We Begin at One

9.6K 637 53
                                    

"Menggay, anak? Pwede na ba kong pumasok?"

"Opo, Tay. Tapos na po kami kanina pa."

"Nakita ko na ang Ate Niki mo sa labas eh kaya naisip ko baka nga tapos na kayo. Santissima, anak. Ang ganda mo. Kamusta ang pakiramdam? Ninenerbiyos ka ba? Masaya? Excited?"

Atat. Atat na atat na ko Tay. Kung pwede lang tumalon sa dulo, ginawa ko na. O sige girl, go. Sabihin mo yan sa Tatay mo. Baka kahit araw mo ngayon mapabaunan ka ng bigwas.

"Mixed emotions po. Lahat lahat na. Takot, kabado, excited, gutom, worried. Pero Tay, I'm mostly very happy.  Yung parang sobrang saya na pero sumasaya pa rin habang papalapit ng papalapit yung matagal ng dinadasal ng puso ko na mangyari. Yun pong saya na nahanap ko pa rin yung isang bagay na akala ko nawala na ng tuluyan sakin."

"Parang yung gustong gusto mong mag-candy kasi kakatapos mo lang kumain ng lumpiang sariwa eh wala kang makitang double mint sa bag ng Nanay mo kaya inisip mo na lang na hindi ka magsasalita para walang makaamoy ng hininga mong amoy bawang tapos bigla kang may nakapa tapos ayun! Mentos! Tagumpay!"

Juskolord.

"Yes Tatay, parang ganun na nga."

"Binibiro lang kita anak. Masaya ako para sayo. Akala ko nga hindi ko na ulit makikita yang ningning sa mata mo pagkatapos kang maaksidente, pagkatapos kang iwan sa altar nung hampaslupang siopao na ex mo. Akala ko tuluyan ng mawawala sakin ang Menggay ko. Masaya ako anak na nanumbalik muli ang ligaya sa mata mo, sa puso mo. Pero mas masaya ako dahil hindi ka pumayag na magpatalo sa takot. Nakita kong lumaban ka. Nakita kong kahit may mga araw na parang bibigay ka na, tumatayo ka pa rin at lumalaban."

"Tatay naman eh. Nagpapaiyak."

"Hala teka may tissue ka ba? Wag kang masyadong umiyak! Kabilinbilinan ng Nanay mo wag kitang paiyakin! Hulas na ba makeup mo? Punasan mo na kasi agad susmiyo!"

"Menggay, Teodoro tama na yang usapa--- ano ba naman yan!? Bakit umiiyak tong anak ko?! Hindi ba't... sinabi ko ng... paano kung... ASAN NA BA MGA TISSUE?! Sinaksak niyo na naman bang magkakapatid sa mga bra niyo!? Hindi na lalaki yang mga yan jusko! Dukot ng tissue dali Menggay! Teodoro labas!!"

Mi madre, ladies and gentlemen. Ang maton ng Sta. Maria, Bulacan.

"Nay, relax lang po. Ay hala ang Tatay lumabas talaga. Waterproof naman po makeup ko Nay. Hinga ng malalim. Bawal ang nega. GV GV lang po."

"Tigilan mo ko Nicomaine. Ano ready ka na ba? Yung panyo mo? Gusto mo bang mag-CR muna? Ok na ba yang sapatos mo? Kamusta tuhod? Hindi naman nanghihina? Kumapit ka kung may nararamdaman ka ha? Tandaan mo, andito lang kami ng Ta--- Tatay--- m-mo pa--- pa..."

Ay talaga ba? Juskodislayp. Mas madrama pa sa Mara Clara ang pamilya ko. Asan ang diary, Nay? Nakuha na ba kay Tiyo Kardo? Abangan. Ay wait, wrong network. Kaya pala. Saan ba yung remote?

"Nay, tama na yan. Tahan na po. Sige kayo, masisira ang make-up niyo. Smile ka na po. Don't worry about me. Big girl na ko kahit hindi halata sa dibdib ko. Halika na po. Hinihintay na ko ng forever ko. I don't want to keep him waiting."

"Ikakasal na ang Menggay ko..."

This is it, pansit.

*•*•*•*

Author's note: Yes I know, short update. Pasensya na, sabay sabay lang kasi talaga. Pasensya na rin kung sabaw. Tinamad akong mamalengke ng sahog. Tsaka umaambon. Maputik sa palengke. Bagong footspa paa ko. Kenatbi, borrow one for free. Anudaw? Ah basta.

Pieces of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon