Abby's POV
Hanggang ngayon ginugulo pa din ako ng aking kaluluwa. Ano yung sinabi nya? I like you? Parang ganon na din yon eh.
Ah. Siguro wala lang yon.
Calling sweet mama....
Hala! Bakit nanaman ito tumatawag? Kasi dahil sa fiancé ko? Tsss sinagot ko nalang ito hinintay Kong magsalita sya.
(Hello anak?)
Lakas naman ng loob nya na tawagin pa ako na anak.
"Anong kaylangan mo?"
(I miss you)
"Well I'm not missing you sorry.."
Pero sa loob loob ko lang miss na miss ko na si mom.
(Anak.. Hindi na kita ipipilit sa lalaking yon kung gusto mo basta bumalik ka na dito)
"Mom, masaya na ako kung anong Meron ako, may sarili na akong buhay, I don't need you.."
Binabaan ko na sya ng phone. Tsss lakas talaga!
Nagulat ako kasi ang aga aga pa may bumubusina sa baba. Tumingin ako sa baba. Si blu ano nanaman kaylangan neto?
Pinagbuksan ko sya ng gate. "Oh anong kaylangan mo kumag?"
Tuloy tuloy lang syang pumasok sa bahay ko . aba? Anlakas nya ha? Kupal talaga.
Humiga sya sa sofa."Aba! Feel at home ka ata kumag ah?"
Narinig Kong may maingay na sikmura. Pero Hindi saakin yun ha.
"Di pa ako nag aalmusal eh.. Lutuan mo naman ako oh.. Kupal.". Ako ? Kupal? Abay gago toh ah?
"Nasarapan ka sa luto ko noh?"
"Oo masarap, kaya nga nandito ako eh, mag bake ka nga yung may yokai"
"Bilisan mo kumain ha? Magtatrabaho pa ako."
"Trabaho? "
"Pupunta ako sa canteen ngayon, sarili ko yon"
"Anong pangalan?"
"The Krusty Crab."