Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces

49.3K 912 103
                                    

Author's Note: It's nice to be back!! weeehoooo! so guys! here's my update ^O^)/ it's ok to be confuse with this chapter (dahil kahit ako'y nali2to na rin) waha! xempre jokes lang yun! XD this chapter and the next following chapters ire2veal ko na ung ibang secrets :) ok lang na hindi nyo pa maintindihan sa ngayon kasi hindi naman sapat ang isang chapter sa explanation right? hope u'll understand ^___^

 

 

Thanks for your patience! here you go!

***

Chapter 44

(Not super Revised & Edited. LOL.)

Lady Magdaleine's POV

 

Kring! Kring!

"Hello? Magdaleine speaking. May I know who's calling please?"

"Lady Magdaleine," narinig kong bati ng nasa kabilang linya. "Do you still remember me? I'm Jena, Jena Lopez."

Jena? Kunot noo kong sambit sa sa aking sarili. Jena who?-- bigla na lang nagliwanag ang aking mukha sa reyalisasyon. Bakit ko nga ba makakalimutan ang pangalang ito? Mukhang tumatanda na talaga ako.

"Jena," dahan dahang sumilay ang ngiti sa aking labi. "how would I forget? My very dear friend."

Mahina nyang tawa ang narinig ko bago nya ipinagpatuloy ang magsalita.

"I want you to meet my daughter Lady Magdaleine. I think it's the right time for you to meet her again."

Gaano na ba katagal nung huli kong nakita ang napatalented at napakagandang bata na iyon? Tama, almost ten years ago na rin ang nakalipas. Ano na nga ba ang pangalan nya ulit? Clarene? Corine? Noreen? Tsk sa tagal ng panahon mukhang nakalimutan ko na nga talaga. Basta ang alam ko ang tunog ng huli nyang pangalan ay 'rin'. 

 

"I know. She's not getting any younger. She's nearing her 17th birthday am I right?" 

Bigla syang natahimik sandali. "You still remember" Sa tono ng pananalita nya para itong suhestiyon at hindi patanong.

"Of course, it's in your family for generation. Avana-- a very famous name in the history of us gangsters. Your last name was the only one that have changed, but not your responsibility for the family."

Mga Avana ang pinakamakapangyarihang gangster hindi lang dito sa Pinas kundi pati na rin sa buong mundo. Isa syang Avana pero napalitan lang yung magmula ng magpakasal sya sa isang Lopez na isa ring kilalang pamilya sa gangster world. Avana + Lopez = wala na nga atang makapagpapatumba pa sa pamilyang ito.

"I know and I never forget that." halata ang lungkot sa boses nya. "But do you think she's still too young? You know my story Magdaleine, and I don't want my daughter to end up like me."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon