XVI

5 1 0
                                    

Vanna's POV

Tapos na ang natitirang bakasyon namin sa beach na pagmamayari namin. Mula nang mangyari ang hindi namin inaasahang kaganapan ay naging ilag na ako kay Van, hindi ko na siya masyadong pinapansin kahit na minsan pumupunta sila ni Rem sa bahay.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya iniiwasan. Siguro dahil nangako ako sa kababata ko dati na hihintayi n ko siya at siya lang ang aking magiging unang boyfriend O dahil meron na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya,na nahuhulog na ang loob ko sa kanya at iniisip ko na kapag lumala itong nararamdaman ko ay baka hindi ko na matupad ang pangako ko sa aking kababatang lalaki.

Bukas na ang unang araw ng pasukan pero hindi ko alintana yun dahil ang utak ko ay nakatoon sa malalim na pagi-isip. Dahil sa malalim ang aking iniiaip ay hindi ko na napansing nasa pinto na pala si mama at tinatawag na ako para kumain.

"Anak bumaba ka na kakain na tayo"anas ni mommy na ikinabalik ko sa ulirat.

"A-ah sige po mommy bababa na rin po ako mamaya, aayusin ko lang po ang mga gamit ko para bukas."

"Osige bilisan mo na at may sasabihin ang daddy mo sayo mamaya"

"Ok po."

Inayos ko na ang mga gamit ko na gagamitin sa iskwelahan bukas at saka na bumaba para kumain.

Tahimik lang kaming lahat na kumakain,nasa malayo nanaman ang aking utak habang kumakain. Maraming tumatakbo sa aking isip tulad ng kung magkikita ba kami bukas o kung makakasalubong ko ba siya sa campus bukas.

"Anak nakikinig ka ba?" Anas ni daddy na nagpabalik sakin sa katinuan.

"Ah ano po ulit ang inyong sinasabi daddy?" Nagkakanda litolito kong sagot kay daddy

"Ang sabi ko ay kung kamusta ang naging bakasyon ninyo sa lugar natin?"kunot noong sabi ni daddy "may problema ka ba anak?"

"Wala po..uhm ayos naman po wala naman pong naging problema"

"Ok. Meron nga pala akong biniling kotse para magamit mo sa pagpasok"nakangiting saad ni daddy habang tuloy parin sa pagkain

Gulat akong napatingin kay daddy.

"Talaga po!?"

"Oo"nakangiting sabi ni daddy "tignan mo nalang bukas"

"Salamat po daddy" sabi ko at saka lumapit sa kanya para halikan siya sa pisnge

"Oh sige na tapuain mo na ang kinakain mo at magpahinga ka na"

Pagkatapos kumain ay dumiretso muna ako sa veranda para magpahangin.
Napakaraming bituin. Naalala ko noon na nasa hardin kami ni kuya,iyong kababata ko para mag star gazing.

'Flsahback'

Nandito kami ngaun ni kuya sa garden para magstar gazing.

Tumingin ako sa langit at nakita ko ang mga magagandang bituin na kumikinang.

"Ang ganda kuya" namamahang anas ko kay kuya ng maka kita ako ng napakalaking bituin na ubod ng kinang.

"Ganito ang ginagawa ko tuwing wala akong magawa sa bahay, pumupunta ako sa tree house tsaka ako tumitingin ng mga bituin" nakangiting nakatingin si kuya sa mga bituin habang sinasabi niya saakin ang ginagawa niya kapag siya ay nabuburyo

Napangiti ako dahil nakikita ko na napakasaya niya.

"Balang araw gusto kong ibigay sayo ang pinaka makinang na bituin na nakikita mo" nakangiti si kuya habang nakatingin na sakin

"Talaga!?" Manghang manghang sagot ko

Ngumiti lang siya at tumango.

"Yehey!" Tuwang tuwang sagot ko sabay ng pagyakap ko sa kanya.

'End of flashback'

Napangiti na lamang ako sa aking naalala. Kailan ko kaya uli makikita si kuya?

Pumasok nanaman sa aking isip si Van. Naging blanko saglit ang utak saka napagdisidyunang hahayaan ko nalang muna siya.

Pagkatapos kong magpahangin ay bumalik na ako sa kwarto ko at saka natulog.

*******✖✖✖✖✖✖✖*******
Sorry po sa super late update. So ito na po ang pang 16 na update sana po nagustuhan niyo.

Aasahan ko po ang mga vote and comment niyo. Wag po kayong mahihiyang magcomment,friendly naman po ako. Give me your side and opinions.

Maguupdate po ako kung hindi topakin ang cellphone ko hehe.

~Miss_Emoji~

Just One Day [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon