Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ko.
Bakit ngayon ikaw ang hinahanap ko..Teka, baguhin ko..
Bakit hinahanap kita ULIT?
Para lang maklaro na matagal ka nang hinahanap ng puso ko.
Kahit nung kami pa nung isa,
Gaya nga ng sabi ko sa bawat salita.Alam niyang mula noon hanggang ngayon hindi ka parin nawawala sa puso at isip ko.
Ramdam niya na ikaw parin..
kahit sa t'wing nakatingin ako sa kanyang mga mata.NapakaUNFAIR ko namang tao..
Baka yun naman din ang iisipin niyo
na hinayaan ko pang mangyari ito..
Umabot pa sa ganito...
Sobra na ang pagkakomplikado.Sobrang lalim ng nasa utak,
wala nang ibang marinig kundi ang pagputak ng pusong nangungulila at ang pagpatak ng bawat luha..Gusto kitang mahanap
Gusto kitang makausap
Mayakap,
Makitang muli...Mahirap ba yun?
Nasaan ka..
Nasaan ka, Mahal?
Hinahanap kita.
At kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makita ka..
Baka bigla ka nalang magpakita sa labas ng aming bahay at sabihing 'nandito na ako, Mahal.'
Ngunit hindi naman ganun ang buhay
Laging may lungkot bago ang saya
Laging may lungkot din pagkatapos mong maging masaya.Sanay na ako..
at masasanay pa ako..
Kasi hanggang ngayon hindi pa ako sumusuko sayo.
Hanggang ngayon nandito parin sa puso ko ang naiwang mga pangako.
Mga pangakong alam kong hindi napako..Hindi ko nga lang maintindihan bakit ang lakas ng tama ko sayo, eh ikaw lang naman ang taong nakilala ko sa paraang napakamoderno.
Bakit daig mo pa ang taong nakilala ko ng harap harapan at nahahawakan sa ilalim ng arawan.
Bakit ikaw ang hinahanap?
Bakit kaya ikaw pa talaga ang gusto kong mahanap?Mga salitang pinagbubuhul-buhol
Paulit ulit lang naman ang ibig sabihin
pero gusto ko lang klaruhin..Klaruhin para malaman mong gustung gusto ko din talagang mahanap ka at muling makapiling..
Pero sana sa susunod nating pagkikita,
O kahit pag-uusap man lang...wala nang pagkukunwari
Wala nang hiya at wala nang takot
Sana ngayon, makakasama kita ng matagal
Na parang tayo lang ang dalawang taong nagmamahal..Ngayon, ang tanong...
Mahal mo pa kaya ako?
Ito na ang kinakatakutan ko na baka ako'y babalik at mangugulo lamang sayo..
Baka mapasama pa kapag lalapit pa ako ulit at alam mong ayoko ng gulo..Balik tayo sa tanong..
Mahal mo pa ba ako?
O kaya't
May unting pagmamahal ka pa ba sa akin?
Mahal mo parin ba ako?
Ako parin ba ang mahal mo?
May pag-asa pa bang maging tayo?
Mga katanungan na iisa lang naman ang kahulugan pero sa ngayon, hindi ko kakayanin kung HINDI ang kasagutan..
Kasagutan sa mga tanong...
Na matagal nang nakabaon sa puso at isipan.Pero kung ang HINDI na iyon..
ay iyong pinakatapat na sagot sa aking mga tanong...Asahan mo, Mahal..
Hindi na ako susugal,
Ako'y magiging masaya na lamang para sayo...Kahit ako'y nasa malayo..
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
PoetryIto ay isinulat ko dahil 'di ko na matatago. Ang bawat salita at letra ay galing sa puso ko, sana makarating ito sayo.