Chapter 4

6 0 0
                                    

"Oh? Bat ang sama ng tingin mo sa akin?" Wika ko habang sumusubo ng pandesal na palaman ay nutella.
Alasais na ng umaga at nag uumagahan na kami ni Kath. Nakatulog na kasi ako kahapon sa dorm namin pagkatapos ko magdradrama.

"Nagpaalam lang kasi ako na magccr lang ako tas pagbalik ko doon iniwan mo na ako. Tutal sanay naman akong iwanan." Sabi nito. Nanlaki naman mata ko sa tugon nito dahil humuhugot rin pala ito.

"Luh, s-sorry sumama kasi pakiramdam ko kaya pumunta na kong dorm at nagpahinga." Sabi ko na may halong pagsisinungaling.

"Wow ha, galing mo naman pala nakita kita kahapon may paiyak iyak ka pa habang tumatakbo, Cinderella ang peg, habang hinahabol habol ng prince charming." Sabi nito na natatawa.
Nakita niya pala ako nun na nagdradrama, tsk nakakahiya baka may nakakita pang iba drama ko kasi eh.

"So sino nga pala yung poging kausap mo nung party?" Paninimula ulit nito.

"Ahhh si Adrian yun, biglang sumulpot habang nakaupo ako sa may lamesa. Grabe kala ko masungit, mabait pala. Open minded naman siya bes kaya madaling pakisamahan." Tugon ko habang nagliligpit na ng pinagkainan.

"Ahh bess bagay kayo yiiiie" tugon nito na kilig na kilig na may paeffect effect pang asim kilig.

"Tskk alang forever, mag ayos ka na nga malalate na tayo oh."

"Ha? Anong malalate eh 7:30 pa ang pasok at WAHHH!!!! Oo nga mag-aayos na ko malalate na." Dali dali nitong sabi at tumungong cr para maligo.

Natawa na lang ako sa inasal ni Anne. Nag-aayos na lang ako ng gamit para sa klase ko mamaya. Inuna ko kasi paliligo ko paggising ko tsaka ako na naghanda ng almusal namin ni Anne eh kasi ba naman tulog pa at sobrang himbing ng tulog.

Excited at kabado ako pumasok mamaya, wag na pag kaya ako pumasok? Jk lang sayang tuition fee.

"Bes tapos na ko, umaano ka pa ba dyan?" Tapos na pala maligo tong mokong na to. Nagselfie kami at pinost ko sa fb. "OOTD" unang beses kasi namin ngayon ni Anne na susuutin itong uniporme namin.

_______

Naglalakad na kami ni Anne sa pasilyo papuntang klase. Sariwa talaga hangin dito at ni isang kalat wala kang makikita sa paligid. Hindi talaga ako nagkamaling magaral dito.

"Ayyy sorry" sabi ng isang nerd na babae na nakabunggo sa aming dalawa.
Nahulog ang lahat ng libro na dala dala ko at dali dali naman ako tinulungan nung nerd na girl.

"Next time magingat ka sa dinadaanan mo" wila ni Anne sa babae. Hayss eto talagang babae na to napakasuplada.
Natakot tuloy saamin yung girl.

"Ayos lang, papasok ka na rin ba?" Wika ko na nakangiti sa babae

"Ay opo, Ako nga po pala si Niana" pagpapakilala nito sa amin.

"Ako pala si Kath and si Anne naman naman siya, wag ka na mag po magkasing edad lang naman ata tayo dito eh hehe" wika ko at nakipagkamay kami kay Niana.
Naglakad na kami ni Anne at si Niana ayy wait parang parehas din ng direksyon ang aming tinatahak.

"Niana, anong room number ang papasukan mo?" Wika ko rito na may pagtataka.

"Ahmm room 08" wika nito

"WHATTT?? 08 din kami ni Anne!" Saad ko na may pagkagalak. Nahiya ko bigla sa mga taong naglalakad din dahil halos lahat ay nakatingin sakin. Sumigaw pa kasi ako huhu. Nagpeace sign ako sa kanila kase nakakaistorbo.

Natawa na lang kaming tatlo at sobrang saya dahil nga magkakaklase kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Matter What You AreWhere stories live. Discover now