20

7 1 0
                                    

Vanna's POV

Bumaba na ako para tignan si Van.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at mataman na naghihintay. Nang mapansin niyang nakababa na ako ay bigla siyang napatayo at binati ako.

"Hi.." nakangiting aniya

Tinanguan ko lang siya at saka ngumiti pabalik.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya at saka naupo sa katabi niyang sofa.

"Yayayain sana kitang magcoffee, may bagong bukas kasi don malapit sa condo ko. Kung ayos lang sayo?"

"Ayos lang...Ngaun na ba?...teka magpapalit muna ako ng damit" ani ko at saka nagmamadaling umakyat sa taas para magbihis.

~coffee shop~

"Anong gusto mong kainin?"tanong niya habang nakatingin sa menu

"Chocolate cake at isang Frappe lang" nakangiti kong sabi sa kanya

"Dalawang frappe,isang chocolate cake at isang cheese cake "sabi niya sa waiter

"Two frappe, one chocolate cake and one cheese cake coming up...wait for it nalang sir ma'am, welcome po sa Emoji's Cafe" nakangiting saad ng waiter.

Habang hinihintay ang order namin ay walang nagtatakang magsalita samin. Dahil narin siguro sa ngaun lang uli kami nagkita matapos ang nakaraang dalawang linggo.

"Uhhm... so.. how's your day these past few weeks?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

Hindi ko inaasahan na yan ang itatanong niya, dahil siguro sa wala na siyang maisip na topic.

"Ganon parin...still confused" nakatungong sambit ko

Habang naguusap kami ay biglang dumating ang order namin.

"Here's your order ma'am,sir"

"Thanks"-Van

Kumain lang kami ng tahimik. Pagkatapos naming kumain ay nagaya siyang pumunta sa park.

Pagpunta namin sa park ay may nakita kaming mga batang masayang naglalaro. Mga nagkalat na vendors ng street food at mga masasayang couples.

Inaya ako ni Van na bumili ng fishball.

"Kuya dalawang 10 nga po"sabi ni Van kay kuya vendor ng fishball.

Pagkatapos naming bumili ni Van ng fishball ay naghanap na kami ng u-upuan. May nakita kaming isang bench na bakante.

Habang kumakain kami may nakita kaming mga batang masayang naghahabulan.

Bigla akong natahimik at napatigil sa pagkain.

"Anong problema Vanna" tanong ni Van

Nahalata na niya ata ako.

"Wala naalala ko lang yung mga ginagawa namin nila Chloe nung bata pa kami."

Tinanguan niya lang ako at saka nagpatuloy sa pagkain.
Naisip ko nanaman siya. Siguro kung nandito lang siya ganyan parin kaya yung ginagawa namin.

Bigla akong napabalik sa reyalidad ng magsalita si Van.

"Nakikinig ka ba?"-Van

"Ha? Ano yun..may sinasabi ka ba"

Natawa siya ng mahina."Sabi ko kung gusto mong kumain ng ice cream?"-Van

"Ah..sige"tapos tumayo na siya para bumili ng ice cream

Habang hinihintay ko si Van,tumingin muna ako sa mga batang naglalaro. Sa panonood ko sa mga bata hindi ko namalayan na nandyan na pala si Van.

"Oh...strawberry ice cream for my princess" nakangiting sabi niya

Natigilan ako sa sinabi niya.
'Strawberry ice cream...my princess'

~flashback~

Masaya kaming naglalaro nila Isaac at Chloe sa malapit na park dito sa bahay namin.

"Tara Vanna bili tayo ng ice cream"Masayang pag yayaya ni Chloe sa akin

"Kayo nalang ni Isaac masakit paa ko" sabi ko. Habang tumatakbo kasi ako kanina may natapakan akong bato kaya natapilok ako.

"Tara 'saac bili tayo"-Chloe

Hindi na nagsalita si Isaac at tumayo na para samahang bumili si Chloe.

Habang hinintay ko sila Chloe at Isaac may nakita akong kamay na may hawak na ice cream. Tumingin ako sa gilid ko para tignan kong sino yung nagbigay, pagkakita ko si Isaac pala tapos nakangiti.

"Strawberry ice cream for my princess." Nakangiti niyang sabi.

~end~

"Bakit?...may problema ba?..ayaw mo ba ng strawberry? Gusto mo palitan ko?." Sabi ni Van

"Ah hindi..hindi may naalala lang ako. Sorry."

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko na rin siyang umuwi. Pagkauwi ko ng bahay ay sumalampak na agad ako sa kama at saka natulog,nakakapagod tong araw nato.

***************************

Annyeong Minna eto na po ang last na update ko then ipapatupad ko na ang ginawa kong rule.

Rules:

* i need some atleast 10 to 20 votes para sa next update

*i need some comments para sa thousand words.

Yun lang po ang rule ko...madali lang po diba?.
So yun nga po...

Ginawa ko po itong rule nato kasi feeling ko wala akong mga readers...sayang naman po kung update ako ng update pero parang wala namang nagbabasa...

Sorry po kailangan ko lang po talagang gawin to...

Kamsa readers 😘

     Your author:Miss_Emoji

Just One Day [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon