"Bro its your turn na.!" sigaw ni Jon sa akin.
Tumayo ako at kinuha ang mic. Tiningnan ko muna si Jorimae bago ko sinimulan ang pagkanta. I dedicate this song for her.
Habang kumakanta ako. Nakipagsabayan at panay tukso naman sa akin mga tropa ko. Mga walang hiya talaga. Panay naman tawa nila Jorimae.
"Sigurado ako paglabas natin dito babagyo na. Hanep! Ang lakas na nga ng kulog dito sa loob."
Sinamaan ko lang ng tingin si Noah. Basag trip talaga ang lalaking to. Palibhasa kasi maganda ang boses niya. Sige na siya na. Siya na ang may magandang boses. I don't care basta kakanta ako para kay Jorimae.
[Kindly play the video ---->]
"~ di ko nga alam kung ga'no na katagal na nililihim ko na ang nilalaman ng aking puso sa tuwing ika'y nakikita sa tuwing ako'y tinitignan ang puso ko'y biglang nag iiba~"
Tinitigan ko si Jorimae. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Wala akong pakialam sa mga nakapaligid namin. Basta all I can see right now only her and me.
" dinggin mo aking puso na nagmamahal sayo
ngunit hindi ko naman alam kung paano mo malalaman
dinggin mo ang puso na nakalaan para sayo
balang araw sana'y malaman mo
Alam mo ba na mahal kita
ngunit hindi ko kayang sabihin sayo
kapag tayo'y nagkikita
kapag ikaw tinitignan
ang puso biglang nag iiba.....
Korni man pakinggan itong mga nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko na kaya talaga itago pa kaya lahat ng namuong nararamdaman ko sa loob ng mahabang panahon ay nailabas ko na dito sa kantang to.Marami akong pinagdaanan para lang mapatunayan sa kanya tunay tong nararamdaman ko.Kung ako pang ikwento bawat detalye ay hindi kasya ang isang buong buwan para mag story telling basta umabot na nga sa punto na sinagot na niya ako. Kaya pangako ko sa sarili ko na kahit anu man ang mangyari hindi ko siya pakakawalan dahil para sa akin siya na ang babaeng nakatadhana para sa akin. Siya lang din ang gusto ko na makasama habang buhay. Siya at siya lang talaga at wala ng iba pa.PERIOD!
Pagkatapos ng madamdaming pagkanta ko ay nagulat ako..Niyakap ako ng mahigpit ni Jorimae.
"Salamat talaga sa lahat ng mga ginawa mo. Matagal ko ng napatunayan na tunay ang nararamdaman mo." tiningnan niya ako sa mga mata at hinawakan ang pisngi ko.
"Subalit natakot lang talaga ako." dugtong niya.
"Wala kang dapat ikatakot. Hindi kita sasaktan. Kahit anung mangyari mamahalin at mamahalin parin kita." niyakap ko rin siya ng mahigpit.
"Tama na yan lovebirds.Para kaming nanunuod ng romantic movie live. Nilalanggam na kami dito oh." sigaw sa amin ni Jon.Nagtawanan naman yung iba.
"Ulol!" sigaw ko pabalik sa kanila.
--------
"Sabay tayo maglunch mamaya ha." sabi ko kay Jorimae. Malapit na kami sa classroom niya.
"Okie sige.Pupuntahan na lang kita sa classroom mo mamaya. Mas maaga ang labasan namin kaysa sa inyo."
"Okie.Text moko kapag tapos na class niyo ha."
"Ha? Bakit naman? Pupuntaha na nga lang kita diba sa klase mo mamaya.?"
"Basta itext mo lang ako."
"Aiiist! Sige na nga. Oh siya!. Papasok na ako." kinuha niya sa akin ang bag niya.Pero iniwas ko to sa kanya. Ninja moves kaagad ako para bigyan siya ng halik sa labi.
"Nakakagulat naman.Ikaw ha nakakarami kana," reklamo niya sabay palo sa dibdib ko. Halata naman kinikilig siya sa tuwing ginagawa ko to sa kanya.
"Akin na nga yang bag ko. Umalis ka na. SHOOO!" taboy niya sa akin.
"Kung makataboy ka naman para naman akong aso niyan. Itext moko ha."
"Oo na. Ang kulit."
Nag umpisa na akong humakbang.
1
2
3
"I love you mahal!!..." sabay naming sigaw. As expected naghihintay nga siya sa huling sasabihin ko bago umalis. Nakagawian na namin yang paalamanan sa isa't isa.
Kumaway at nagflying kiss ako sa kanya habang naglalakad ng nakatalikod sa floor ng building nila. Halata sa mga tao sa paligid ang gulat at kilig sa kanila lalo na sa mga babae. Hindi parin sila nasanay.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Mermaid?!
FantasyIm Maczipper Yazima. Half Filipino,1/4 japanese, 1/4 british. I dont believe in fairytales. Sa gwapo kong ito naniniwala ako diyan?. Tss!. But...... Nagbago ang lahat ng yan, When i met my girl.... Her name is Jorimae Moiyer. Half korean. She's my e...