Almost 1 week have passed but Soonyoung still refuse to talk to his bestfriend. Kahit nasa iisang bubong lang sila parang hangin lang ang trato nya kay Seokmin. Kahit ang mga kasama nila sa bahay ay nakakahalata na rin sa kinikilos ng dalawa. Madalas na si Jihoon ang kasa-kasama ni Soonyoung at nag aalala na sila sa laging pag-iwas nito kay Seokmin.
"Wala ka bang nappansin kina Soonyoung at Seokmin?", tanong ni Jeonghan sa nagbabasang si Jisoo.
"Meron.", maiksing sagot nito.
Hindi na nila kelangan isatinig kung ano yun dahil iisa lang naman ang nasa isip nila.
"Why wouldn't you try to talk to Soonyoung and I'll talk to Seokmin for us to know if they have problems?", suggestion ni Jisoo.
"Hmm sige maganda yang naisip mo. Kakausapin ko si Soonyoung.", pag sang-ayon ni Jeonghan.
---------------------------------------
Naabutan ni Seokmin si Soonyoung sa sala na nanunuod ng TV. Nilapitan nya ito.
"Hyung, pwede ba tayong mag-usap?", mahinang tanong ni Seokmin na halos sya lang ang nakarinig. Kinakabahan din kasi sya at naglakas loob lang na lumapit sa nakatatanda.
Ngunit imbis na sumagot ay pinatay ni Soonyoung ang TV sabay tumayo na at naglakad paalis ng sala.
"Hyung!", tawag ni Seokmin sapat para marinig sya ni Soonyoung pero hindi sya pinansin nito at tuloy tuloy na naglakad palayo.
Nakita ni Seokmin sa mukha ni Soonyoung ang pagkairita nang kausapin nya ito na dahilan para lubos na masaktan ang kanyang damdamin. Dati-rati ay tuwang tuwa si Soonyoung pag kasama nya si Seokmin pero ngayon ay tila lason para sakanya ang presensya ni Seokmin.
Ang hindi nya alam ay nakamasid si Jisoo sa eksena nilang dalawa.
"Seokmin", tawag ni Jisoo na syang ikinabigla ng nakababata.
"Hyung anong ginagawa mo dito?", tanong nito.
"Mag-usap tayo, sumunod ka sakin doon tayo sa kwarto ko". ma-otoridad na utos ni Jisoo.
Kahit nagtataka ay sumunod na lamang sya sa nakatatanda. Nang makarating sa kwarto ay ni-lock ni Jisoo ang pinto at agad na kinompronta ang nakababata.
"Anong problema nyo ni Soonyoung? Matagal na naming napapansin na iwas kayo sa isa't isa at hindi kami sanay na ganon kayo.", sabi nito.
Nagulat si Seokmin sa biglaang tanong ni Jisoo dahilan para hindi agad ito nakasagot.
"Hyung, wala naman kaming problema". pagsisinungaling nito.
"Don't lie to me, you're too obvious. And besides nakita ko ang nangyari kanina sa sala. Nag-away ba kayo? galit ba sayo si Soonyoung?
"Hyung wala lang yun wag mo nalang pansinin.
"Seokmin, come on tell me what's wrong maybe I can help you". malambing na sabi nito kay Seokmin?
Nakatungo lang si Seokmin at ayaw nyang tingnan si Jisoo sa mata sa sobrang pag-iwas nya sa tanong nito. Hindi sya makasagot. Ayaw nyang malaman ng iba ang nangyari at baka sa huli ay husgahan lamang sya ng mga ito.
"Seokmin don't hesitate to tell me you're problem. Im your hyung iintindihin ko kahit ano man yan. You don't always have to bear that alone. Telling someone your problems can lessen the pain in your heart. Kung iniisip mo na ipagkakalat ko kung ano man yan, don't worry, I won't tell a soul. You can trust me Seok. Kaya sige na sabihin mo na". mahabang pagpapayo ni Jisoo kay Seokmin habang hawak ang dalawang kamay nito.
Nakatungo parin si Seokmin, nararamdaman nyang konti nalang ay tutulo na ang mga luha nya sa pinagsasabi ni Jisoo. Ayaw nyang makita ng iba na umiiyak sya lalo na ngayon na si Jisoo ang kaharap nya. Pero ang mga traydor nyang luha ay tuluyan ng umagos.
Hindi inaasahan ni Jisoo ang pag-iyak ni Seokmin. Hindi nya alam ang gagawin nya. Ngayon nya lang nakita na nagkakaganito ito. Masayahin at masiglang Seokmin ang lagi nyang nakikita kaya naman bago sakanya na makitang umiiyak ito. Niyakap na lamang nya ito at hinayaang mabasa ang damit ng mga luha. Humahagulgol si Seokmin sa balikat ni Jisoo at hindi maiwasan ng nakatatanda na mag alala sakanya. Naisip nya tuloy na baka sobrang bigat ng dinadala at tinatago nito sa dibdib kaya ganun nalang ang paghagulgol nito. Hinagod nito ang likod ni Seokmin at hinaplos haplos ang buhok nito.
"H-hyung . . . " sambit ng nakababata sa gitna ng sobrang pag-iyak.
"sssssshhh... sige lang Seok iiyak mo lang hanggang gumaan ang pakiramdam mo".
Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto sa pag-iyak si Seokmin. Pero hindi parin tuluyang humihinto ang pagpatak ng luha nya ngunit sapat upang makapagsalita sya.
"Don't force yourself, you can talk whenever you're ready." Sabi ni Jisoo na yakap yakap parin si Seokmin.
pinakalma muna nya ang sarili bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap ni Jisoo.
"Hyung, kasalanan ko kung bakit umiiwas saking si Soonyoung hyung. Hindi ko sya masisisi kasi kasalanan ko". malungkot na sabi nito habang nakatungo parin.
"Why are you saying that? Tell me the whole story, hindi ako magsasalita I'll just listen".
"Hyung, sana mo kong husgahan pero kasi i-im inlove with Soonyoung hyung". halos pabulong na sabi nito. "Sinabi ko sakanya yun pero nagalit sya, nandiri sya sakin. Hyung, ang hirap hindi ako sanay na hindi nya ako pinapansin. Masakit kasi bestfriend ko sya pero hindi man lang nya ako pinakinggan, hindi nya ako inintindi. Nagtapat ako sakanya kasi ayokong may tinatago sakanya. Inisip ko baka mas magalit sya pag hindi ko sinabi pero nagkamali ako. Sana pala hindi ko nalang sinabi. Wala na hyung sinira ko na ang pagkakaibigan namin. Kasalanan ko to!". mahabang paliwanag nya habang humihikbi at pigil na pigil ang pag-iyak.
"Kasalanan ko to hyung! kung hindi ko na sinabi edi sana hindi nangyayari to!!!". paghehesterical ni Seokmin.
"ssshhh Seokmin!, Seokmin makinig ka. Hindi mo kasalanan ang nangyari okay? hindi mo yun ginusto. Hindi masama na naging totoo ka sa nararamdaman mo para sakanya. In fact you're a brave person. Hindi lahat ng tao may lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman nila. Pero ikaw ginawa mo parin. Kung hindi ka matanggap ni Soonyoung, hindi mo na kasalanan yun. You're a good person, you have a kind heart. you're one of a kind. Ngayon, hindi mo na kasalanan kung hindi makita ni soonyoung yun. Walang may kasalanan. Siguro nabigla lang din sya sa sinabi mo. Give him time and space. For sure mamimiss kadin nun at sya na ang kusang lalapit sayo". makahulugang payo ni Jisoo.
"Tingin mo ba hyung? Tingin mo lalapit pa sya sakin? Hindi na nga nya ko matanggap hyung! Galit sya sakin!".
"Oo galit sya sayo! Ngayon. Pero seokmin sa haba ng pinagsamahan nyo hindi ka matitiis nun. Lilipas din ang galit nun. Don't lose hope. Trust him, just believe in him. Give him time to think. Just wait okay?"
At muli umagos nanaman ang luha sa mga mata ng nakababata.
-------------------------------------------------------
YOU ARE READING
In a Million Years
Fanfiction"As long as there are stars in the sky, I will be here for you" -Lee Seokmin Lee Seokmin is a martyr. For him, Kwon Soonyoung is the most important person in the world. But everything ha...