Kailan ba ako sasaya?

6.5K 81 16
                                    

Madaming pangyayari na hindi kapani-paniwala ngunit ako'y nanatili dahil mahal kita..

"At kailanman hinding hindi kita bibitawan."
Yun ang sabi ko noon, alam ko..

Ngunit mahirap palang magsalita...
Lalo na kung wala ka nang ibang magagawa kundi iwanan na...

Iwanan ang mga bagay na unti unti nang sumisira sayo..

Di lang sa pagkatao mo kundi na rin sa puso mo.

Napapagod nang lumaban at parang wala na ding pwedeng ipaglaban..

Ito na...

Ito na.....

Dumating na ang kinakatakutan nating dalawa.

Ang araw na tayo'y tuluyan nang magkakahiwalay.

Ayaw mang mawalay ngunit wala na tayong magawa kundi sumabay..

Sumabay na lamang sa ihip ng hangin na baka sakaling kaya pa itong ayusin...

Pero sa ngayon,

Kailangan na kitang bitawan..

Kailangan na nating magdesisyon..

At kahit sobrang sakit,
Naisipan na natin na putulin ang ating pagmamahalan.

Alam ko sa puso ko na hindi kailanman mawawala ang pagmamahal ko sayo at totoo nga, hanggang ngayon...

Mahal na mahal parin kita..

Kahit Oo,
aaminin ko...

Nagmahal ako ng iba.

Nung nawala ang pag-ibig natin, ako'y nangulila at ito'y nahanap sa isa.

Itong isa na minahal ako kahit siya mismo alam niya na ikaw parin ang nasa tibok ng puso ko pero ginawa nya ang lahat para ngumiti muli ang mga labi ko.

Alam niyang ikaw parin ang nakikita ko sa kanyang mga mata pero kahit kailan wala akong narinig na salita..

Kahit masakit, tinanggap niya parin ako at minahal ng walang batid..

Nagtagal din kami ng dalawang taon,
ngunit sa pagkakataong iyon, unti unti na siyang nagbabago..

Hindi ko alam paano,
hindi ko din alam kung ano...

Pero para kaming gulong na paulit ulit.
Paulit ulit sa pagikot na halos hindi na namin alam kung ano ba itong pinasok.

Unti unti na kaming nagkakasakitan.

Mga salitang walang preno sa pagbigkas na akala mo parang walang pinagsamahan.

Ugaling akala mo'y walang dungis,
Lumantad na at parang di mo na makilala pa.

Hindi mo akalain na ang taong sasagipin ka sa paghulog mo ay siya din palang tutulak sayo..

Ang dami kong sinakripisyo para sa isa, ngunit siya'y naging bulag na at wala nang makita pa.

Paulit ulit na away.
Paulit ulit na sakitan.
Paulit ulit na di pagkakaintindihan.

Ayoko na, tama na!
Tapos na ako at ayoko nang tiisin pa.

Nakakapagod palang magmahal..
O pagmamahal nga ba ito?

Hindi ba't sabi nila na ang pagmamahal ay hindi dapat ganun kahirap? Pero bakit palagi nalang akong nasa ilalim ng alapaap?

Kailan ba ako sasaya?

Naghiwalay din kami..
Siguro nga, ito na ang kapalaran ko.
Na walang taong magtatagal sa akin dahil sa pagkatao ko.

Baka hindi ako sapat upang mahalin ng matagalan at tapat.. o baka naman hindi pa ako tapos mahalin ang iba..  kaya nahihirapan akong mahalin ng buo yung isa.

Ang gulo diba?

Sabi ko sayo, hind ito isang kwento na isinulat lamang ng mahusay na manunulat...
Di din ito mahahanap sa ibang aklat.

Ito'y nangyari sa buhay ko at ako'y nandito para ibahagi sainyo ang parte sa buhay ko..

Bakit Mahal Pa Rin Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon