Chapter 2 ♬ Welcome to the Band

87.3K 1.3K 45
                                    

CHAPTER 2 – WELCOME TO THE BAND!

SERENE

Announcement: Looking for a volunteer for the following Departments. Music Department, Art Department, and Home Economics Department. If interested and for more information, look for Mr. Alcantara at the main office.

Pagkatapos mabasa ang anunsyo na ito ay bigla akong napa-isip. Parang gusto kong subukan. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kung tutuusin.

Noong nabuo na sa utak ang plano ay muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad. Hinanap ko agad si Mr. Alcantara noong makapasok ako sa main office. At noong makita siya, halata ang gulat sa mukha niya noong makita ang presensya ko.

"O, kapapaskil pa lang namin ng anunsyo meron nang gustong mag-volunteer? It's an honor to have you here hija!" sabik siyang nakipagkamay sa akin bago sinabi na umupo raw ako para makapag-usap kami.

Isa sa mga una kong napansin kay Mr. Alcantara ay kung paano siya gumalaw. Ang tindig pati na rin ang ngiti ay parang pinasayang bersyon ni papa. Maaliwalas ang ngiti sa kanyang mukha. Iyon nga lang mas malusog siya at mas mabilog ng malayo sa kanya. Kasing bilog ng salamin niya ang hugis ng kanyang mga pisngi.

Ginawa ko munang kumportable ang sarili sa kinauupuan bago nagsalita.

"Itatanong ko lang po sana sir kung ano po ba ang gagawin kapag nag-volunteer po ako riyan?" Itinuro ko ang kopya ng papel na nakapatong sa mesa niya. Halos parehas ito ng kopya sa labas na nakita ko kanina.

"Naku, simpleng-simple lang hija. Pagkatapos ng klase pumunta ka lang sa departamento na itatalaga sa'yo. Tutulungan mo ang mga teachers sa mga gagawin nila lalo na sa mga aktibidad na kailangang-kailangan talaga nila ng makakasama. This volunteer opportunity will be good for your school record. Siguradong mahigit thirty hours din 'yon. Kapag graduating ka na, hindi mo na kailangang alalahanin ang community service mo."

Sabagay, may punto siya roon.

Sa Princeton Ellipses Academy, ang elementarya ay binubuo ng mga estudyante mula sa Unang Baitang hanggang sa Ikapitong Baitang. Sa highschool naman sa ikalawang banda ay binubuo ng Ikawalong Baitang hanggang Ikasampung Baitang kapag Juniors at Ikalabing-isang Baitang hanggang Ikalabindalawang Baitang naman kapag Seniors. Itong taon na ito ang huling taon ko sa pagiging Junior. Sa susunod na pasukan ay Senior student na rin ako sa wakas. Dalawang taon pa bago tuluyang maka-graduate. Subalit bago ang lahat ng iyon, marami pang kailangang gawin—mga takdang-aralin na kailangang ipasa, grado na kailangang mairaos at marami pang iba. Isa na roon ang sinasabi ni Mr. Alcantara na thirty hours of volunteer experience o community service. Bawat estudyante ay kailangang gawin ito dahil kahit naipasa mo lahat ng grado mo kung wala ka nito, hindi mo mapapasakamay ang pinakamimithi mong diploma.

Ang thirty hours volunteer experience ay hindi naman kailangang gawin sa isang buong araw. Pwede mo itong gawin patingi-tingi. Ayos na ang isang oras na ilalaan mo para rito sa isang araw. Gawin mo ng mahigit isang buwan at kumpleto mo na ang iyo. Maaari rin namang kumpletuhin ang volunteer sa pagtulong sa iba't ibang organisasyon o lugar basta magbibigay sila ng patunay na 'ikaw' ay nag-volunteer sa kanila sa ganito o gano'n kahabang oras. Tapos pagsamasamahin mo na lang sila kung sa tingin mo ay kumpleto na ang oras na kailangan mong buuin.

Maaari rin naman sa isang organisasyon lang, katulad ng gagawin ko. Mas madali ang gano'n. Hindi hassle. Maganda silang reference kapag grumaduate ka lalo na kapag naghahanap ka na ng trabaho kasi mahabang panahon kang nagtrabaho at tumulong sa kanila. Mas nakilala ka nila kaysa sa maikling panahon lang.

Gano'n lang kasimple. Gano'n ang patakaran sa Princeton Ellipses Academy.

Alam kong may mahigit dalawang taon pa ako para gawin ang volunteer experience ko. Pero ayaw ko namang dumating ang araw na sisimulan ko lang gawin iyon kung kailan graduating na ako. Marami na akong nakilala na graduating student na masyadong nagpaka-chill noong Junior sila kaya noong naging Senior na ay halos lahat rush. Ayoko namang mangyari iyon sa akin. At isa pa, ayos ito para pampalipas oras sa nakakabagot kong buhay. Iyon nga lang sana sa Art Department ako mapunta. Siguro naman sapat na ang kaalaman ko sa arts para tumulong sa teacher na sasamahan ko.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon