Abby's POV
Nagising ako kasi may kumakanta. Hala ano yon? Multo? Ayokong idilat yung Mata ko kasi Baka multo nga.
"Kung inaakala mo.. Ang pagibig koy magbabago
Itaga mo sa bato.. Dumaan man ang maraming pasko"
Ang ganda naman ata ng boses kung multo yan? Nako nakakainlove naman ata yung multo na yan.
"Good morning baby. Gandang ganda ka ata sa boses ko ah?" Muntikan ko ng ikamatay sa sobrang gulat ko.
"Ha? Saan banda? Boses? Ano daw?" Kunyaring Hindi ko narinig ang sinabi nya. Eh kasi nakaka ano naman kung aaminin mo. Mapride ako eh.
"Asus kunyari ka pa baby. Ah by the way.. Pinagluto kita ng magic bacon with rice" medyo ginanahan ako sa sinabi nya. Gutom na kasi ako eh.
"Sandukan mo na ako.. Baby" agad naman syang tumingin saakin at nginisian ako. Hala! May nasabi ba akong masama?
Sinandukan nya ako, medyo natawa pa ako kasi andami nyang sinandok anong akala nya saakin? Baboy?
"Yung totoo kanino mo ba ipapakain yan? Saakin o sa baboy?"
"Hahaha.. Syempre sayo... Sigurado akong magugustuhan mo yan" binuksan nya ang takip ng bacon.
Nagulat ako kasi sunog yon. Tapos nakita ko sa kamay nya na may talsik pa sya. Hala! Haha
"Niluto mo yan?"
"Uhm.. Oo.. Akina na nga yan" sabay kuya ng bacon na nasa harap ko.
"Tatapon ko nalang Alam ko namang Hindi mo kakainin ito eh"
"Hoy! Bakulaw wag mong itapon yan! Kakainin ko gutom na ako eh" bigla syang napahinto at yung ngiti nya. Abot tenga.
"Talaga? Kahit sunog?"
"Oo naman pinaghirapan mo yan eh, tsaka sayang naman kung itatapon mo lang"