Chapter One- FAMILY PROBLEM

227 15 0
                                    

" Oh Rita, I thought your pictorial was cancelled?"

" Oo, pero nag paalam ako kina Papa na dito muna ako for the whole weekend, wala namang pasok. ok lang ba?"

" Of course, your always welcome here. I'm bored na nga eh."

" Ano kaya't magpunta na lang tayo ng mall. May kailangan din kasi akong bilhin sa bookstore. "

" Well, that's a good idea, I'll txt Kali para samahan tayo, nakakatamad kasing mag drive, mukhang may sprain paa ko."

" Ok."

Si Kali ay boyfriend ni Martha. Fourth year level na ito sa kursong Architecture. Almost 2 years na silang mag on. Si Kali ang star player ng kanilang Basketball Team. Kilala ang kanilang basketball Team sa buong Waineru. Sila ang may hawak ng title last year, kaya't todo ng pag eensayo nito para sa susunod na championship.

" Hindi puwede si Kali, may practice daw sila ngayon, anyways tayo na lang."

" Mag commute na lang tayo, malapit lang naman dito yung mall."

" Sabagay, ok sige mag ready lang ako."

Sa Vailerus naman, kasama ni Marco ang mga kaibigan habang naglalaro ng basketball. Tatlong araw na s'yang hindi umuuwi sa kanila dahil nagkasagutan silang mag ina. Pansamantalang nakikituloy s'ya sa matalik na kaibigang si Edward. Hindi n'ya maunawaan ang kanyang ina kung bakit kailangan mag asawa ulit ito gayong tatlong beses na itong nabigo sa pag ibig. Apat silang magkakapatid. Siya ang panganay, ang sumunod sa kanya na si Luki ay iba ang ama. At ang dalawang nakababata nyang kapatid na babae na sina Sasa at Lily ay pareho ang ama, ngunit kamakailan lamang ay iniwan na sila nito. At ngayon ay may bago nanamang ipinakilala ang kanyang Mama at iyon ang hindi niya matanggap. Ginagawa naman n'ya lahat para makatulong rito. Para hindi na nito kailangan ang isang lalaki para masutentuhan ang kanilang mga pangangailangan.

" Tol, umuwi ka na sa inyo, tiyak ako nag aalala na sa iyo si Tita Mel."

" Badtrip Tol sa bahay, hindi ko maintindihan si Mama."

" Alam mo Marco, gusto lang siguro ng Mama mo na mabigyan kayo ng magandang buhay. Intindihin mo din ang Mama mo, apat kayong magkakapatid, kailangan n'ya ng katuwang para sa pag papalaki sa inyo."

Natahimik si Marco, ayaw rin naman n'yang nagkakaroon sila ng di pagkaka unawaan ng kanyang ina. Mahal na mahal nya ito kahit kulang sa salita. Ipinararamdam na lang nya ito sa pamamagitan ng mga gawa, gayundin sa kanyang mga kapatid. Lahat ay gagawin nya para sa mga ito.

Nakinig s'ya sa payo ng kaibigan na umuwi na sa kanila. Habang papalapit na s'ya sa kanilang bahay, iniisip n'ya kung paano hihingi ng tawad sa ina. Tama si Edward, dapat iniisip din n'ya kung ano ang makapag papasaya sa Mama n'ya. Naiinis s'ya sa kanyang sarili dahil naging selfish s'ya.

Nang marating n'ya ang kanilang bahay na inuupahan, nagtaka sya dahil mukhang walang tao dahil nakapatay ang mga ilaw. Agad s'yang pumasok, ngunit dahil sa sobrang dilim halos mangapa na siya. Napatama pa ang kanyang tuhod sa isang matigas na bagay. Hanggang sa may marinig s'yang iyak ng isang babae.

"Sasa, ikaw ba yan?"

Pinuntahan niya ang kuwarto ng kapatid. hindi s'ya nagkamali, nandun si Sasa. Tanging isang maliit na kandila ang nagbibigay liwanag sa buong kuwarto nito. Agad niyang nilapitan ito.

" Sasa anong nangyari, asan sila Mama? bakit ang dilim dito sa bahay at bakit mag isa ka lang?."Sunod sunod na tanong ni Marco.

Yumakap sa kanya ang kapatid.

" Kuya Marco, Si Lily kasi, isinugod nila Mama sa hospital, sobrang taas ng lagnat nya."

Napayakap si Marco ng mahigpit sa kapatid, kasalan nya ang lahat. Hindi s'ya umuwi ng tatlong araw kaya't hindi n'ya nalalaman ang mga nangyayari sa kanila.

" Naputulan din tayo ng kuryente kaya't wala tayong ilaw ngayon. Mahigit limang buwan ng hindi nakaka bayad si Mama, kanina pumunta rin si Mrs. Reyes, paaalisin na din tayo dito sa bahay dahil malaki na daw utang natin sa kanya."

                                                                                         ********


Pinuntahan agad ni Marco ang Hospital kung saan na confine si Lily. Isinama na rin niya ang kapatid na si Sasa dahil mag isa lang itong maiiwan sa bahay. Papalapit pa lamang s'ya ay tumulo na ang kanyang mga luha dahil sa sitwasyon ngayon, ang Mama nya ang nahihirapan, sinabayan pa n'ya ng katigasan ng ulo. Kaya't ng makalapit na s'ya sa kinaroroonan nito, agad s'yang yumakap.

" Mama, sorry." tanging nasambit ni Marco. Napahagulhol na siya ng iyak, gayundin ang kanyang Ina.

" Sorry din anak kumg nakapag bitiw ako ng masasakit na salita, hindi ko sinasadya. "

Yumakap narin sa kanila ang mga kapatid na sina Sasa at Luki. Samantalang mahimbing naming natutulog si Lily.

Ayon sa Doctor, tinamaan ng Dengue ang kapatid n'ya. Mabuti at naagahan ito kaya't mabilis ding nalunasan ng gamot. Hindi na nangailangang salinan ng dugo. Kung nagkataon kasi, malaki rin ang kakailanganin nilang pera para dito. Puwede na rin makalabas ng Hospital ang kapatid dahil bumubuti na rin ang kalagayan nito.

Ang pino problema na lang ni Marco ay ang malilipatan nila. Hindi na nila napaki usapan si Mrs. Reyes na bigyan pa sila ng isang buwang palugit para mabayaran ang kanilang upa.

              ********************************************************************************

"Tol, pumayag na si Mama na doon muna kayo tumuloy sa isang paupahan namin, mabuti at kaaalis lang  noong umupa."

"Tol Edward, maraming salamat, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

" Stop Marco, ang cheesy mo."

"Thank You talaga."

" Ok enough, txt mo lang ako kapag maglilipat na kayo, nakalabas na ba si Lily sa Hospital?"

" Bukas daw puwede na s'yang makalabas sabi ng Doctor.


" Well, that's a good news, ahhhmm..by the way maiba ako. May try out daw sa next Saturday ng Basketball sa Amry Hill, join tayo?"

" Hindi ko alam Tol, balak kung maghanap ng trabaho next week para naman makatulong ako kay Mama. Medyo Malaki rin kasi nagastos naming sa bill ng hospital."

" Sayang lang, balita ko kasi nandun si Coach Hamree ng Waineru Knights."

" Talaga."

" Yup, and balita ko naghahanap daw ng bagong players ang Gwendevaile University, di ba pangarap mong makarating ng siyudad, pagkakataon muna."

" Maraming mas magagaling na player sa Gwendevaile."

" Marco, as I said it before, you have a gift of talent sa basketball. Hindi mo lang kasi inilalabas."


Natahimik lang si Marco sa sinabi ni Edward. Dati pa pinu push s'ya ng kaibigan na mag try out sa basketball. Siya lang ang umaayaw dahil na rin sa obligasyon nya sa pamilya. Kung sakali kasing makapasok s'ya sa team ng Waineru knights, kailangan nyang tumira sa siyudad, at yun ang hindi niya kayang gawin. Ayaw n'yang mapalayo sa pamilya.

" Pag isipan mo din Tol, ang sabi sa akin ni Erin, maganda daw ang offer ngayon, bukod daw sa libre ang tirahan mo, may allowance pa every month."

Sa narinig n'yang allowance per month, parang nabuhayan s'ya ng loob.

" May idea kaba kung magkano?"

" Hahahaha..wow, teka parang biglang umiba ang ihip ng hangin!"

"Tol, pera na pinag uusapan, alam mo naming kailangan ko yun ngayon."

" Yeah I know. Ok if I have a chance to talk to Erin again, I will let you know."

" Ok.'

Magkabilang Mundo (MarTa's FanFic)Where stories live. Discover now