BANGUNGOT (The Revenge)

1.6K 27 4
                                    

                                       
                                          =CHAPTER 1=

"HUWAG!!! SAKLOLO TUNLUNGAN NINYO AKO! HUWAG!!.......

patuloy sa pagsigaw si james ngunit ni isa ay wala sa kanyang nakakarinig,halos mapuno na ng putik ang kanyang mga paa dahil  sa kakatakbo sa napakalawak na palayan na ngayun nya lang napuntahan,pakiramdam ni james ay malayo na ang kanyang pagtakbo ngunit ang hindi niya alam ay hindi siya nakakalis sa kanyang kinatatayuan,
sa dakong paroon ay nakita niya si mang jose ang kanyang amain na nakupo sa isang upuan na gawa sa kahoy, upuan mula sa kanyang silid, ilang beses niya itong tinawag upang humingi ng saklolo,ngunit hindi siya napapansin nito,alam nyang gising sya dahil nakikita niya ang kanyang amain mula sa kayang silid, napatigil lang sya sa pagtakbo at nabigla ng makita ang babaeng nakamaskara na humahabol sa kanya ay nasa likuran na ni mang jose at aakma itong pupugutan ng ulo ang matanda gamit ang tangan tangan na itak ,"

"Huwag! itay! itay! Huwag!!!!

halos tumulo na ang kanyang luha sa nasasaksihan,

                                  Humahangos na nagising si James mula sa pagkakatulog,.tulala at hinihingal,.nagdudumaling tinungo si james ng kanyang amain,

"James, Anak anong nangyari sayo???"

wika ni mang jose pagkuway iniabot nito ang isang basong tubig, uminom muna si james bago nagkwento,

"itay nanaginip ako,hinahabol daw ako ng isang babaeng nakamaskara,kakatwang maskara na tila sinusuot ng mga payaso nakangising maskara na parang ngisi ng demonyo ,mahaba ang kanyang buhok,nakaputing bestida na may mantsa ng mga dugo at may tangan tangan itong dalawang malalaking itak mula sa magkabilaang kamay ,,.oo malalaking itak itay, na may pahid pa ng dugo,."

wika ni james habang di pa rin makapaniwala sa nangyari,

"DIYOS KO IHO,HINDI PANAGINIP YUN ISA YUNG BANGUNGOT!! SALAMAT SA DIYOS AT NAGISING KA,"

pag aalala ni mang jose pagkuway napatingin ito sa mga paa ni james,napakunot ang noo nito,

"ANAK BAKIT MAY PUTIK ANG MGA PAA MO?"

Ganun na lamang ang Pagkabigla ni james ng makitang may putik ang kanyang mga paa,nagdudumali tumayo at tumungo sa banyo si james mabilis na hinugasan ang kanyang mga paa,.pagkuway bumalik ito ng silid na tila may pagtataka sa kanyang mukha,

"O JAMES SAAN KABA NANGGALING KAGABI??BAKIT PURO PUTIK ANG MGA PAA MO?,"

.tanong ni mang jose,hindi sumagot si james pagkuway lumabas na ito at tinungo ang kusina upang mag almusal bakas sa mukha niya ang pagtataka sa mga nangyari,

Kinabukasan nakasalubong ni james si roy ang kanyang kababata,

"Pare nabalitaan mo naba yung nangyari kay dindo??"

" Ha?bakit anong nangyari sa kanya,"

.usisa nito,.

"patay na sya! natagpuang duguan at laslas ang leeg sa loob ng kwarto nya,ang sabi ni aling fe narinig nya daw na umuungol si dindo mga bandang alas tres ng madaling araw pero hindi nya lang daw ito pinuntahan sa kwarto,kasi inisip nyang baka daw may inuwe lang tong babae at may gingawang milagro,.ayun kinabukasan pag bukas ng kwarto patay na ito dilat ang mga mata at tila nanlaban ang itsura,base lang yun sa kwento ng nanay nya sa akin,,"

nakaramdam ng kilabot si james sa mga narinig mula sa kaibigan,

"pero base sa imbistigasyon ng mga pulis walang bakas na may pumasok sa kanyang kwarto at base din sa autopsy nya ni walang humawak sa kanya,kaya kinalabasan ng inbistigayon suicide daw,"

BANGUNGOT (The Revenge )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon