Part 29

8 0 0
                                    

The following day, alam mo ba Wattpad? Hindi talaga ako nakatulog. Puro iyak yung ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak buong magdamag. Basta ano, hahaha. Basta uy, hindi ko ma explain.

Yun tuloy, maga mata ko pagka bukas. Ang sakit kasi, Wattpad. Para'ng may kulang sa pagkatao ko. Parang may nawalang rib cage.

Ito ring mga kaibigan ko, yung barkada ko sa Engineering department specifically, tinutulungan nilang pasamain ang loob ko ng mabuti. Like, they post something on my fb wall. Yung pinapamukha talaga sa akin na hindi talaga kami pwede. Pero yun bang mga "hugot-hugot" ways na nakikita natin na shinishare?

Oo, ganun silang klaseng mga kaibigan. Imbes na pagaanin ang loob ko, pinupunan pa nila ng lungkot, hay, hindi ko na alam kung kaibigan ko pa sila. Hahaha.

Pero sabi naman nila, kaya lang daw nila ginawa yun para daw ma feel ko yung pain. Para daw masanay daw ako. Para maging manhid daw ako.

Ulol nyo mga brad. Hahaha.

I Watch You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon