IV

12 3 0
                                    

Vanna's POV

Nagpaiwan ako dito habang yong Rem daw at si Chloe ay nasa Dancefloor. Sa totoo lang gusto ko talaga sumayaw kasi namiss ko ng magbar ang tagal narin kasi naming hindi nakakapagbar ni Chloe pero nangdahil dito sa gagong lalaking to nawala ako sa mood...akalain mo nga naman kaibigan pala siya nung Rem hay.

Kumuha ako ng isang beer at tinunga ko yun.umiinom lang ako ng beer habang si Van naman ay nakatingin lang sakin..ewan ko ba kung bakit nagpaiwan din to tsk

"Wag mo nga akong tignan...baka matunaw ako!" Inis na sita ko sa kanya

Kanina pa kasi tingin ng tingin tsk

"Tsk..." sabi naman niya sabay iwas ng tingin. Kumuha din siya ng beer at tumunga

Pinapanood ko lang sila Chloe na sumayaw. Paubos na rin yung iniinom ko na beer ng bigla siyang nagsalita

"Hi ako nga pala si Van" sabi niya na inaabot ang kamay niya para makipag shake hands

Inilapit ko naman ang kamay ko para makipagshake hands din

"Vanna....Vanna Montenegro"pagpapakilala ko rin

"Bat hindi ka sumama kila Chloe para sumayaw?" Tanong niya sabay tunga ulit ng alak

"Nawala ako sa mood eh"sabi ko sabay kuha ng bagong iinumin

"Dahil ba sakin??...oh BTW sorry nung binangga kita sa mall" sinserong paghingi niya ng tawad

"Oh akala ko ba hindi ka marunong magsorry" ngingisi-ngisi pang sabi ko sa kanya

"Eh kaya nga nagsosorry na diba" nakangusong sabi naman niya

Tsk abnoy...haha

"Oo na...sa tingin mo mababalik mo pa yung nangyari kanina tsk" sabi ko naman sabay tunga ulit ng beer

"Hindi ka pa ba lasing...nakarami kana ah??" Nagaalalang tanong niya

"Eh dadalawa pa nga lang naiinom ko eh...haha...don't worry sanay ako sa ganito. Dati na naming gawain ni Chloe ang magbar" natatawang paliwanag ko

"Ok..gusto mo pumuntang dancefloor??" Pagyayaya niya saakin

"Ayoko mas gusto ko dito" sabi ko sabay kuha nanaman ng beer

"Teka nakakarami kana ha" nagaalalang pagpipigil niya sakin

"Ano kaba sabi ko naman sayo sanay na ako sa ganito kaya wag kang magalala dyan hindi pako lasing...haha" natatawa pang sabi ko

Uminom lang kami dun ni Van habang pinapanood ang mga sumasayaw. Nanonood lang kami ng mga sumasayaw nang hindi namin namalayang nandito na pala sila Chloe at Rem.

Pagod at hinihingal pa sila ng makarating sila dito.

"Oh ano kamusta ang pagsasayaw? Mukang nagenjoy kau ah?" Natatawa pang sabi ko sa kanilang dalawa

"Haha oo eh ang dami naming nakasayawan..."natatawa na habol pa ang hiningang sabi ni Rem

"Oh bat ang dami ng bote dito?" Takang tanong ni chloe

"Si Vanna nakarami na" mahinahong sabi naman ni Van

"Hindi ka man lang naghintay Vanna" nakangusong sabi sakin ni Chloe

"Abat maupo kana dyan at ng makainom kana" sarkastikong sabi ko sa kanya

"Oh kamusta bati naba kayong dalawa?" Tanong sakin ni Rem

"Yeah i think so" sarkastikong sabi ko

"Haha ang cute mo Vanna" sabi ni Rem na tumatawa

"Bakit?" Takang tanong ko

"Namumula ka na eh..haha" sabi niya

"Hay nakarami kana Vanna tamana yan..baka magalit sakin sila tita"nagaalalang saway sakin ni Chloe

"Normal lang ba yan??"nagaalalang tanong ni Van

"Oo ganyan yan kapag nasobrahan na sa alak" pagpapaliwanag naman ni Chloe kay Van

"Ano ba kayo ayos lang ako kaya kopa naman"natatawang sabi ko sa kanila

Sa totoo lang medyo nahihilo na nga ako.. pero kaya kopa naman

"Wag kanalang uminom ulit ng alak" sabi sakin ni Chloe

"Oo na po besty" sabi ko naman sa kanya

♪♪♪♪♪♪♥♥♥♥♥♥♥♠♠♠♠♠♠♠♣♣♣♣

Author's Note:
Ang updation po ay base sa kung busy po ako o hindi.

Sa mga readers ko po thank you kasi binasa niyo tong story ko (kung meron nga talagang nagbabasa)

Plsss

Vote

And

Comment

Kamsa 😘😘

Miss_Emoji 👄👄

Just One Day [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon