Chapter one- Maczipper

188 5 0
                                    

"Paparating na si Jorimae. Maghanda na kayo." sabi ko sa mga tropa ko. Nagtago kami sa poste sa gilid ng hallway. Sumisilip silip pa ako. Nang malapit na siya sa may poste na kinatatayuan namin ay hinigit ko ang tali at saktong tumapat sa mukha ni Jorimae ang bouquet ng rosas. Nagtitili naman ang mga kaibigan niya. Lumabas na ako sa pinagtataguan namin at lumapit sa kanila. Kunot noo akong tiningnan ni Jorimae pero hindi pa rin matago ang mga ngiti niya. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Tinanggal ko ang pagkatali sa bouquet.

Habang lumalapit ako sa kanya kinakabahan naman ako sa gagawin ko. First time ko tong gagawin sa isang babae sa harap pa ng maraming tao. I secretly clear my throat.

"~Para sa akin ay bukod tangi ka

sadyang naiiba ang yung ganda

ang yung mga ngiti

sa akin langit na

kapag kapiling kay anong saya

wag mong sabihing may mahal kana

pagkat ito ay di makakaya..~" lumuhod ako at iniabot ang bouquet sa kanya.

"~ikamamatay ko kapag nakuha ka ng iba...~" todo ngiti akong nakatingin sa kanya habang ang mga ibang estudyante na nanunuod sa ginawa ko ay humihiyaw lalong lalo na ang mga babae..

"Tumayo ka nga diyan." Kunot pa rin ang noo niya. Tumayo ako. Hindi pa rin niya kinukuha ang bulaklak sa kamay ko.

"Kahit araw arawin ko tong gagawin para mapatunayan ko lang sayo na mahal na mahal kita."

"Hooooo!Sagutin mo na yan. Baka agawin ko pa yan sayo."

"Ako na lang mahalin mo Maczipper"

"Kyaaah! Ang swerte mo naman girl!"

Sigawan ng mga tao sa hallway. Sinisiko siko naman si Jorimae ng mga kaibigan niya.

Kaya tinanggap niya ang bulaklak at pilit na ngumiti sa akin. Pero kahit na ganun hindi pa rin ako susuko.

"Salamat. Aalis na kami. May klase pa kasi kami eh,"

"Sige. Pupuntahan kita mamaya sa room niyo ha. Ihahatid kita pauwi."

"Bahala ka." umalis na siya at sumunod naman ang mga kaibigan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko na sila. Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ko.

"Bro, ang tiyaga mo talaga. Makakamit mo rin ang matamis niyang oo." sabi sa akin ni Jon.

"Oo nga bro. Basta may tiyaga may nilaga. Pag may nilaga may mais. Korny na kasi minsan pinanggagawa mo eh," agad naman lumipad ang kamay ko sa batok ni Noah.

"Aray ko! Nagbibiro lang naman ako bro eh,. Ikaw naman!"

"Tss!. Tara na nga mahuli pa tayo sa klase eh."

Bago kami pumunta sa classroom namin ay madadaanan muna namin ang classroom nila jorimae.

Habang naglalakad kami ay binagalan ko talaga ang paglalakad ko para masilayan ko ang magandang mukha ni Jorimae. Pagkakita ko sa kanya parang nag slow motion ang paligid. Kahit ang pagsasalita niya sa harap ng mga kaklase niya ay parang musika sa aking pandinig. Kay sarap pakinggan.

"Mr.Yazima. What your doing here? May kailangan ka?!"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang tanong ni Prof. Hilbis. Di ko namalayan na napahinto pala ako sa paglalakad at nakatulala na nakatingin kay Jorimae.

"N-nothing P-prof. N-napadaan La-lang p-po." yumuko ako. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Rinig ko naman ang sigaw ng mga kaibigan ni Jorimae.

"Suitor po yan ni Jorimae prof."

My Girlfriend is a Mermaid?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon