga baliw na 'yun." Huminga ako ng malalim at saka ngumiti.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa suot na relo at nakitang 7:45 am na. Wala na kaming gaanong guitar lesson ni Jace ngayon dahil busy na rin siya. Marami raw siyang kailangang gawin kaya naiintindihan ko naman. Isa pa, naipasa ko na rin naman ang mga isinulat kong kanta kay Mr. Valdez for evaluation kaya wala nang problema. Salamat talaga sa kanya at binigyan niya pa ako ng oras sa napaka-hectic niyang schedule.

Mamaya pa konti ang first bell kaya may oras pa akong pumunta saglit sa Private room ko.

Nagi-skipping jack pa ako patalon-talon habang hinahanap ang daan papunta roon. Tahimik akong humihimig at sa bawat paghimig ay mas lalong nagiging mabuti ang pakiramdam ko. Iba lang talaga ang naidudulot sa akin ng musika.

Patuloy pa rin ako sa ginagawa hanggang sa marating ko na ang destinasyon na hanap ko. Gayunman, napahinto ako ng makita si Jace. Nakasandal sa pader 'di kalayuan kung saan ang pinto at nakabulsa ang mga kamay na parang may hinihintay. Tapos bigla kong naalala na may naririnig daw siyang kumakanta roon at iyon ang gusto niyang irekomenda kanila tito bilang kapalit ni Clarisse.

Syet. Inaabangan niya ang pagdating ko!

Serene naman kasi, kung bakit may alam ka pang pagtugtog tugtog syan sa kwarto mo na may kasama pang pakanta-kanta. May nakarinig tuloy! At bakit sa dinami-rami ng tao sa school na ito ay si Jace pa? Bakit?

Bakit?!

Agad akong tumalikod upang umalis ngunit nakita na niya ako.

"Serene?" Sumabog ng parang bula ang mga iniisip ko nang marinig ko siyang magsalita. Paano ba 'yan, nakita na niya ako! Alam na kaya niya na ako 'yung babae na naririnig niyang kumakanta roon sa Private room?

Kabado akong kumaway sa kanya na akala mo ngayon ko lang siya nakita.

"Oh, Jace! Hello! Kanina ka riyan? Anong ginagawa mo?"

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon