Chapter 26 ♬ What you mean to me

58K 1K 75
  • Dedicated kay Addictreaderakohaha
                                    

CHAPTER 26 - WHAT YOU MEAN TO ME

SERENE


Kanina pa kami nandito ni Jace sa classroom nila pero hindi pa rin kami nagkikibuan. May binigay siyang papel sa akin para raw sagutin ko pero bukod pa roon ay kanina pa kami tahimik. Abala ako sa pagso-solve ng mga problem na binigay niya samantalang siya ay abala naman sa pagtugtog ng gitara na hawak. Kanina pa siya marahan nagi-strum. Sa totoo lang mas gusto ko na lamang pakinggan ito kaysa naman ibalik pang muli ang tingin sa hawak kong papel. Ayoko nang mag-solve. Tulungan n'yo ako please!

Magmula noong isang araw ay hindi na kami nag-usap ni Jace. Kaya nga nagulat ako noong makita na sumipot pa rin siya rito sa tutorials na ito. Aalis na nga sana ako kung hindi pa siya dumating. At tulad ng dati, salubong na naman ang mga kilay niya habang dala-dala niya ang mga libro at gitara sa balikat niya.

Dahan-dahan kong ipinasa sa kanya ang papel matapos ang ilang sandali. Tapos na ako. Siguro.

Isang tingin lang ang binigay niya bago niya pinagpatuloy ang ginagawa.

"Mali. Ulitin mo."

"Paanong mali? Ni hindi mo pa tsine-check."

"Nakita ko na. Mali. Repeat it."

"Isang tingin lang? Grabe ka naman. Wala bang 'A' for effort man lang?"

Hindi niya ako pinansin that's why I made a face in front of him. Pagkatapos, inis kong hinablot muli ang papel na pinasa ko at saka binura lahat ng maling sinagutan ko.

I groaned in frustration while re-reading the questions. Pang-isandaang beses ko na yatang paulit-ulit na binabasa ito pero hindi talaga maintindihan. Napasabunot na lamang ako ng buhok.

"Okay, step one. Write the equation." Sabi ko pa.

"Then?" tanong niya sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

"Then cry." Kumuha ako ng nakahandang tissue sa bag ko at saka tahimik na umiyak sabay singa. Baka sakaling maawa sa akin si Math at masagutan niya ang sarili niyang problema.

"Ang dali-dali."

"Ang hirap kaya!" Nagtalukbong na ako roon sa mesa at itinago ang mukha sa aking mga braso.

"Akin na." Hinihila niya ang papel na nadaganan ng mga braso ko pero hinila ko ito pabalik.

"Huwag. Huwag na."

"Akin na sabi."

"Huwag na nga!"

Noong nahila niya ay ni hindi na niya mabasa ang papel dahil may mga patak na ng mga luha.

"Umiyak ka talaga?" taka niyang tanong na akala mo ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng gano'ng bagay.

Galit kong tinakpan ang mukha. Narinig ko siyang tumawa.

"Huwag kang tumawa, nakakainis 'to!" sumimangot ako sa kanya.

"Ano bang hindi mo maintindihan dito?"

"Lahat."

"What? It's pretty much direct to the point."

"Ayoko na. Ayoko nang mag-aral." Itinago kong muli ang mukha ko sa mga braso dahil sa hiya. Dito na lang ako yuyuko sa mesa habang buhay. Pero syempre biro lang. Pwede bang hindi?

Narinig kong bumuntong hininga si Jace. Noong magsasalita na sana siya ay naunahan ko siya.

"Ano 'yung tinutugtog mo kanina?" Inangat ko ang tingin sa kanya. Alam kong namumula na 'yung ilong ko at tumatagas na rin ang eyeliner na nilagay ko kanina sa mata. Siguradong na-smudge na rin lalo na kanina ko pa itinatago ang mga mata sa may braso. Pero wala na akong pake.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon