Lumipas ang mga buwan at mga sandali..
Tayo'y unti unti nang nakakaramdam ng pagkasabik..
Sabik na sabihin ang tunay na tinitibok ng puso at 'di alam ang ating gagawin.
Natatakot tayong pareho dahil baka hindi mo naman ako gusto at sa iyong pananaw naman ay akala mo din hindi ikaw ang aking tipo.
Mali tayo, Mahal.
Mali tayo sa inaakala natin na baka hindi naman natin gusto ang bawat isa.
Kung tutuusin, mas matindi pa pala dun.
Higit pa sa ating inaakala.Siguro natatakot lang din tayo sa nararamdaman natin noon..
Na baka hindi naman tama ang panahon o baka tayo'y nalulunod lamang sa ating mga illusyon.
Hmmm...
Ah basta, alam kong mahal kita.
Pero kelangan ko pang itago.Ang BILIS no?
MAHAL agad?
Baka naman crush lang kita...
O kaya natutuwa sa kalambingan mo pagdating sa mga salita.Maaring Oo.
Maari ring Hindi.
Malay natin.
Wala naman din nakakaalam eh.Kung saan galing ang pagtingin mo sa isang tao. Kung paano nabubuo yung pagmamahal mo sa isang taong minsan ay 'di mo naman kaano-ano.
MAHIRAP intindihin ang mga pangyayari pero hindi naman 'to isang kwentong gawa gawa lang ng isang mahusay o 'di kaya ng isang nagmamagaling lamang na manunulat.
Ang bawat salita sa kwentong ito ay maaring nangyayari o di kaya'y nangyari na sa ating lahat.
Maaring mabilis,
ngunit hindi kailanman naging basehan ito ng pagmamahal mo sa isang tao.Kahit na ilang taon na kayo magkakilala, kung wala talaga kayong koneksyon o pagkakaintindihan, wala ding hahatungan.
Tandaan,
Hindi sa tagal o bilis ng panahon nasusukat ang pagmamahal.Naalala ko nung una kong tinanong kung "Ano na nga ba ang nararamdaman mo sa akin?"
Ang tanging sagot mo pa ay..
"Mahal na nga ata kita."May halong pag-aalala dahil baka ang isagot ko sayo ay "Pero kaibigan lang talaga kita".
Ngunit nung nabasa ko ang sinabi mo ay hindi ko napigilang sumigaw sa kilig at ang puso ko'y nagtatatalon sa saya.
Hindi ko maintindihan bakit ang sarap sa pakiramdam ngunit alam kong totoong totoo ang bawat salita na galing sayo.
Ramdam ko ang pagmamahal mula nung napapalapit palang ako sayo hanggang sa araw na umamin ka sa akin..
Wala akong ibang nasabi kundi "Ako din, mahal na din ata kita."
Nakakatawang basahin.
Kasi puro tayo "Yata".Pero alam mo mahal?
SIGURADO ako sayo.Nagtagal tayo ng isang taong magkalayo sa isa't isa.
At kahit kailan hindi naging hadlang ang distansya.
Magkalayo man ngunit ang tibay natin, Mahal.
SOBRANG TIBAY na kapag napapaisip ako, ako'y napapatulala sa dinami dami nating napagdaanan ng magkasama.
Maaring konektado lang tayo sa mga modernong paraan para sa komunikasyon ngunit ramdam ko na kasama kita sa araw araw ko.
Sobrang ramdam ko ang saya ng puso ko na gumising sa bawat umaga dahil alam ko na makakabasa ako ng mensahe galing sayo.
Ang saya sa puso.
Ang saya saya natin noon.
We are so inlove.
It was so real.Pero...
Kung totoo ang lahat, bakit dumating na ang araw na parang nagising tayo sa KATOTOHANAN?
Nasaan na ang kilig?
Nasaan na ang pag-ibig?
Nasaan ka...
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
PoetryIto ay isinulat ko dahil 'di ko na matatago. Ang bawat salita at letra ay galing sa puso ko, sana makarating ito sayo.