CHAPTER 2
YOU HAVE A MESSAGE! message ringtone ni roy pagkuway binasa niya ito,
"pare sila Ysmael na sa terminal tayo na lang inaantay kasama mga girlfriend nila"
,.nagdudumaling umalis ang magkaibigan Patungong terminal,nakarating na sila at tangan tangan na ng van ang magkakaibigan,patungo sa probinsya ng Rizal sina ysmael,james,roy at noli kasama sina rain ang girlfriend ni ysmael at lyka ang asawa ni noli.
Napuno ng tawanan buong araw ng Pagbyahe.,mas pinili ni james na huwag ikwento ang ang naranasan niya nong mga nakaraang gabi,
mas pinili niyang manahimik na lamang,lumipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa probinsya ng rizal.tahimik at masukal ang paanan ng bundok,tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig sa kapaligiran,.nag impake na ang lahat ,"Manong magtetext na lang kami,pag pababa na kami ng bundok,"
wika ni ysmael,
"o sya sige pero mga anak mag ingat kayo diyan huwag kayong masyadong maingay at baka makagambala kayo ng hindi nakikita,"
.ani manong driver,.natawa lamang ang lahat tanging si james lamang ang hindi tumawa,.nagsimula na ang lahat sa Pag akyat ng bundok,lumipas na ang ilang oras halos nangangalahati pa lang sila ng bundok,pagkuway naglatag na ng cottage ang magkakaibigan at doon na sila nagpalipas ng magdamag,.
"HUWAG! HUWAG! LAYUAN MO AKO!! "
Ginising ni rain si ysmael dahil sa mga nauulinigan,napapitlag si ysmael pagkuway malakas na sampal ng binata ang nagpagising kay noli.,,pawis na pawis at nandidilat ang mga matang nagising si noli,.
"ANONG NANYARI SAYO PARE?!"
pasigaw na tanong ni ysmael sa pagkakataong iyon nagising na ang lahat,lahat nakatingin kay noli,tila nag aantay ng kasagutan,.
"SI DINDO,.SI DINDO PINATAY SYA,PINATAY SYA NG BABAENG NAKAMASKARA,.NANG MAPATAY NA NIYA SI DINDO,AKO NAMAN ANG ISUSUNOD NYA,TINAGA NYA AKO SA BRASO,.AT DOON NA AKO NAGISING,."
lahat nakatingin sa braso ni noli,ganun na lamang ang pagkabigla ni noli ng makitang may umaagos na dugo mula sa kanyang braso at doon na niya naramdaman ang kirot,..nagdudumaling lumapit si lyka at tinalian ng tela ang braso ni noli,.tulala at tila nagtatanong ang itsura ng mukha ni noli,.pagkuway bumalik na ang lahat sa pagtulog,ngunit si noli ay nanatiling gising,alam nya sa sarili nya na hindi lang basta bangungot ang mga naranasan kundi isang kamatayan,lumipas na ang ilang oras at sumapit na ang umaga,.
Nagising si james at napansn niyang wala roon si noli agad siyang lumabas ng cottage,nakita niya si noli na nakaupo sa isang malaking bato,nilapitan niya ito at tinabihan,bakas sa mukha ni noli ang mga pangyayari kagabi,.nakita mo na rin pala sya,oo alam ko,wika ni james ngunit hindi ito nakatingin sa kabigan,malayo ang mga tingin nito,.anong ibig mong sabihin pare,tanong ni noli,pagkuway lumingon ito bago nagwika,yung babaeng nakamaskara,.nagkatinginan lamang ang dalawa na tila nangungusap,.ikinuwento dito ni james ang lahat at alam nilang dalawang hindi lamang basta bangungot ang lahat na iyon"Pare hndi nagpakamatay si dindo,"
ani noli
Mabilis na sinagot ito ni james,"alam ko,yung babaeng nakamaskara sya ang pumatay kay dindo,."
pero bakit??bakit siya nagpapakita sa atin? Anong dahilan?"
pagtatakang tanong ni noli,.Ilang oras din nag usap ang dalawa at nagising na rin ang lahat pagkatapos mag almusal ay nagsimula na silang umakyat muli ng bundok,.
Matarik tarik na rin ang kanilang naakyat ilang kilometro na lamang ay naroon na sila sa pinaka tuktok ng bundok,mag alas sais na ng gabi ng marating nila ang tuktok ng kabundukan,lahat ay nakahinga na ng maayos at nakalanghap ng sariwang hangin tanaw nila mula sa taas ang paglubog ng araw at mayat maya pay sumapit na ang takip silim,.NOLI PAABOT NAMAN YUNG MARTILYO KO SA BAG PARA MATAYO NA TONG COTTAGE,. "
Ni hindi man lang inimik ni noli si ysmael,tulala ito at tila malalim ang iniisip,si james na lamang ang nag abot ng martilyo kay ysmael pagkuway nilapitan niya si noli,.
"PARE HUWAG MO NG ISIPIN YUN PANAGINIP LANG ANG LAHAT."
,at sabay na hinawakan sa balikat ang kaibigan,
" BULLSHIT!!!
padabog na wika ni noli."HINDI IYON ANG INIISIP KO! PARE ALAM KO PANAGINIP LANG ANG LAHAT ANG PINAGTATAKA KO BAKIT MAY SUGAT AKO SA BRASO KATULAD NG NASA BANGUNGOT KO! PARE SI DINDO PINATAY SYA AT HINDI KO ALAM KUNG TOTOO O HINDI ANG HAYOP NA BANGUNGOT NA YON!!"
Padabog na tinalikuran niya si iames.natapos na ang lahat sa pagtayo ng cottage at sinimulan na nilang gumawa ng bonfire, napakatahimik ng paligid at napakagandang pag masdan ang kalangitan sa rami ng nagkikislapang bituin,tanging huni lamang ng mga kulisap at tawanan ang mauulinigan sa buong kapaligiran.
"PARE SHOT MUNA! "
ani ysmael kay noli pagkuway iniabot ang shot glass na naglalaman ng alak.nakangiting tinanggap ito ni noli na tila nakalimutan na ang mga pangyayari.lumalalim na ang gabi lahat ay tila tinamaan na ng ispirito ng alak.
unti-unti ng umiikot ang ang paligid ng magkakaibigan lumipas ang ilang sandaliy nagsipag puntahan na sila sa kanikanilang cottage upang makapag pahinga dahil sa sobrang kalasingan.
BINABASA MO ANG
BANGUNGOT (The Revenge )
HorrorAng bangungot, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan sa gabi, o sindroma ng biglaang hindi nalalamang pagkamatay Ngunit bangungot nga ba ang papatay sa kanila o isang kamatayan mula sa ka...