SIMULA

446 21 4
                                    


Maagang nagising si Rita Sabado ng umaga. Wala s'yang pasok at the same time, wala rin s'yang pictorial. Na cancelled kasi ang dapat ay naka scheduled na niyang pictorial para sa isang magazine. Kasalukuyan siyang freshmen ng pinakamalaking unibersidad sa Gwendevaile. Bagama't baguhan pa lamang siya sa naturang unibersidad, napakarami na agad ang nakaka kilala sa kanya dahil na rin sa sikat s'yang fashion model.

Kahit na minsan ay sobra na s'yang stress dahil sa hectic na schedule n'ya sa pag momodel, nagawa pa rin niyang pag sabayin ang kanyang pag aaral. Sobrang proud nga ng kanyang mga magulang dahil maliban sa pagiging isang mabuting anak, full scholar pa sya sa nasabing paaralan dahil nagtapos s'ya as Valedictorian sa High School.

Naisipan ni Rita na puntahan ang kaibigang si Martha sa condo nito sa Macken Tower. Nakilala niya si Martha sa isang fashion show event ng isang sikat na brand ng damit sa Gwendevaile. Mabait ito sa kanya, sobra nga ang pasasalamat n'ya dahil sa tuwing kailangan n'ya ng payo ng isang kaibigan ay tiyak na maaasahan ito. Panganay ito sa kanya ng tatlong taon, same lang din sila ng university na pinapasukan. BS Mass Communication ang course nito, samantalang s'ya naman ay Education ang kinukuha major in Math.

Naging mag kasundo sila sa lahat ng bagay. Daig pa nga nila ang tunay na magkapatid. Nag iisang anak lang kasi si Martha, kaya't kung ituring s'ya nito ay bunsong kapatid. Kapag may pasok s'ya at the same time na may schedule for fashion show, welcome na welcome s'ya sa condo ng kaibigan para mag stay. Medyo malayo din kasi ang tirahan ng kanyang pamilya sa kanilang unibersidad, kaya't pinayagan s'ya ng kanyang mga magulang na tumuloy sa kaibigan. Malaki na rin naman ang tiwala ng mga ito kay Martha.

Nang marating na n'ya ang Macken Tower, excited s'yang bumaba ng sasakyan para surpresahin ang kaibigan. Hinatid lamang s'ya ng kanilang Family Driver dahil gagamitin din ng kanyang Papa ang sasakyan.

�5�X��9

Magkabilang Mundo (MarTa's FanFic)Where stories live. Discover now