=Xian=
Bumili ako ng flowers para Kay Abby ko. Ewan ko ba, gusto ko lagi syang masaya. Kapag masaya sya automatic masaya din ako.
Weird pero totoo yon.
Nagpunta na agad ako kila abbygaile para makita ko agad sya. Miss ko na eh.
Ano bang iniisip ko?
Umagang umaga sya yung unang pumapasok sa isip ko.
(*_*)- ganyan yung reaction ko nung makita ko si Abby na bumibili ng santol. Ang ganda nya. Sobra.
Napailing nalang ako sa iniisip ko.
May nahulog syang sobre nung pabalik na sya sa bahay nya. Kinuha ko yon.
Ano kaya toh? Bakit puro heart?
Tinago ko nalang yon sa bulsa ko. Mamaya nalang. May misyon pa ako. Kaylangan Kong nakita si Abby dahil kating Kati na ang aking mata kakahanap sakanya.(^.^)
Naiwan na nakabukas ang gate kaya pumasok na ako. Nakita ko syang nakahiga sa sofa at nanonood ng barney. Tuwang tuwa pa sya.
Nanatili lang akong nasa pinto nya. Ayokong makaabala sakanya.
"I love you, you love me. Were a happy family.."
Sinasabayan nya pa ang chorus at sumasayaw. Pumapalakpak pa.
Ewan ko ba kung anong nang yayari sa babae na yan. Kinuhanan ko sya ng video. Halatang Aliw na aliw sya sa palabas. Para syang bata.
Na ngayon lang nakakita ng TV.
Ng matapos na ang kanya tumalon pa sya .
"Yeheeey!" Masiglang sigaw nya.
"Seriously? Barney?"
Nagulat naman sya sa pag dating ko.
Kung nagtataka kayo na wala kaming pasok. Excuse na kami sa lahat ng prof, kasi mamaya na ang sayaw.
"Kaganina ka ka dyan?" Kunakabahan na tanong nya, habang pinag uuntog ang daliri nya.
"Oo"
"Hala!"
"Galing mo pala sumayaw. Pwede ka ng pang Hi-5" sabay tawa ko sakanya. Sya naman nakabusangot lang.
"Tsss.. Stalker."
"Mukha mo."
May nag message saamin na Hindi daw tuloy ang contest ngayon. Inatras daw sa Friday na.
"Ayyy,. Sayang naman" nanghihinayang na Sabi ni Abby.
" okay lang yon atleast makakapag handa pa tayo."
"Key."
Umupo sya at kinain ang santol. Ang Asim Asim nyang eh.
Binigay ko na ang flowers ko sakanya . this time tulips na ang binigay ko.