Ano bang inaasahan ko? Syempre mananalo ka nun. Proud na proud ako sayo pero hindi ko maiwasan na magalit sayo. Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang magsusuot ng mga revealing? Hindi mo ba nabasa ang letter na nilagay ko sa locker mo? Meron din akong pinalagay sa lamesa mo sa classroom para siguradong mababasa mo. Pero bakit ganun? Sinaway mo pa rin ako.
Alam ng lahat na beauty and brains ka. Nakakaproud sa totoo lang. Pero sana naman binigyan mo ng respeto ang sarili mo ng sinuot mo yung dress mo na kulay violet na backless para sa main na event. Oo,simple lang ang design nun pero bakit iyon pa? Hindi ba pwede yung dress mo na kulay sky blue na may takip sa likod ang pinili mo? Hayaan mo na,nangyari na eh.
Hindi mo pa rin ako kilala at halos 4 na buwan na lang at gradute na ako. Malayo pa rin talaga ang agwat nating dalawa. Nakakalungkot lang talaga. Mamimiss mo ba ako? Ikaw kasi eh,bakit may agwat pa tayong dalawang taon. Sana nung pinanganak ka,magkasing edad lang tayo. Mabago nga pala,sino nga pala yung lalaki na kasama mo kanina? Diba siya yung partner mo? Bakit ba kayo magkasama?
Nakiita kita kasama siya sa isang malapit na court sa school. Galing lang siguro siya sa laro dahil sa pawis na tumutulo mula sa kanyang katawan. Agad-agad ka naman kumuha ng panyo at tubig. Binigay mo ito sa kanya at ngumiti naman siya sayo. Malapit na mag gabi ng maisipan niyong umuwi. Alam na alam ko na ang daanan papunta sa bahay niyo,siguro nakuha ko lang din sa mga balita.
Nasa malapit na kayo sa gate niyo ng niyakap mo siya at niyakap ka din niya. Wala na akong makita na ibang bagay sa paligid. Nag iitim na ang mga mata ko,bakit kaya? Ahhh oo nga pala naalala ko na. Matagal na nga pala kitang mahal. Nakakatawa ba? Hindi naman siguro. Nakakabigla,siguro,pwede. Pero hindi ko alam kung kelan o paano pero ang alam ko lang,mahal na kita. Kaya pwede bang bumitaw ka na sa kanya at pumasok na lang sa loob para matapos na ang lahat.
Ng pumasok ka sa loob ay agad naman na lumakad na papalayo yung lalaki. Dahil gabi na ay kelangan ko ng suotin ang cap ko. May malapit pala na playground sa inyo,mahilig ka siguro maglaro nung bata ka pa. Lumapit at tumambay muna ang lalake sa playground iyon. May nilabas siya sa bulsa ng dala niyang bag. Isang pack ng sigarilyo at kendi. Sinindihan niya iyon at ng maubos ay lumakad na muli. Hindi ba bawal sayo ang sigarilyo? May hika ka kaya dapat na umiwas ka sa mga ganung klase ng lalake.
Sumunod na araw,nagkalat sa school ang isang balita. May isang lalaki na natagpuan na walang malay sa isang playground,puno ng pasa at sugat ang katawan at kasalukuyang na-coma. Marami ang natakot at nasindak,dahil yung lalaking iyon ay isang graduating na pala. Bulong bulungan din na siya daw ang iyong boyfriend. Pumunta naman ako agad sa klasroom mo at hinanap ka. Sabi ng mga kaklase mo ay absent ka. May sakit ka ba? Sana pumasok ka na.
Isang araw kitang hindi nakita. Pumunta muli ako sa bahay niyo para tignan kung may sakit ka nga talaga. Nagulat ako ng makita na walang tao sa bahay. Inisip ko ang lugar na maarin mong puntahan. Unang pumasok sa isip ko ang playground,hindi kaya gusto mo munang maglaro para makahinga?
Hindi ko nga inaasahan na nandun ka nga. Nakaupo ka mag isa sa swing malapit sa puno ng manga. Umiiyak ka. Dali-dali naman akong lumapit sayo at binigay ang panyo na dala ko. Paborito mong kulay,violet. Tinignan mo muna ang hawak ko at kinalaunan ay kinuha din at pinunasan ang mga tulo mula sa iyong mata.
"Maraming salamat"
Simpleng katagang iyong sinabi sa akin ngunit nagpalakas agad ng tibok ng aking puso. Dahil sa hindi ko alam ang aking gagawin ay tumakbo ako papalayo sayo at naghanap agad ng ice cream store. Mahilig ka sa ice cream,lalo na kung cookies and cream. Bumalik ako sayo na hawak ang cookies and cream na kinagulat mo at sabay ng kinangiti mo.
Nung una ay tahimik lamang tayong kumakain. Tumingin ka sa akin ng maubos mo ang ice cream mo. Nilahad mo ang kanang kamay mo sa akin at ngumiti.
"Hi,ako nga pala si Nicole Joyce. Diba ikaw yung lalakeng nadapa nung first day ko? Akalain mo yun,magkikita ulit tayo"
Biglang na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon,naaalala mo pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Nicole Joyce Constantino
Short StoryAng ganda mo talaga. Mula sa mga labi mong mapupula na nagsasabi na mahal mo ako,na ako lamang at walang iba. Sa matang walang ginawa kundi titigan na lamang ako,mula sa aking mga mata pababa. At mga kamay na hawak ang kamay ko habang hinihila ako p...