XV

3 1 0
                                    


Vanna's POV

"Ikaw yun Vanna..ikaw ang pangalawang babaeng nagpatibok ng puso ko."

Nakatingin si Van sa mga mata ko habang sinasabi yun. Gulat kaming lahat sa mga sinabi niya. Lahat kami ay Hindi nakapagsalita. Dumalaw ang matinding katahimikan samin. Sa tingin ko ay namumula na ang aking pisngi,ngunit bakit?anong dahilan para mamula ang aking pisngi?dahil ba parehas kami ng naramdam ng titigan ko siya ng matagal ng siya ay natutulog? Oh dahil may gusto na ako sa kanya?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Maraming gumugulo sa utak ko.

Mayamaya pa ay pinutol na ni Rem ang namumutawing katahimikan na binuo ni Van matapos niyang umamin.

"Sa tingin ko kailangan na nating magpahinga lahat." Anas ni Rem

Sana hindi nalang iyon ang aking tinanong. Sana hindi ko nalang siya tinanong. Nakakainis hindi ko na alam ang gagawin.

Dumiretso nalang ako sa Kwarto namin ni Chloe at saka nagisip-isip.

Van's POV

Hindi ko alam kung tama ba na umamin ako sa kanya ngaun. Hindi ko naman alam na mapapaamin ako ng maaga,sadyang hindi ko napigilan ang aking bibig sa pagsasalita. Yun talaga ang naramdaman ko ng una ko siyang makita,halos kamuka niya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko.

Hinarap ako ni Rem at kinausap. Nakakunot ang kanyang noo at batid mong siya ay naguguluhan.

"Ano sa tingin mo yung sinabi mo brad?" Kunot noong tanong sakin ni Rem

Bigla akong nakaramdam ng Inis. Parang sa tono ng pananalita niya ay may mali akong ginawa.

"Anong mali dun Rem?,Nagsabi lang ako ng totoong nararamdaman ko"inis na sagot ko pabalik

"Sa tingin mo nakatulong kay Vanna yung pagamin mo?" Inis na rin na tanong niya

"Eh ba't ka nagagalit?nagsabi lang naman ako ng totoo."

"Tandaan mo Van gusto ko rin si Vanna, kung may balak ka mang ligawan siya itigil mona" nagbabantang sabi niya

Bigla akong nakaramdam ng inis. Bakit ba kung makapagsalita siya parang hindi kami naging magkaibigan, bakit galit siya kung magsalita eh sa tutuuisin wala naman akong ginagawang masama,nagsabi lang naman ako ng nararamdaman ko.

"Ba't ka ba ganyan magsalita?"inis na tanong ko.."liligawan ko siya..May the best Man Win" sabi ko sa kanya saka umalis.

Pumunta ako sa kotse para umalis at magpalamig. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganon siya. Samantalang sinabi ko lang naman ang totoo kong nararamdaman.

Wag kang magalala Vanna liligawan kita,ipaglalaban kita,hindi ko hahayaang maagaw ka niya sakin kailangan niya munang dumaan sa bangkay ko.

Rem's POV

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis kay Van. Dahil ba natatakot akong siya ang piliin ni Vanna? Dahil ba natatakot akong malamangan niya?hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako.

Sinuntok ko ang pader. Hindi ko maipaliwanag pero nakakaramdam ako ng kaba ngaun.

Pumunta nalang ako ng aking kotse at pinaharurot to sa malapit na bar dito.

Gusto kong mapagisa,gusto kong magisip.

Chloe's POV

Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagamin ni Van kay Vanna. Hindi ko lubos maisip na magkakagusto si Rem at Van kay Vanna. Hindi ko ipagkakailang hindi mahirap mahalin ang aking kaibigan. Pero paano ako? Nagkakagusto narin ako kay Van. Tsk bahala na.

Pumunta ako sa kwarto ni Vanna para kausapin siya. Oh para tignan kung okay lang siya.

"Vanna ayos ka lang ba?" Tanong ko. Pagkapasok ko ay nakita ko siya sa may bintana at parang malalim ang iniisip.

Hindi niya ako sinagot. Baka dahil sa iniisip niya. Nilapitan ko siya at saka tinanong uli.

"Vanna.." hawak ko sa balikat niya. Bigla siyang napatingin sakin ng gulat "ayos ka lang ba?"

"A-ah o-Oo,Oo may iniisip lang"wala sa sariling sagot niya

"Wag mo ng isipin yun. Magpahinga ka na. Matulog na tayo" sabi ko sa kanya at iginaya papunta sa kama

"Ok.matulog ka na rin" sabi niya ng makahiga na kami sa sari-sariling kama.

Sana ay maging ok na ang lahat bukas.

***************************

Sorry po sa Lame update. Blanko po kasi si Author ngaun. sisikapin ko pong magupdate ng mahaba sa inyo sa susunod na update. Promise po.

Umamin na po si Van kay Vanna..totoo bang nagugustuhan narin ni Vanna si Van. Abangan sa next update.

Plss like Vote and comment

Kamsahamnida Readers and silent Readers to ツ

Miss_Emoji

Just One Day [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon