Isang buwan na lang at graduate na ako. Halos 2 buwan na din ang tiyan mo. Oo buntis ka sa anak ko at ng nalaman ko iyon sobrang saya ko. Matapos ang pangyayari na iyon ay hinarap ko ang magulang mo. Nung una ay nagalit pa ang ama mo at nagawa pa akong masuntok. Panatag ako ng oras na iyon,kasi alam ko akin ka na. Hindi nga lang matanggap ng magulang mo kaya halos 2 linggo ka din tumira sa puder ko.
Hindi ka naman matiis ng mama mo kaya kinuha ka ulet.Hindi ka na pumapasok habang ako tatapusin ko na lang at maghahanap na ng trabaho. Sobrang saya ko. Sa akin ka na at alam na ng lahat iyon. Ngayon nasa bahay ka at nagluluto ng ulam. Niyakap kita mula sa likod at hinalikan sa ulo. Akala ko ikakatutuwa mo iyon,akala ko sasaya ka sa akin. Akala ko ok na ang lahat. Pero kita ko ang kalungkutan sa mata mo.
Hindi naging maganda ang takbo ng pagbubuntis mo. Nung araw ng graduation ay bigla ka daw hinimatay kaya nung tatanggapin ko na sana ang diploma ng pagiging valedictorian ay mas pinili ko na sumunod sayo sa ospital. Nakita kita na nakahiga sa kama. Sobrang putla. Ang payat mo din. Hindi ka mukhang buntis kundi mukha kang may sakit. Pumasok kami ng mama mo sa kwarto habang natutulog ka. Sabi niya na mahina ang kapit ng bata at isa pang beses na mapahamak ka ay baka mawala na talaga.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mama mo. Hindi pwedeng mawala ang bata. Mahal ko siya kahit na hindi ko pa siya nakikita o nahahawakan. Basta kahit ano naman na galing sayo ay mamahalin ko hindi ba? Pero alam mo ba,hindi na naging masaya ng ilang araw nasa kwarto ka na iyon. Hindi mo kinakain ang pagkain na dinadala sayo. Ni hindi mo nga kami makausap dahil sabi mo ay pagod ka. Dahil sa mga ginagawa mo,unti-unting namamatay yung bata sa sinapupunan mo.
Lumabas ka ng ospital ng wala ng bata sa tiyan. Sabi ko aalagaan kita kaso ikaw na mismo ang ayaw ng pagmamahal ko. Nung nawala ang bata madami ng nagbago. Nagkatrabaho ako at ikaw naman ay bumalik sa pag aaral. 1st year ka na naman habang ako kumakayod na. Pero sa akin ka pa rin umuuwi,dahil hanggang ngayon ay hindi matanggap ng magulang mo na pinatay mo ang bata.
Maganda ka pa rin kahit na madami ng nangyari. Umuwi ka galing sa eskwelahan at amoy alak. Sabi mo hindi,pero alam mo,naaamoy ko sa iyo. Umakyat ka na sa kwarto at agad na naligo. Hindi na ako kumatok at pumasok na din sa c.r. Nahihiya ka pa rin sa tuwing nakikita kita at nagagawa pang takpan ang mga ito. Wala ka ng matatago sa akin Nicole. Kasi lahat ng iyan ay nakita at nagalaw ko na.
Isang gabi ay umuwi kang mugto ang mata. Oo nga pala, isang taon na din ang lumipas simula ng namatay ang bata. 2nd year ka na at ako ganun pa din,kumakayod para sa atin. Lumapit ka sa akin at hinalikan ako sa labi. Hindi na ako pumalag kasi kahit na isang taon na tayong magkasama,ni isang araw ay hindi ako nagsasawa sayo. Buong gabi natin ginawa iyon at ng nag umaga ay ako na ang naghanda ng makakain mo. May trabaho ako pero pinagliban ko muna iyon para lang makasama ka ngayon. Priority kita mula pa sa simula.
Ginising kita para kumain pero ayaw mo naman bumangon kaya naman ay niligpit ko muna ang damitan natin para wala ka ng gagawin mamaya. Habang inaayos ay nakita ko ang isang P.T. Positibo ang lumabas dito. Lumapit ako sayo at niyugyog ka hanggang sa magising ka. Pinakita ko sayo ang PT na nakita ko. Hindi mo naman tinanggi,sayo nga iyon. Buntis ka ulet ! Halos tumalon ako sa gusali ng malaman iyon. Pero alam mo sana hindi ka na lang nabuntis ulit.
Inamin mo na sa iyo nga ang PT na nahanap ko pero ang isang katotohanan na sumampal sa akin ng araw na iyon ay ang pagsabi mo na hindi akin ang bata. Bakit mo nagawa sa akin iyon Nicole? Minahal naman kita ng sobra diba? Ano pa bang kulang?
Umiyak ka magdamag ng araw na iyon habang ako ay naghahanda na ng makakain mo. Hawak ang kutsilyo sa kanang kamay ay dahan-dahan kong hinihiwa ang patatas para sa chicken curry. Nang matapos ay hinanda ko na ang makakain mo. Hindi mo makuhang tumingin sa akin kaya't tahimik kang kumakain. Matapos ang halos 10 minuto ay bigla ka na lang nahulog sa kinauupuan mo. Halata sa mukha mo ang hirap at sakit pero wag kang mag-alala, wala naman akong gagawin sayo.
Binuhat kita at dinala sa kwarto. Unti-unting tinanggal ang saplot sa katawan hanggang sa buong pagkatao mo na ang aking nakikita. Puno pa din ng takot ang iyong mukha habang unti-unting tumutulo ang bawat luha. Natatakot ka ba sa akin? Hindi naman kita sasaktan Nicole. Masyado kitang mahal para gawin iyon. Inilabas ko ang malamig na kutsilyo mula sa bulsa ko. Nagsimula ka ng sumigaw pero mabuti na lang at tinakpan ko ang bunganga mo.
Halos patayin mo ako sa tingin habang walang tigil na nagmamakaawa na ilayo ang kutsilyo sayo. Nakaupo ka ngayon sa sahig na nakatali ang paa't kamay. Nilapit ko ang kutsilyo sa iyong bunganga. Ang mapupula mong labi na napaganda at hinding hindi ko pagsasawaan ay nadumihan na ng halik mula sa ibang lalake. Bawat patak ng dugo mula sayo ay nagpapatingkad lang ng labi mo.
Ibinababa ko naman ang kutsilyo sa iyong mga kamay. Kamay na hinawakan ang mundo at pagkatao ko. Kamay na nagawang hawakan ang ibang parte ng lalake mo. Ang dati mong mapuputing kamay ay nababahiran na ng pulang likido na nagmula mismo sa mga ito. Unti-unting namumutla ang morena mong kulay at bawat pag tulo ng luha ay lalong dumadami.
Masakit ba Nicole? Hindi naman diba? Wala ka namang pakiramdam diba? Kasi kahit na alam mong mahal kita nagawa mo pa ring lumandi sa iba. Tignan mo nabuntis ka pa,ngayon iniiyakan mo ako? Bakit? Bakit mo yun ginawa?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mula sa hibla ng buhok ng iyong ulo hanggang sa iyong mga paa ay hindi na ako nagdalawang isip na putulin ang lahat ng ito. Matagal ko ng gusto makuha ang puso mo Nicole. Mula pa ng una tayong magkita. Pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi mo magawang ibalik ang pagmamahal na iyon? Tinutok ko ang kutsilyo sa bandang dibdib mo at sinimulang buksan ang bandang puso mo.
Kahit na hiwalay ka na Nicole at hawak ko ang puso mo,bakit pakiramdam ko hindi pa rin ako makuntento? Sinimulan kong buksan ang tiyan mo,wala pa ang bata. Mabuti naman at hindi pa siya tuluyang nabuo,dahil kung nangyari man iyon ay hinding hindi na kita mapapatawad. Gusto ko akin ka lang. Akin ka lang Nicole. Mula sa mapupula mong labi hanggang sa mapula mong damit na suot ay akin lang.
At walang aagaw sayo. Kahit sino man ay hahamakin ko para lang mapanatili ka sa akin. Ganyan kita kamahal Nicole. Hanggang kamatayan ay akin ka lang.
BINABASA MO ANG
Nicole Joyce Constantino
Short StoryAng ganda mo talaga. Mula sa mga labi mong mapupula na nagsasabi na mahal mo ako,na ako lamang at walang iba. Sa matang walang ginawa kundi titigan na lamang ako,mula sa aking mga mata pababa. At mga kamay na hawak ang kamay ko habang hinihila ako p...