Ang sakit.Sobrang sakit na unti unti tayong naglalaho.
Pagkatapos ng isang taon ng pagmamahalan bigla nalang tayo unti unting nalulunod sa alon ng mundo.
Bakit ba tayo nandito?
Bakit tayo nagkakaganito?
Paano napalitan ng pagkamanhid ang minsan na'y pagmamahal na walang batid.
Mahal, bakit tayo nandito..
Bakit unti unti na tayong naglalaho..Napakadaya naman ng mundo.
Wala ba tayong karapatan na maging masaya?
Bakit lagi nalang may nangyayaring di maganda?
Kaya pala sinasabi nila na "Wag kang masyadong magpakasaya kasi baka mamaya iiyak ka niyan".
Ayun, tama nga sila.
Bakit kailangan laging ganun?Ang daya naman.
Hindi ko maintindihan.ANG GULO!
Gusto kong isigaw ito.Ramdam ko na mahal mo ako..
Alam kong totoo..Ngunit bakit parang tayo'y unti unting naglakalayo at parang hindi na magkatagpo.
Ang puso ko'y napapagod sa paulit ulit mong pagtulak at pag hila sa akin.
Para bang gusto mo akong manatili...
Ngunit gusto mo din akong palayain..Bakit ba tayo nandito?
ANO BA ANG NANGYARI?Parang awa mo na...
Sabihin mo sa akin,
Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
PoetryIto ay isinulat ko dahil 'di ko na matatago. Ang bawat salita at letra ay galing sa puso ko, sana makarating ito sayo.