Chapter 3

33 5 2
                                    

Soonyoung POV

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto. Parang aligaga na yung mga tao sa labas aa anong oras na ba?

"9 na!!?? ang oras ng klase ko ay 10!! may isang oras nalang ako para mag ayos!"

Dali dali akong naligo at nagbihis nang mapansin ko na wala si Seokkie sa kwarto. 

"baka naman kanina pa umalis yun, hindi man lang ako ginising hmp",  bulong ko sa sarili ko.

Pero nakaagaw ng pansin ko ang sticky note na nakadikit sa salamin.


Meet me at the park. 5:00pm.

                        -Seokkie <3

"oh? ano na naman kayang pakulo nito ni Seokkie at paganto ganto pa", natatawang sabi ko.

Tinago ko sabulsa yung note at lumabas na ng kwarto at umalis ng bahay. Sumabay sakin si Jun hyung tutal magkapareho naman kami ng klase.

"Himala, hindi mo kasama si Seokmin. Maaga syang umalis kanina ee hindi ka man lang ginising, magkaaway ba kayo? tanong nya.

"Hindi ko nga alam dun ee parang may problema sya na hindi sinasabi sakin", sagot ko naman.

Nakarating na kami ng klase at nagsimula na ang isang araw nanamang pag aaral

------------------------------------

Tapos na ang klase ko ngayong araw. 4:30pm nadin. Nilabas ko ang note sa aking bulsa at binasa ko ulit yun.

Tinext ko si Seokkie na papunta nako.

Seokmin POV

beep. . beep. .

1 message from Soonie-hyung<3

"Seokkie, papunta nako"

Hindi ko na sya nireplyan at hinintay ko nalang syang dumating.

Iba-ibang scenario ang naglalaro sa utak ko kung  anong mangyayari at magigigng reaction nya pag sinabi ko sakanya yun.

"Hayss, bahala na ang mahalaga nasabi ko sakanya yung kelangan kong sabihin", sabi ko sa sarili ko.

-----------------------------------

Third Person POV

"SEOKKIE!!" 

Malayo palang ay tinawag na ni Soonyoung si Seokmin. Agad namang napalingon si Seokmin sa direksyon ng tumawag sakanya at nang makita nya si Soonyoung ay hindi nya maiwasang hindi kabahan.

"Seokkie!!!", masayang bati ni Soonyoung sabay yakap dito ng mahigpit.

"hyung ano ba hindi ako makahinga!!", pagrereklamo ni Seokmin.

"Ahehe sorry namiss lang kita, kahapon mo pa yata ako iniiwasan ee. May problema ba?", tanong nito.

It took Seokmin a long pause to prepare himself from what's coming next before speaking.

"Hyung. . a-ano may sasabihin lang sana ako sayo", nag a-alangang sagot niya na sya namang ikinabahala ni Soonyoung.

"Ano yun? may sakit ka ba? may ginawa kang kalokohan? ano? sabihin mo!!", sunod sunod na tanong nito.

"hindi hyung, ano kasi. . . . . 

naglakas loob itong tingnan si Soonyoung ng diretso sa mata

"Im inlove with you hyung".

Hindi nya mabasa ang reaksyon sa mukha ni Soonyoung, nakatingin lang ito sakanya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Soonyoung nang mga oras na yun. Gulat, Pagtataka, inis, naguguluhan sya hindi nya alam ang sasabihin nya. He didn't expect this.

"w-what did you say?", naguguluhan nitong tanong.

"hyung, dont make me repeat myself", sagot ni Seokmin na halos naiiyak na.

Humakbang paatras si Soonyoung habang nakakunot ang kanyang noo at umiiling iling. 

"I can't believe you. . . . You're impossible", halos pabulong na sabi ni Soonyoung.

Hindi na nakapagsalita si Seokmin dahil naiiyak na sya. Kitang kita ng dalawa nyang mata ang pandidiri ni Soonyoung sakanya. Hindi ito ang reaksyong inaasahan nya sa kaibigan. Akala nya maiintindihan sya nito pero mukhang nagkamali sya.

"YOU'RE IMPOSSIBLE SEOKMIN!!!", galit na sigaw nito.

"Hyung! let me explain", umiiyak na sabi ni Seokmin at hinawakan ang kamay ng kaibigan para bang nagmamakaawa na pakinggan sya nito.

"NO! DONT TOUCH ME!! YOU'RE GROSS!!", sigaw ulit ni Soonyoung sakanya at tinabig ang kamay nito pagkatapos ay tumakbo na itong palayo kay Seokmin.

Napaupo na lamang si Seokmin dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman nya. Hindi nya mapigil ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Halos hindi na sya makahinga sa sobrang pag iyak.

"Hyung. . . s-so-rry . . . sinira ko ang . . . . pag-ka-kaibigan na-tin", he whispered to himself in between his sobs.


**********


a/n: I really hope na nae-express ko yung gusto kong atmosphere ng scene na intense at nakakaiyak. hindi ko alam kung ganun ba yung kalalabasan nun sa mga readers (kung meron man) hayssss






In a Million YearsWhere stories live. Discover now