Naalala mo ba? Yung una nating pagkikita? Hinding hindi ko iyon malilimutan hanggang sa ako'y mamatay Nicole. Simula ng araw na iyon,marami ng nagbago sa akin,sayo at sa paligid natin. Paboritong paborito ko iyong matandaan sa tuwing naalala kita.
Araw ng lunes sa bagong eskwelahan. Dahil sa pang publiko lamang ako,napaka simple lang ng buhay ko. Pero nakakapagtaka lang dahil isang umaga,may nagkakagulong nangyari malapit sa gate ng eskwelahan. Maraming tao ang nagkumpulan. Ako naman na ayaw mahuli sa balita ay agad-agad na lumapit.
Sa gitna ng kaguluhan,nakita kita.
Oo,napakarami ng tao ng panahon na iyon pero tanging ikaw lang ang aking nakita. Mula sa mga mapupula mong labi hanggang sa damit mo na napaka fitted kaya nahahalata ang kurba ng iyong katawan. Panandalian kang napatingin sa aking direksyon. Kahit na malayo,nakita ko ang kulay na itim mong mata na pawang pagiging kabutihan ang makikita.
Dumadami na ang tao kaya naman ay naitulak ako papalapit sa iyo. Dahil sa lakas ng tulakan ng mga tao,kamuntikan na akong masubsob sayo ngunit buti na lang at hindi. Napatingin ka sa akin na nakadapa na sa malamig na semento. Nakakahiya ang una nating pagkikita,hindi ba? Para sa akin,mas gusto ko ng kainin ng lupa ng panahon na iyon.
Akala ko tatawanan mo ako. Akala ko mandidiri ka sa akin. Hindi ako kagwapuhan tulad ng mga nakapaligid sayo,kahit na babae ay napaka ganda din. Akala ko itutulak mo ako palayo tulad ng ginagawa ng iba tuwing nakikita nila ako. Maraming akala ang pumasok sa isip ko nung panahon na iyon. Pero alam mo,yung mga akala na iyon,ay malayong malayo sa ginawa mo.
Lumapit ka sa akin at inilahad ang iyong mga kamay. Napaka puti,napaka linis at higit sa lahat mukhang napakalambot. Abot sa magkabilang tenga ang iyong ngiti. Napaka ganda mong pagmasdan nung panahon na iyon,kahit na mapupula ang iyong labi dahil lang sa kolorete na iyong ginamit.
"Okey ka lang?" tanong mo sa akin. Sandaling bumagal ang ikot ng mundo ko.Sa sobrang hiya ko nung panahon na iyon ay nahawi ko ang iyong kamay at agad-agad na umalis. Hindi na kita nilingon dahil alam kong maaaring matunaw ako sa mga tingin mo.
Nakakahiya ang sumunod na pangyayari matapos ang unang pagkikita natin. Sorry kung nahawi ko yung kamay mo Nicole. Nahihiya lamang ako na makita mo ang aking mukha nun. Hindi na muli tayong nagkita matapos iyon. Dahil nga 4th year na ako at ikaw at 2nd year,kaya hindi na nagkakatalo ang schedule natin.
Alam mo ba na nabalitaan ko na matalino ka sa iyong klase. Oo,aminado ako matapos nun ay ginawa ko ang lahat para makakuha ng balita sayo. Simula sa facebook post mo,tweet mo sa twitter,picture mo sa insta ay agad kong sinusunod, lahat ng iyong ginagawa. Nagtataka ka siguro kung paano ko nagawa iyon,hindi ba?
Hindi naman talaga kita natigilan nun. Sadyang nagmamanman lamang ako sa gilid,sumusunod sa mga balita na nasasagap tungkol sayo. Alam mo ba na hindi mahirap na malaman ang mga bagay na tungkol sayo? Paano ba naman ,ng dahil sa kaguluhan na iyon,kumalat ang iyong pangalan. Nicole Joyce Constantino,napaka ganda din pala ng pangalan mo,kasing ganda mo.
Nabalitaan mo ba na tumatakbo akong valedictorian ng batch namin? Alam mo ba na marami akong natanggap na awards sa room? Meron din akong mga natanggap na letter at diploma sa mga nasalihan kong paligsahan. Alam mo ba ang tungkol doon? Siguro hindi,wala naman akong halaga sayo diba? Ni hindi mo nga ako kilala eh. Ganun kaliit ang mundo ko kumpara sa mundo mo.
Matapos ang ilang buwan sa eskwelahan,malapit na ang Ms. And Mr. Kalikasan sa school. Sasali ka daw doon? Sympre alam ko na sasali ka dahil para sa grades mo iyon diba.Sapilitan ka din napili ng mga kaklase mo. Ganyan talaga,maganda ka kasi. Lahat napapansin sayo. Pero sana naman hindi ka magsusuot ng mga damit na revealing ah. Ayoko makita ng ibang lalaki ang iyong kaluluwa,lalo na't babae ka pa.
Abalang-abala ka daw sa praktis. Alam ko iyon. Nakikita kasi kita sa stage,mag isa at nagp-praktis ng lakad. Ang cute mo nga tignan tuwing natutumba ka dahil sa napakataas mong mga heels pero tumatayo ka din agad. Siguro nahihiya ka,hayaan mo na. Konting tiis na lang at papalapit na din ang paligsahan.
BINABASA MO ANG
Nicole Joyce Constantino
Short StoryAng ganda mo talaga. Mula sa mga labi mong mapupula na nagsasabi na mahal mo ako,na ako lamang at walang iba. Sa matang walang ginawa kundi titigan na lamang ako,mula sa aking mga mata pababa. At mga kamay na hawak ang kamay ko habang hinihila ako p...