Chapter Four- Jorimae

76 4 0
                                    

 

 

Naglalakad ako sa corridor  ng  makasalubong ko si Jen.

“Jo mabuti’t nakita kita. May nangyari sa gymn ngayon. Bilisan mo. Nandun si Mac.” Salubong niya sa akin.

“Ha? Anung nangyari sa kanya?” nagpanic kaagad ako.

“Puntahan na lang natin sila sa gymn. Nagkakagulo na ang mga tao dun.” Tapos hinila na ako ni Jen papuntang gym.  Marami kaming nakasabayan na mga skulmates namin  na papunta na rin sa gymn.  Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Natatakot  ako. Sana wala sanang masamang nangyari sa kanya.  Bakit ngayon pa.? Parang hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa kanya.

Malapit na kami sa gym.  Nagkakagulo ang mga tao sa labas dahil hindi sila makapasok .

“Ano ba talaga nangyayari Jen? Bakit ang daming tao sa labas ng gym? “

“Hindi ko nga rin alam talaga Jo. Ayun si Noah. Puntahan natin.”

Nakita namin si Noah sa  labas ng Gymn. Siya ang humaharang sa mga tao  para hindi makapasok kasama niya ang mga kaibigan niya.Pero hindi ko makita si Mac sa kanila. Lumapit ako kay Noah.

“Anung  nangyayari dito? Nasan si Maczipper?.” Nanatili siyang nakayuko at hindi sinagot ang mga tanong ko.

“Noah anu ba?!!! Anu ba talaga ang nagyayari?” Nagpanic na ako . Lalong lalo na sa mga aksyon na pinapakita nila. Halos hindi na ako makahinga dala na rin sa pagtakbo namin para makarating ditto at sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Mas mabuti pa pumasok ka na lang Jo. Para malaman mo.” Sabi sa akin ni Jon.

Tumingin muna ako kay Jen. Busy siya sa pagharang sa mga tao na gusto pumasok sa gymn.

“ Pumasok kana Jo . Kanina pa naghihintay sayo si Mac. Mahirap na rin pigilan ang mga echuserang froglets  dito. “

Napakunot ako ng noo. Pumasok na rin ako sa gymn.  Pagkapasok ko napakatahimik. Tanging ang tunog lang ng paghakbang ko at ang mga sigawan nila Jen at ng mga estudyante sa labas.  Anu ba talaga ang nangyayari? Hindi ko alam kung anu ang dapat iisipin ko. Naguguluhan ako. Nasan na ba si Maczipper? Hanggat hindi ko pa siya nakikita hindi ako mapapanatag. Nagulat ako sa pagbukas ng telon ng  stage at ang ingay ng mga estudyante sa labas na ngayon ay nakapasok na ng gymn.

[Kindly play the video sa side   MORE THAN WORDS.]

Tumugtog ang sikat na banda sa skul namin. Hindi lang sa skul sila sikat pati na rin sa buong distrito.

Nagtilian at nagsisigawan  ang mga estudyante.

“I love you I.D.U.!!”  sigaw ng mga babaeng nasa likod ko.

“Waaaaa! I can’t believe this. Tumugtog  ang I.D.U. Mavideohan nga.” Sabi naman nung isa na kasama nila

“Ano bang meron bakit tumugtog ang banda na yan. Wala namang event ang skul diba?”  tanong naman ng  isa sa kanila.

Oo nga no. Wala namang event pero bakit tumugtog ngayon ang bandang  I.D.U.

Nagtaka ako sa mga lumabas sa screen ngayon.Habng kumakanta ang banda ay nagplay naman ang video sa screen sa likod nila. Puro pictures ko. Kumunot ang noo ko.  Nagpatuloy lang ang pagplay ng video hanggang sa narinig ko  ang boses ng isang lalaki na kanina ko pa hinahanap.

“Loving you secretly is not easy. Lalo na sa tagal na panahon ko na ito ginagawa. Naalala ko pa dati ang una nating pag uusap. Hinding hindi ko yun malilimutan. Sa harapan mo nabubulol ako at nagnonosebleed.”  Sabi niya habang pinapakita ang  mga stolen pictures ko. Patuloy pa rin ang pagkanta ng banda pero nangingibabaw ang boses niya. Nasaan na ba ang lalaking yun.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses nangyari yun sa akin. Pero sa tuwing nangyayari yun doon ko naririnig ang mga malulutong mong tawa at maganda mong ngiti. Bahala na magmukha akong tanga basta Makita lang kitang Masaya ayos na ako. Ito pala ang sinasabi nilang priceless. Hanggang isang araw nagkalakas loob akong manligaw sayo. Akala ko hindi mo ako pagbibigyan pero nagkamali ako. Alam mo ba hindi ako nakatulog nung araw na pinakita mo sa akin na may pag asa ako sayo. Pinagplanuhan ko na nga ang mga gagawin ko para makamit ko lang ang OO mo. Hindi nga ako nabigo . October  3, 2013 ang eksaktong araw na narinig ko ang matamis mong OO. Halos hindi ako makatulog ng gabing yun. Kaya kinabukasan nalate pa ako sa praktis namin sa dance club. Pero ayos lang nakita naman kita nung araw na kumuha ako ng pagkain sa cafeteria. Makita ko lang ang ngiti mo araw araw Masaya na ako. Hindi na nga kailangan magtake pa ako ng multivitamins dahil sayo pa lang kompleto na ako. From A to Zinc. Ikaw ang lakas ko.”

Naghiyawan ang mga estudyante sa kilig.  Tumabi sa akin sila Jen at Jon.

“Wala talagang kakupaskupas ang mga banat ng boyfriend mo Jo.” Sabi sa kin ni Jon at inakbayan ako.

“Sana kung magkaboyfie ako gusto ko katulad din ni Mac. Sweet. Swerte mo talaga kay Mac Jo. Complete package.”  Kinikilig naman naSabi ni Jen.

“Mangarap ka.! “ sabi naman  ni Jon kay Jen.

“Tse!!” at hinila ako ni Jen  papuntang harap ng stage.

“Umakyat kana. Its your day.” Sabay  kindat at tulak niya sa akin.

Umakyat ako ng stage at lalong naghiyawan ang mga tao.

“Now Please Welcome Our Lucky Girl. Ms. Jorimae Moiyer.” Anounce ng vocalist ng I.D.U. na si Karem. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Ang kaba kanina na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Nakita ko na rin ang may pakana ng lahat ng ito.

“October 3, 2014 is the date today. Isang taon na puno ng pagmamahalan  . Eventhough minsan nag aaway tayo pero nareresolba naman kaagad. Hindi ako sumasang ayon na ikaw ang maswerte dahil sa totoo lang ako ang maswerte dahil ikaw ang girlfriend ko.”  Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

“Mahal HAPPY ANNIVERSARY. Mahal na mahal kita.” Nagsilabasan naman ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya sa backstage. May bitbit na pula,puti,yellow,pink at berde na rosas. Hindi ko na siya hinintay na makalapit sa akin. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

Habang yakap yakap ko siya hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko. Lalong lumakas ang mga sigawan ng mga tao sa loob ng gymn at nagsilaglagan ang mga petals ng bulaklak sa stage kung saan kami nakatayo. Bumulong ako sa kanyang tenga.

“I want you to meet my  parents  soon.”

 Mga katagang matagal ko ng pinag iisipan kung tama ba ang  desisyon nato.

 CRN- Ako'y nagpapasalamat sa mga lahat ng nagvote at nag add ng  story nato sa mga library nila. Salamat dahil kayo ang dahilan para makapagsulat at mag update ako. Kung gusto niyo mabasa ang ibang stories ko pakitingnan na lang po sa works ko.. Vote and comment na lang din po.. Salamat..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a Mermaid?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon