Chapter 2 - Sa Loob Ng Bus

12 1 0
                                    

Katherine's POV

Habang nakaupo ako sa likod ng bus ay hindi ko maiwasan tingnan ang magagandang tanawin sa labas habang umaandar ang aming sasakyan.

Kung pwede lang buksan ang bintana dito at lumangsap ng sariwang hangin.

Bihira na kasi sa Pilipinas ang makakita nito. Green trees like green peace.

Habang nakatulala ako sa kalangitan ay nagulat ako ng biglang may pumaswit sakin.

"Psssttt psstt" ani nito.
Hinanap ko kung san nagmumulaang tinig na ito.

Nakita ko ang isang babaeng na nakangiti sa akin na nasa gilid ko lang pala.

Maputi ito at mahaba ang buhok, mukha naman syang mabait at kasing edad ko kaya gumanti din ako ng ngiti sa kanya.

"Hello ate" sambit ko sa kanya

"Wag mo na ko iate magkasing edad lang naman tayo eh hahaha. By the way im Anne Delarosa" saad nito

"Nice to meet you Anne, ako naman si Katherina u can call me Kath Or whatever u want" sabi ko at nakipagkamay.

Tumabi siya sakin dahil bakante rin naman ang katabi niya...

Nagumpisa syang magkwento tungkol sa kung ano ano at habang tumatagal ang amin pagkwekwentuhan ay masyado na kaming nagiging close at nakikilala nanamin ang isa't isa.

Bigla kong naisip na ang saya saya naman niyang kasama.

Hindi siya nahihiyang ikwento mga nangyari sa kanya noong bata pa sya at kung ano ano pa kaya ako ganern den, nasasabi ko sa kanya mga unforgetable moments ko sa kanya.

Nagulat ako ng makita ko ang laman ng mga bag niya ay sobrang dami ng pagkain. Kaya ako naman si makapal mukha kuha ng kuha ng mga makakain doon sa bag niya. Ayos lang naman daw sa kanya kasi hindi naman niya daw iyon lahat mauubos.

Maya maya ay habang kumakain kami ni Anne ng mga junkfoods na dala NIYA ay nagsalita ang driver na

"Mga iho at iha malapit na tayo sa school na papasukan ninyo, maghanda na kayo at malapit na kayo magsibaba."

Nagkatinginan kami ni Anne at bigla kaming natawa dahil buong araw pala kami nagkwekwentuhan at di namin namamalayan ang oras. Ang saya saya pala talaga nitong kasama. Ngayon lang ako nakaramdam ng saya at kirot sa puso ko dahil sa babaeng to. Ramdam na ramdam ko na hindi niya ko pinaplastik dahil kitang kita ito sa mga mata niya.

Nagprepare na kami ni Anne dahil malapit na kami bumaba at excited na excited makita ang School na papasukan namin.

Haysss ang dami naming kalat sa pwesto namin ayan tuloy pinagtitingnan kami ng iba naming kasama sa loob ng bus dahil ang kalat kalat namin.

Pinagdadasal rin namin na sana magkaparehas pa rin kami ng section at magkatabi naman kami.

"Sana may pagpapakilala mamaya sa loob ng classroom tas hahanap tayo ng pogi." Ani ko sa kanya.

"Hala sana naman huwag, shy type kasi ako baka mahimatay ako mamaya sa harap kapag nagpakilala na ko." Ani naman niya

Tinawanan ko lang siya ng tinawanan dahil hindi naman siya mukhang shy type dahil siya ung unang lumapit samin at tumabi pa sakin para magkwentuhan.
Shy type ba yon? Hahahahaha

Naiinip na kami dahil sabi ng manong driver eh malapit na ika bumaba eh 30 minutes na poh nakakalipas di ko pa rin matanaw yung school namin. Excited masyado si manong eh paasa masyado hahaha.

Ano kaya itsura ng campus namin?
Sana malaki cafeteria
Sana malaki dorm namin
Sana maging kaklase ko si Anne
Sana masarap kasama mga kaklase ko
Sana magtagal ako sa campus
Ang daming sana
Sana lahat ng ito ay matupad :3

--------------------------------------------------------------------------------------------

No Matter What You AreWhere stories live. Discover now