"RJ? Wake up. Gising na."
"Ehem."
Ehem? San galing yung ehem?
"Menggay."
"Tay."
Tay?! Patay!
"Humiwalay ba yang likod mo sa harap mo kaya sumakit?"
"Po? Hindi po. Kanina pa po ba kayo dumating?"
"Ngayon ngayon lang. Akala ko kasi yang nakapulupot sayo ang ginamit nilang binder para hindi ka magkalaskalas. Kapit na kapit o. Daig pa industrial glue."
"RJ... wake up!"
"Later na baby."
"Baby? Naku Menggay, gisingin mo na yang anacondang nakalingkis sayo bago pa magwala tong tatay mo."
"Richard! Wake up na kasi! Huy!"
"Gusto mo na naman ng kiss?"
Tangina pag nakalusot tayo ng buhay sa tatay ko, papatayin kita. Pati sa pagtulog ang harot! Woi pumisil pa!
"ARAY! What the hell---o po. Good morning po. Sorry po. Tatayo na po. Eto na po. Kumain na po kayo? Ah sandali po magbabanyo lang po ako.... po."
"Kaano ano nung isang yun si FPJ?"
"Po?"
"Ikaw din? Mendoza ka diba?"
"Tay ang gulo niyong kausap. Bakit pati si FPJ nadamay? At opo, Mendoza pa po ako."
"Pa?"
"Po?"
"Susmaryosep kayong mag-ama. Duduguin ako sa gulo niyong mag-usap. Magpapatawa sana tong tatay mo gawa ng po ng po yung pogi mong binder este glue este kasama. Pero dahil hindi naman kalbo tong tatay mo, bano ang joke niya. Meng, anak... sino ba yung nakayakap sayo?"
"Boyfriend ko po, Nay. Si RJ po. Siya po yung therapist ko. Sila po ni Ate Niki nagdala sakin dito kahapon."
"Boyfriend? Boyfriend pa lang kung makalingkis na parang hindi uso ang space?"
"Tatay naman."
"Ahm... good morning po ulit."
Hala siya antapang! Lumabas pa talaga ng banyo. Aylabyu pogi!
"RJ, ang Tatay at Nanay ko. Nay, Tay... si RJ po."
"Boyfriend po ni Maine. Nice to meet you po."
"Anong intensyon mo sa anak ko?"
WOI TAY EASYHAN LANG SA PAGTANONG NG INTENSYON JUSKOLORD.
"I intend to make her the happiest wife in the world, sir."
HUY ANUBAAAA MAINIT SA SUN BAKA MAGKASPLIT ENDS ANG HAIR KO. Ilang drum kaya ng extra joss ang hinithit nitong taong to? HONGTAPAAAANG! Si Lucas bago nakahirit ng ganyan... ugh no Maine, seriously no comparison. Wala. Don't even. This guy is in a league of his OWSHET BAKIT KA LUMULUHOD SA ay nahulog lang pala yung unan. FALSE ALARM!! Kalma!
"Likod ba ang may tama kay Menggay o utak niya? Tulala na naman o."
"Grabe kayo sakin, Nay."
"Ganyan po yan madalas pag kinakausap. Nangiiwan. Ewan ko po san nagliliwaliw yung isip niya."
"Pagpasensyahan mo na iho. Mayaman eh. Kayang bumili ng sariling mundo."
Ay close na agad si pogi sa magulang ko? May pa-joke time na agad agad? Paano!? Teka puta gaano ba kong katagal nawala? Kaloka.
"Tay..."
"Good morning, Maine. How's my patient this morning?"
"Hi, Doc. Parents ko po. Wala na pong pain, Doc. Parang ngalay na lang. Bearable naman po. You think I'm okay to go home? Or meron pa ding tests na kailangan gawin?"
"Well the good news is hindi herniated disc. The not so bad news is, I'm going to need you to keep taking it easy. Maybe a week or two. We're leaning towards traumatic Spondylolysis because of your accident. For now we'll treat it as such. You can go home pero I prefer you have someone temporarily live with you to make sure your lower back isn't further stressed."
"I'll stay with her."
Tengene Richard, kalma lang. Lakas maka-Katniss sa bilis mag-volunteer.
"I'm the most qualified to stay with her. Alam ko na what to do to help manage her activities and how to administer first relief in case bumalik yung pain."
"Yan din iniisip ko, actually."
Naks si Tatay, taartits.
"Okay so if you can come with me to my office, para mabigay ko sayo yung management and treatment plan for Maine here, we can send her home within the day."
"Sige po, Doc. Uhm... mauna muna po ako... Tita, Tito."
"Sige, RJ."
"Menggay."
"Po?"
"Naka-jackpot ka ah. Pogi, anak. Lalo kung itatabi mo dun sa toasted siopao mong ex na walanghiya."
"Nay naman."
"Ano Mary Ann, payag ka ba na pansamantalang titira sa condo ni Menggay si pogi?"
"Aba ikaw. Papayag ka ba?"
Papayag yaaan.. lab ako ni Tatay eh. Uy papayag yaaan.
"Tanda na nitong anak mo para ako pa magdesisyon para sa kanya. Nalagpasan nga niya yung sumpa ng siopao eh. Basta Menggay... hindi masamang gamitin ang utak kasabay ng puso ha? Focus muna tayo sa pag-galing mo. Yun naman ang importante. Isa pa, mukha namang katiwatiwala si RJ."
Shet. Is dis da real life? Is dis just fantasy? Tama ba ang narinig ko? Pumayag ang Tatay?
"Salamat, Tay. Promise, we won't let you down."
Rexona. Naks.
~•~•~•~
Author's note: I promise to write a longer update soon. Blame Netflix and Stranger Things and Faulkerson na rin. Mas malala pa to sa sabaw. Tubig lang to, tubig. Jusko.
BINABASA MO ANG
Pieces of Me
FanfictionA MaiChard AU that tells a story about love, acceptance and the healing power of laughter.