Angelica Roncquillo's POVHabang nag-didiscuss si Teacher Eric , bigla na lang tumawa si Rence. Hmm di ko pa rin ma - gets. Tapos bigla na lang ring tumawa si Xyrene. Pinagtatawanan nila yung BAL - BAL? Ay gets ko na. Green Minded siya kaya gusto niyang tinatawag na MR.GREEN , Yeeesshhh...
Tapos nakita ko si Dianne na nakatulala kay Zayn. Ay Grabe! Confirm na crush niya nga. Haha , tapos si Xyrene naman nakatulala rin kay Zayn. Tss tong kambal na ito. Tinutunaw pa yung pinsan ko , haha haha.
Zayn Sebastian's POV
Habang nag - didiscuss si Sir , ramdam ko na may mga nakatitig sa akin. Ng humarap ako sa likod nakita ko yung kambal. Nakatitig sila sa akin na para bang tinutunaw nila ako. Ako naman tumingin sa kanila at sinuklay ko yung buhok ko gamit yung kamay ko. Saka ako tumingin sa kanila ng nakataas ang mga kilay.
Natulala sila sa akin at bigla silang nag - blush. Hmm nakakatawa itong dalawa na ito. Ang ganda nila pareho. Haha! Pero sino kaya sa kanila ang magiging crush ko?!
Tapos nagulat ako ng tinawag ako ni Sir.
Sir Eric : Zayn! Nakikinig ka ba?!
Zayn : Ahh , Ehh Ahmm! Oo naman Sir! Ano akala mo? Di ako nakikinig?! Hehe
Sabay tawa ko at napakamot ako sa ulo ko.
Sir Eric : Sige nga kung nakikinig ka , asan na tayo?!
Zayn : Ahhhhh
Ano ba yung isasagot ko? Di kase ako nakikinig eh , ayan tuloy di ko alam isasagot ko. Haaay! Kung tumayo na lang kaya ako , Hmm yung dalawang magandang kambal kaya? Nakikinig kaya sila? Ang ganda talaga nila , sino kaya pipiliin ko? Kung si Dianne kaya? O si Xyrene...
Sir Eric : Yung sagot ang hinihingi ko hindi kung sino ang pipiliin mo sa dalawang babae!
Nagulat ako sa sinabi ni Sir... Nakakabasa kaya siya ng isip o nasabi ko iyon ng malakas!
Tumingin ako sa mga kaklase ko , nagtatawanan sila at yung kambal naman nag - bablush. Napayuko na lang sila , ako naman nag - yelo sa kinatatayuan ko.
Zayn : Ahh , Hayysss Sir di ko alam!
Sir Eric : Tssk , Tssk hindi kase nakikinig eh. REMAIN STANDING!
Napakamot na lang ako sa ulo ko at napilitang tumayo . Hayysss ...
BINABASA MO ANG
Love Triangle
Teen FictionTWINS are RIVAL to a boy. Can love ruin their friendship? Or one of them will sacrifice?