Chapter Two- PHOTO SHOOT

176 12 0
                                    


Samantala, naging busy na naman para kay Rita ang sumunod na mga araw. Bukod kasi sa napakaraming projects ang hinihingi ng Professor n'ya, napa sabay pa ang out of town n'yang photo shoot para sa isang TV Commercial. Buti na lang at nandyan palagi sa tabi n'ya si Aizan. Naging close agad n'ya ito sa klase. Bukod kasi sa pagka kenkoy nito, marami pang bagay ang kanilang pinag kakasunduan. Kaya't habang out of town s'ya, si Aizan muna ang gumagawa ng kanyang mga projects.

" Hello Rita, naririnig mo na ba ako?"

" Yes Aizan, bakit ka napatawag?"

" Wala lang, na mimiss na kita ay."

" Ala, paktay na, Hoy Aizan kumuzta na yung mga projects ko?"

" Ang tindi mo talaga noh, grabe ka ay, tapos na po Señorita, naipasa ko na lahat kay Ma'am Alba."

" Wow, thanks, maasahan talaga kita."

" Anong thank you, may bayad yun."

" Grabe s'ya oh, ok fine. Anong gusto mong pasalubong?"

" Pasalubong, di ba nandyan ka sa Vailerus, ano namang maaaring ipasalubong mo dyan, mga isda?"

" Hahaha, may point ka, ok di pag balik ko na lang dyan, libre kita ng starbucks."

" Oh, yan, gusto ko yan."

" Ok, Bye na Aizan, tinatawag na ako nung make up artist ko. Keep in touch na lang."

"Bye."

Naputol na ang linya.

Kasalukuyang nasa Vailerus si Rita, doon kasi napili ng management na mag photo shoot. Ang Vailerus ang Centro ng kalakalan. Dito matatagpuan ang pinakamalaking Fort ng Waineru. Dito ibinabagsak ang mga toni -toniladang mga isda na nahuhuli sa karagatan ng Amkor. 

Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga taga Vailerus. Maganda ang lugar dahil sa napakarami pang mga punong kahoy. Gayundin, nakadagdag sigla sa lugar ang nasabing Fort. At ngayon nga ay andito s'ya para sa kanyang TV Commercial. Mababait ang mga tao dito. May ilang nag papapicture sa kanya dahil na rin siguro nakikita ng mga ito ang mukha nya sa mga magazines.

" Rita, dito ka muna, kailangan na kitang iretouch, malapit ka na ulit ipatawag ni Direk."

" Ok, Ms. Ever."

Si Ever ang kanyang make up artist/stylist. Mula umpisa ng kanyang career, hindi ito umalis sa tabi n'ya. Kaya't ganun na lang ang tiwala n'ya dito. Sa bawat out of town naman lagi n'ya ring kasama ang kanyang Mama Linda. Minsan nga ay nagtatampo na ang kanyang Papa Larry dahil bihira na sya'ng umuwi sa kanila. Sa Abi Sand Hill ang kanilang tirahan. Mga 1 hr. din ang ibabayahe nya papuntang Gwendevaile University. 

" Rita are you ready?" tawag ng kanilang Director.

" Yes Direk, ready na po."

                          **************************************************************

Habang sakay ng kanyang bisikleta, palinga- linga namang pinagmamasdan ni Marco ang bawat tindahang nadadaan n'ya sa pag asang may makikita s'yang opening ng trabaho. Naipangako niya sa ina na maghahanap s'ya ng trabaho para sa pambaon ng mga kapatid sa pagpasok ng school. Malaking bagay rin iyon para mabawasan ang gastusin ng ina. 

Hanggang sa mapadpad s'ya sa may Fort. Madalas s'yang magpunta rito, dati kasi ay dito nagtatrabaho ang kanyang tunay na ama. Sa tuwing magbibigay ito ng sustento ay s'ya ang pinakukuha ng kanyang ina. Natigil lamang ito ng lumipat na ng ibang bayan ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya. Napakaraming tao palagi sa Fort, masyadong busy ang mga tao rito, kaya't nagtaka s'ya sa isang lugar ng Fort kung saan ay waring maraming nakikiusyuso at may pinag kakaguluhan. 

" Manong ano pong meron doon?" tanong n'ya sa isang tindero ng isda.

" Naku Hijo, may shooting doon, pinagkaka guluhan nila yung babaeng modelo, ay napaka gandang bata pala n'ya sa personal." masayang pahayag nito.

Napailing naman si Marco. Artista lang pala. Akala n'ya ay may aksidenteng nangyari. Sabagay, hindi n'ya masisisi ang mga taga rito kung may artistang dumalaw. Bihira lang kasing may magpunta ritong sikat, karamihan ay napapanood lang nila sa television o kaya naman ay sa mga magazines.

" Hindi ba't ikaw ay anak ni Arberto?"

Muli namang napatingin si Marco sa matandang tindero. Tinitigan n'ya ito. Pilit n'yang inaalala kung kakilala ba n'ya ang matanda.

" Ikaw nga, ikaw yung batang laging pumupunta rito noong nandito pa s'ya."

Napatango na lang si Marco.

"Ang tagal mo na ulit napasyal dito. Buhat ng umalis ang iyong ama ay hindi ka na ulit dumalaw., ang laki mo na ah, at ang guwapo mo lalo ngayon". nakangiti nitong pahayag nito.

"Sige po Manong" paalam nya sa matanda.

Natapos ang buong maghapon, walang nahanap na trabaho si Marco. Halo lahat ng napuntahan nya ay walang bakante. 

Hindi muna s'ya umuwi sa kanila. Nagpalipas oras muna s'ya sa may Patio kung saan madalas silang maglaro ng basketball ng mga kaibigan. Mag-isa lang s'ya, sumagi sa isip n'ya na tama ang kaibigang si Edward, dapat sigurong i try n'ya ang pagsali sa Team ng Waineru Knights. Napakagandang opurtunidad kung sakaling makakapasok s'ya. At the same time maipagpapatuloy pa n'ya ang pag aaral.

                                                                                        ******

"Mama, puwede ba kitang maka usap."

" Oo naman, bakit ano ba iyon?"

" Gusto ko po sanag mag try out sa basketball sa susunod na  araw, darating daw po yung sikat na Coach ng Waineru. Bali kukuha sila ng mga panibagong manlalaro para sa team nila. "

"Ano ka ba Marco, hindi ba't noon pa kita pinipilit na sumali d'yan sa Team na yan. Anak magaling ka, at tiyak kong papasa ka d'yan."

Sa narinig mula sa Ina, mukhang mas naging malakas ang loob n'ya para ituloy ang balak.









Magkabilang Mundo (MarTa's FanFic)Where stories live. Discover now