Abby's POV.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Linggo ngayon walang pasok. Bumangon ako at naghilamos.
Nag stretching pa ako. Tapos jogging jogging. Tumataba na ata ako?
"Baby what you see is what you get"
Sinagot ko ang phone ko.
(Good morning baby.)
Napangiti nalang ako ng automatic. Ewan Parang simpleng salita nya lang tinatamaan na ako.
"Good morning."
(Marunong ka ba sumayaw?)
"Uhm... Dancer ako nung highschool Bakit?"
(Perfect. Susunduin kita get ready)
Magsasalita pa Sana ako kaso binabaan nya na ako. Bastos na bata.
Dahil papunta na sya naligo na ako
Nagsuot nalang ako ng highways at na jumper, hanu daw? Haha.
Gusto ko lang ipamukha sakanya kung sino yung manang. (¬_¬)
Nagrubber shoes ako at messy bun na tali. Nag lipstick ako na pula.
Tumingin ako sa salamin. Woah chix. Haha.
Binuksan ko na ang pinto at don naghihintay si xian.
"Woah.. Chix" manghang sabi nya.
"Kala ko ba manang?"
"Joke lang naman yun baby."
Inalalayan nya akong sumakay sa motor nya. Single lang ba. Mabilis syang nagpatakbo. Kaya napakapit ako sa tyan nya.
Anim na pandesal. Nahawakan ko yung abs nya. Perfect abs.
"Ano? Mangha ka nanaman sa katawan ko?"
Agad Kong binitawan yun. Muntikan na akong tumambling kasi nasa motor pa kami. Niyakap ko nalang sya.
"Kasi naman eh." Sambit ko.
"Haha.. Sorry baby. Sige na Alam ko namang gusto mong hawakan eh. Hawakan mo na."
"Gusto mo sipain ko ulit yang bias mo?"
"Wag! Okay na. Hindi na."
Binaba nya ako sa park. May mga lalaki din don na nakatambay. Ang gwapo nila halatang richkid.
"Bro!" Lahat sila nag apir.
"Oh sya na ba yon?" Sabi ng isa nyang kasamahan. 5 sila.