Ang bagal ng oras sa tuwing kasama kita. Sobrang saya ko ng walang alinlangan kang nagkwento sa akin. Kita ko sa mga mata mo ang lungkot sa tuwing nababanggit mo ang pangalan niya. Kyle Gabriel Garcia, ang sabi-sabi na kasintahan mo ngayon na nasa ospital. Pero ang saya lang na sayo na mismo nanggaling na hindi pala iyon totoo. Di ako mapakali ng tinuloy mo ang pag kwento. Nasabi mo na magpinsan pala kayo na kinagulat ko naman. Hidi ko inaasahan iyon.
Matapos ng napakahabang usapan natin ay tuluyan ka ng tumayo at nagsabi na uuwi ka na. Dahil nga gabi na ay kinakailangan na kitang iuwi ng ligtas. Habang sabay tayo naglalakad papunta sa bahay mo ay tumigil ka muna na yumuko.
"Pasensya na,kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko natanong ang pangalan mo" halata sa mga pisnge mo ang pag pula nito habang nilalaro ang iyong mga daliri. Kahit anong gawin mo,ang ganda mo talaga sa paningin ko.
"James Quizon"
Ilang buwan ang lumipas matapos ang ating pagkikita sa playground ay madalas mo na akong kasama. Nakalabas na din ng ospital ang pinsan mo pero ang sabi ng doktor ay may mga parte sa kanyang alaala ang hindi niya matandaan na siyang kinalungkot mo. Sa tuwing tayo'y magkasama ay lagi di siyang kasama. Kelangan na mabantayan at alagaan.
Isang gabi ay niyaya kita lumabas. Sobrang saya mo pa nun, bawat ngiti at galaw mo ng araw na iyon ay hindi ko makakalimutan. Dinala kita sa bahay ko. Oo,naalala mo? Mag isa lang ako kasi ang magulang ko ay matagal ng patay at ang tiyahin ko ang bumubuhay sa akin. Nagulat ka pa nga ng makita ang bahay ko,maraming awards,trophy at mga diploma ang makikita sa sala.
Niluluto ko ang paborito mong pagkain, ang sinigang na baboy. Habang nagluluto ay napansin ko na lumapit ka sa akin. Hinawakan ang aking kamay at nilayo sa may lutuan. Nung una pinigilan pa kita dahil baka masunog ang niluluto ko pero pinatay mo na lang ang kalan at hinila na ako palayo. Umakyat tayo papunta sa kwarto at sinarado mo ang pinto. Unti-unti mong binababa ang suot mong damit hanggang sa ang panloob mo na lang ang nakikita ko. Umiwas ako ng tingin sayo dahil alam ko na isang pagsasala ang magagawa ko.
Lumapit ka sa akin,hindi ako makahinga sa bawat haplos ng kamay mo sa katawan ko. Para akong mababaliw sa bawat hawak mo. Ngumiti ka sa akin at unti-unting tinanggal ang suot ko hanggang sa buong pagkatao ko ay nakita mo. Nagulat ka pa nga ng makita mo iyon pero pinagpatuloy mo pa rin ang ginagawa mo. Sinimulan mo sa paghalik sa akin hanggang sa naitulak mo na ako sa kama at pumuwesto sa ibabaw ko. Hindi na ako pumalag,kagustuhan ko ito.
Ng ipinasok mo na ako sa iyo ay bakas sa mukha mo ang sakit at ang biglang paglakas ng ungol mo. Hindi ka pa gumagalaw ay naramdaman ko na ang paglabas ko. Nang nasanay ka sa laki ko ay mabagal muna ang paggalaw mo hanggang sa bumilis ng bumilis ng bumilis. Inabot tayo ng ilang oras at ilang pusisyon bago tayo tumigil. Hindi ko na maalala kung ilang beses ko naiputok sayo pero alam mo,ako na ang pinaka masayang tao ng panahon na iyon.
Nagising na lang ako sumunod na araw na wala ka sa tabi ko. May iniwan kang sulat na nagsasabi "Layuan mo na ako". Agad naman akong bumangon at nagbihis para hanapin ka. Pumunta ako sa bahay mo at tinanong kung nasa loob ka ba. Pinapasok naman ako ng mama mo at sinabi na nasa kwarto ka. Nakita kita doon,nakahiga sa kama habang naririnig ang bawat hikbi mo. Lumapit ako sayo pero sabi mo na umalis na ako.
Hindi ako nagpatinag,niyakap kita at hinalikan sa noo. Sabi mo mali ito,sabi mo isang kahibangan ang ginawa natin. Isang kasalanan na masyado pang maaga para gawin. Nagagalit ka sa sarili mo,tinatanong kung anong gagawin kung magkaroon ng bunga ang pangyayaring iyon. Sinabi mo pa na hindi ka pa handa at higit sa lahat nakakapandiri ang ginawa natin. Tinignan kita sa mata at ngumiti.
"Edi pananagutan ko ang magiging anak mo"
Tinignan mo pa ako at hinampas-hapas. Kesyo nababaliw na ako. Hindi mo pa nga ako matignan sa mata,dahil sa hiya na baka mandiri ako sayo. Pero seryoso ako. Pananagutan kita,mahal na mahal kasi kita. Gusto ko akin ka lang. Akin ka lang dapat.
BINABASA MO ANG
Nicole Joyce Constantino
Short StoryAng ganda mo talaga. Mula sa mga labi mong mapupula na nagsasabi na mahal mo ako,na ako lamang at walang iba. Sa matang walang ginawa kundi titigan na lamang ako,mula sa aking mga mata pababa. At mga kamay na hawak ang kamay ko habang hinihila ako p...