Twelve Noon

10.2K 817 246
                                    

"Maine, do you feel this?"

"No, doc."

"How about this?"

"Uhm... no pa rin po."

"Alright. Tell me if you feel th--"

"ARAY! AY SHET I FELT THAT! DOC! I FELT THAT!!"

"Yes, Maine. I heard you. The entire hospital heard you, iha."

"Sorry po. RJ, love I felt that! Doc, so may chance right? This means I have a bigger chance of walking again?"

"Yes iha, it does. Significant ang increase ng chance. Mukhang unti unti ng bumabalik ang pakiramdam sa lower torso mo."

"Anong kaguluhan to?"

"Tay! Sinaktan po ako ni Doc!"

"Susmaryosep love, baka masapak ni Tito si Doc nyan eh. Positive po yung response test ni Doc kay Menggay. Mano po, Tito. Kayo lang po? Ang Tita po?"

"Kalma sa pagtatanong iho, malapit na kong umamin sa krimen sa tindi mo mag interrogate."

"Tatay naman, dalawang tanong lang naman yun."

"Eto naman. Alam naman ni RJ na nagbibiro lang ako. Mamaya pa susunod ang nanay mo. Magpapahinga muna. Doc, kelan madidischarge itong anak ko? Yun naman pong tahi niya sa likod, kamusta din? Maayos ba ang paghilom? Wala naman bang ibang problema bukod sa mabagal na balik ng pakiramdam ni Menggay sa mga biyas niya?"

"Tito, kalma lang po sa pagtatanong. Pinagpapawisan na po ng malamig si Doc. Wehehehe."

Shutanginafrog ka Ricardo dahan dahan sa pang-aasar sa tatay ko. Parang nakasimsim ka na naman sa kilikili ni Bonifacio. Epic ang tapang, friends. Hindi pa man kami kinakasal, magiging biyuda na ko. Naks, kasal talaga? Nadiligan lang, nagplano na  ng kinabukasan. Wag assuming teh.

"Hahaha may punto ka 'nak."

WOI! 'Nak!?! NAK!?! Who's there? Cheret. Pero NAK talaga? Ay o si pogi, ampula. Parang naligo ng mertayoleyt. Hihihi. Kinilig si mokong. Ay teka wait. Hihihi? Seryoso ka self? Hihihi? Pa-cute ah. Di bagay. Balik ka sa mehehe. Yan. Ganyan.

".... no complications but the road back will not be easy. Pero I'm confident that with everyone's help, especially RJ's, Meng will be up and running in no time."

Up and running. Running agad? Bawal walking muna? May lakad ka Doc? Atat lang. Eh kung madapa ako?

".... recommend no strenuous activities except medically approved PT exercises. So no heavy lifting. Avoid being too sexually active as muscles and nerves are still prone to overstressing."

Paalam naaaaa aking mahaaaal kay hirap sabihin... paalam naaaa aking mahal; masakit isipin na mamaya lang malamang sabay tayong iitsa ng tatay ko palabas ng bintana.

"Tito, okay lang po kayo?"

"Tatay? Bakit ganyan mukha niyo Tay? Nakakatakot. Si Doc naman kasi eh."

"Ha? What did I say? Aahhh... I'm sorry but it had to be said. You're two adults who are going to be living under one roof for the next few months. Importante that you guys know what you can and cannot do. And you cannot do each other... too much."

Ay o winner si Doc. Champion talaga. Aawardan kita mamaya ng mag-asawang siko. As in. Pasalamat ka siko lang. Juskolord.

"Tito, kung mas makakagaan ng kalooban at pag-iisip niyo, pwede naman pong sa inyo umuwi si Maine para meron siyang kasama. Araw araw na lang po ako pupunta para sa PT niya. Wala pong issue sa akin yun. Ang mahalaga sakin gumaling po si Menggay."

"Marry me."

Ay puta ano daw sabi ko? Magpropose daw ba sa jowa habang pumipitik pitik na yung ugat ng ama mo sa ulo, self? Anak talaga ko ni Dante Verona eh. May lahing action star. Stuntwoman ganon. Luh pati si pogi natulaley na.

"Wowie! Este Mike! Buti dumating ka! San si Coleen?"

"Paakyat na din. May binili lang sila ni Ate Niki sa cafeteria. Mano po, Tito. RJ, pre. Musta ka Meng? Doc, magandang araw po."

"Mike."

"Uhm. Anong nangyari? Bakit tulala si Tito?"

"Paanong di ako matutulala!? Menggay! Tama bang ikaw ang magyayang magpakasal na kayo nitong si Ricardo?"

"Papayag naman po ako, Tito."

Pssst Tarzan! Kelangan mo pa ng extra baging na paglalambitinan? Eto herr ko o. Kahit balutin mo pa ng sampung beses ang buong Amazon Jungle. Keribels. Payag daw pakasal sakin si pogi. GANDA KO SHET.

"Lakompake kung papayag ka. Ang sakin lang dapat ikaw ang nagtatanong ng mga gan--- HOY santisima hindi ko sinabing ngayon ka lumuhod..."

"Love? Hello? Asan na ba kayo ni Ate Niki? Bilisan niyo dali! Di niyo dapat mamiss to!"

"Maine... alam mong mata---"

"HOY BAKIT NAKALUHOD SI POGI!? TAY ANONG MERON? ATE NIKI O SI RJ NILUHURAN SI MENGGAY!"

"Salamat sa blow by blow, Coleen. Ano ko bulag at bingi? I'm in the same room!"

"Sorry naman! Kakaloka kasi tong magjowang to! Ano ba kasi meron? Tay? Okay ka lang? Kulay talong na po kayo."

"Excuse me lang no? Nagmomoment kasi kami. Pwede na?"

"Diyos ko. Walang makapipigil. Niki, tawagan mo Nanay mo. Igigisa tayong lahat nun kapag hindi niya nakita to. I-kwan mo yung video call. RJ, anak, tumindig ka muna."

"Okay lang po ako dito, Tito. Willing to wait po."

"Ay ano to, drive thru? Tapos yung, 'yes I'll marry you' ko eh Happy Meal na prineprepare pa?"

"Kakaiba itong proposal na to. Alam na ang outcome kahit wala pa yung tanong. Reenactment lang ang peg."

"Wag ka nga Juday. Mamaya kayo ni Wowie ang mag reenact kina Kuya Nico at Dean."

"Sitaw."

"Pakwan."

*•*•*•*

Author's note: May hangover pa po ako from ADNFest. Bawal pa mag-operate ng heavy machinery. Eto po muna. Sabaw pa rin pero binudburan ko naman ng onting Magic Sarap.

Pieces of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon