Krystal's POV
Hello, ako nga pala si Krystal Mae Jeon. Half korean-Filipina po ako.
Isang Junior High sa Heart and Soul University.
Isa akong nerd, hihi~
I admit it naman, pero I never wear glass... I hate wearing glasses kahit na matangos yung ilong ko. So that, I can't defend myself from other student here at our campus, wow!
Trip ko mag english ngayon eh xD
Palagi nalang nila akong inuutusan bumili ng fried chicken and fried rice sa kanto kapag uwian.
Sila Juniel, siya yung pinakamataray sa class namin. Palagi nya akong pinagbubuntungan ng galit which I can't really take. Dati kasi kaming magbestfriend ni Juniel pero nung malaman nyang may gusto sakin si Dave tuluyan na syang nagmaldita sakin
Naalala ko pa yung nangyari nung 1st year High namin
*flashback
"HAHAHAHA!!"
"Bat ba laging lampa si Juniel?! Look at herself..."
pangaasar ng mga walanghiyang classmate namin
Lumapit ako kay Juniel at hinawakan yung magkabilaang braso nya para iahon pero hindi sya nagpapigil,
"Bitawan mo nga ako! Lumayas ka dito!"
Ang sama ng tingin sakin ni Juniel
Para akong lalamunin ng buo
"Ano bang problema mo? bakit ang suplada mo na sakin?"
Hindi ko na natiis yung ugali nya, kaya kinompronta ko na
Hindi sya sumasagot
"ano?"
"Oo!"
"Ha?"
"Oo! may problema ako sayo! alam mo kung ano yun?"
Nagsitahimikan yung mga classmate naming monggoloid at parang nagulat na sa sumunod na eksena
Biglang tumayo si Juniel sa kinauupuan kanina at hinarap ako, Face to face mga ganun..
"Bakit kasi ang pangit pangit mo naman, walang ayos sa sarili, walang kwenta, it's so arghhh!! walang kang kwentang kaibigan. Grr!!" napapaluhang sabi ni Juniel
Ewan ko ba kung bakit, kaibigan ko lang sya pero bakit parang daig ko pa yung taong nabroken hearted?
Kung siya, nasasaktan dahil nagkagusto sakin yung ex boyfriend niyang minahal nya ng todo
Pwes, mas lalo naman ako
Ganun pala yun, kahit ikaw.. wala karin ginagawang mali, ikaw parin ang pagbubuntungan. Ikaw rin ang mawawalan ng pinaka espesyal na kaibigan sa buong buhay mo
Yung dati lagi kayong magkasama kapag kakain kayo ng lunch, minsan kapag boring magka cut class kayo tapos ililibre ka niya ng street foods kahit bawal sa kanya kasi pang mayaman lang yung bituka nya.
How about me? na simple lang yung buhay ko, walang arte sa katawan. Kaya matatawag kong simple, pero pag titignan ka ng mga students in HSu tatawagin ka na nilang Pangit kasi wala kang ayos sa sarili eh. It means, you're poor. Unlike them na puro silver, golds ang suot everyday sa school
Hindi ko namalayang tumutulo na pala luha ko, sunod sunod ang pagpatak
Dun ko napansin ang pagbangga ni Juniel sa balikat ko saka umalis palayo sa kinaroroonan ko