Chapter Three - TRY OUT

310 19 5
                                    

Araw ng Miyerkules, napaka raming tao sa Mary Hill, nabalitaan kasi ng mga taga Vailerus na dumating na si Coach Hamree ng Waineru Knights. Napansin agad ni Marco na maraming nag palista para sa try out. Hindi naman s'ya makapaniwala na makakaharap na niya ang iniidolong Coach.

Nilapitan agad s'ya ng kaibigang si Edward pagkakita sa kanya.

" So, what brought you here?"

Pinalo n'ya sa tiyan si Edward. Minsan tinatanong n'ya ang sarili kung bakit naging bestfriend n'ya ito. Sobrang lakas kasi nitong mang bully.

" Eh ikaw? bakit naka jersey ka, huwag mong sabihin na mag try out ka din?" tinawanan naman nya ito ng nakakaloko.

Bigla namang sumama ang itsura nito.

" Joke lang," bawi n'ya.

Ganito sila ni Edward, pero never silang nag away kahit na minsan wala na sa lugar ang asaran nila.

" I think, hindi ka mabubuhay ng wala ako sa tabi mo, that's why I'm planning na kung hindi man ako makapasa sa try out, magta transfer na lang ako ng University."

" Ako hindi mabubuhay, baka ikaw?"

" Hah, you wish."

" Ewan ko sa'yo."

                                                                                                  ***********


Nagsimula na ang try out, lahat ay nag papakitang gilas kay Coach Hamree, habang sa isang sulok ay tahimik na naghihintay si Marco. Magagaling ang mga lumahok sa try out. Ang ilan sa mga ito ay nakakalaban na niya sa mga league na sinasalihan n'ya. Habang papalapit ay nakakadama na si Marco ng kaba, dito nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Kailangan n'yang makapasa sa try out para sa pamilya n'ya.

Nagulat naman si Marco paglingon n'ya sa may bandang kaliwa ng bleachers ng stadium. Nandoon ang kanyang ina kasama sina Sasa at Lily. Kinawayan s'ya ng mga ito. Ginantihan naman n'ya kaway ang ina at mga kapatid. Hindi maitago ang tuwa niyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ang makita niyang suporta mula sa mga ito ay napakalaking bagay na sa kanya.

Mas lalo n'yang pagbubutihin ang try out.

" Marco Luis Gallo, your turn"

Pag tayo ni Marco mula sa kinauupuan, parang may kung anong malakas na puwersa na pumipigil sa kanya paglakad. Hindi niya maintindihan ang sarili, parang biglang pinangunahan s'ya ng kaba. Lalo pa't nakita n'ya na pinagmamasdan s'ya ni Coach Hamree.

" Go Marco, hiyawan ang mga taong nanonood sa loob ng stadium, nakita rin niyang nag checheer ang mga kapatid. Karamihan ng mga babae ay nag sisitilian dahil sa bukod sa angking kagwapuhan, siya ang pinaka magaling na manlalaro ng Vailerus.

Nang nasa gitna na siya ng court, kaharap n'ya ang mga manlalaro ng Waineru Knights, para namang bigla s'yang na star struck sa mga ito dahil sobra ang paghanga n'ya sa mga ito. Hinanap naman n'ya ang star player na si Kali, ngunit wala ito.

Nagsimula na ang laro, mahigpit ang depensa ng kalaban, noong una ay nangangapa pa siya sa mga kalaban, ngunit ng katagalan ay napag aralan na rin niya ang mga galawan nito. Bawat tira n'ya ng Tres ay pasok, lalong lumakas ang hiyawan dahil sa walang mintis na mga tira ni Marco, maging sa depensa ay nakakaagaw din s'ya ng bola.

Ng pumito na ang Referee para sa time out, agad namang pumunta si Marco sa upuan para uminom ng tubig. Hindi naman aware si Marco na sinundan s'ya ng tingin ni Coach Hamree. Mababakas sa mukha nito ang paghanga sa binata. Maging ang mga players ng Waineru Knights ay bumilib din sa kanya. Kinamayan s'ya ng mga ito bago umupo.

Hinihintay pa ni Marco ang susunod na tawag ng referee, ngunit nagtaka s'ya dahil ipinatawag na nito ang mga susunod sa kanya. 



Natapos na lahat ng nag try out ngunit hindi pa rin ina- announce kung sino ang mga naka pasa. Hindi pa lumalabas ng conference room sina Coach Hamree, kasama ang mga players nito. Nasa tabi na niya ang ina at mga kapatid, gayundin ang kaibigang si Edward. Napaniwala s'ya ng kaibigan na mag try tryout din ito. Ngunit natapos na lahat ay hindi naman ito tumayo sa kina uupuan.

Bigla namang nanahimik ang lahat ng nag hihintay ng lumabas na si Coach Hamree, seryoso ang mukha nito. Nang makalapit na sa kanila ang lalaki, hindi ito nagsalita bagkus ay ang kanilang Head Coach ang nagbigay ng mensahe sa kanila. Bukas pa malalaman ang resulta, ilalagay ito sa Bulletin Board ng Stadium.

Nagsi uwian na ang mga manonod maging ang mga lumahok sa try out. Kinausap naman s'ya ng kanilang Coach na mag paiwan saglit. Si Edward na lang ang nag presenta na hintayin si Marco. Nauna na ang kanyang ina at mga kapatid.

"Marco, hindi kaya ikaw lang ang nakapasa sa try out," pabulong na saad ni Edward.

Kasalukuyan pang ka meeting ng kanilang Head Coach ang officials ng Waineru knights.

"Hindi ko alam, pero sana makapasa ako, nakita ko kanina kung gaano kasaya sila Mama. Ayaw ko silang biguin."

Mga sampung minuto pa ang lumipas ay natapos rin ang pagpupulong. Unang lumapit ang kanilang Coach kasabay si Coach Hamree. Mababakas sa mukha ng dalawang Coach ang galak habang papalapit sa kanila.

"Binabati kita Marco, Congratulation! You made it." magalak na pahayag ng kanilang Coach.

"Welcome to the Team, welcome tothe family Marco." pahayag naman ni Coach Hamree.

Kinamayan s'ya nito, maging ang iba pang officials ng naturang team.

Hindi naman malaman ni Marco kung ano ang nararamdaman n'ya ng mga sandaling iyon. Parang hindi s'ya makapaniwala na magiging parte na s'ya ng kinikilalang Basketball Team sa buong Gwendevaile.

��U-h��

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magkabilang Mundo (MarTa's FanFic)Where stories live. Discover now