Bagong lipat lang kami dito sa Camp 7 dito sa Baguio. Alam nyo na pag Baguio well known sa mga multo multo na yan. Madalas kapag nagkukuentuhan ng kakatakutan ang mga kasamahan ko sa trabaho ay ginagawa ko lang katatawanan, ang tanging sinasabi ko nalang "lakas ng katok mo sa utak eh" Sa sinumang nagkukuento na ang tanging dahilang naiisip ko ay manakot at magpalipas oras. Eh sino ba naman hindi magbibigay ng atensyon, paano ba naman perfect scenerie ang location namin para sa mga ganitong usapan, Baguio, malamig, mahamog, mapuno. Alam ko kasi na ang goal ng mga 4 kong katrabaho ay takutin ako dahil sa gabi ay mag-isa lang ako sa bahay.Nagtatrabaho ako bilang isa sa mga staff ng human resourcess sa isang call center, pang umaga ako nakaduty at lahat ng kaibigan ko na apat na kasama ko sa bahay ay panggabi at ako lang talaga ang naiiwan sa bahay na tinutuluyan namin pagsapit ng alas diyes ng gabi.
Isang gabi nagising ako dahil sa isang ingay. Sa pagitan ng alas dos at alas tres. Naalimpungatan ako sa malakas na katok ang bumabasag sa katahimikan ng aking kwarto. Hindi galing sa pinto ng kwarto kundi sa katabing bintana ng aking hinihigaan. Ayokong matakot at hindi ko ineentertain dahil iniisip kong may nantitrip lang at mapapagod din kung sino man sa mga hudas kong katrabaho ang nananakot. Pagkatapos nga ng alas tres ay wala na ang katok at inisip ko na may nagbreak sa isa sa mga katrabaho ko at nag-effort bumiyahe ng 15 minutes para mambwisit sa pagtulog ko.
Dumating ang umaga at papasok na ako sa trabaho ay sya naman dating ng mga kasamahan ko at sinita ko pa.
" Mga gago rin kayo eh, di kayo uubra mananakot pa kayo at may pakatok katok pa kayo sa bintana. Effort kung effort ha." Nagtaka ang mga kasamahan ko at sinabing
" Tol adik ka ba bat gagawin namin yun 1 hour break lang kami at more than 15 mins ang biyahe at another 15 mins pabalik. Atsaka sumilip ka nga sa bintana mo, bangin na makikita mo at puro mga puno na sa ibaba. " tumakbo ako sa kuarto kung saan nagmula yung naririnig kong katok at doon lamang ako sumilip sa bintana at bangin nga at puro puno naang makikita ko sa ibaba. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kinumbinsi kong sarili kong gumamit sila ng kawayan na pangkatok. Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Ang tanging nasabi ko nalang ay
" lintek kalokohan nyo!" Umalis na akong patungo ng trabaho at napaisip kung ano ang totoo.Sumunod na gabi, nalimpungatan ako sa malakas na pagkatok mula sa bintana sa kuarto ko at may kasamang kaluskos na. Tiningnan ko ang oras... Alas Dos na naman. Nilukuban na ako ng takot hindi na simpleng katok naririnig ko parang may nagkakalmot na sa salaming bintana at hindi ko maigalaw na lumingon sa bintana na hindi ko naibaba ang kurtina sa sobrang pagod. Alam ko ang naririnig ko mga katok at kalmot na tunog ng salamin ng bintana. Sobrang takot ako ng unang nangyari hindi lamang pagkatok sa bintana ko kundi ang nililikhang ingay na kalmot sa salaming bintana. Halos hindi ako nakatulog sa mga oras na iyon. Hindi ako gumagalaw sa kinahihigaan ko. Lumipas ang limang minuto tumigil ang pagkalmot sa salaming bintana at tanging pagkatok na lang ang naririnig ko. Katok lang sya ng katok. Hindi ko kayang isipin pang ibaba ang kurtina sa salamin o isiping pagbuksan at silipin kung ano man ang lumilikha ng ingay dahil sa takot at kaba. Pinilit kong maging matapang at sinabi sa sarili kong mapapagod ka din. Tumahimik. Nakiramdam ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Alas tres na ng tumigil ito. Isang oras din pala akong hindi natinag sa posisyon ng pagkakahiga ko. Saka lamang ako natulog ng nasiguro kong wala ng ingay.
Kinaumagahan hindi na ako nag-abalang magtanong sa mga kasamahan ko at sinarili na lamang.Ikatlong gabi... Alas sais pagkagaling ko sa trabaho at habang may mga kasama pa ako, matapang kong tinungo ang binatana at nagkunwaring nagpahangin. Bago umalis ang kaibigan ko papasok ay sinigurado kong naka lock ang bintana at nakababa ang kurtina nito. Upang hindi matakot at mawala ang nararamdaman kong takot noong napag-isa ako bandang alas nuwebe ng gabi ay binuksan ko ang t.v. habang nagfe-facebook. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan....
Nagising ako sa pagkakatulog ko ng makarinig ako ng isang kalabog mula sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang orasan sa aking cellphone at saktong alas dos na ng madaling araw, nilingon ko ang t.v. at puro static na lamang ang nakikita ko. Akmang babangon ako para ioff ang t.v. bigla na lamang namatay ng kusa kasabay mismo ng pagkatok sa labas ng bintana ko. Ang bilis kong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Paulit ulit ang katok, yung tipong hindi nagsasawa yung gumagawa ng katok sa labas kung sino o ano man yun. Inisip ko nalang mapapagod din ito sa effort na ginagawa niya. Tumahik na sa labas.. tumayo ako at humakbang patungo sa bintana. Unang hakbang parang ang bigat ng mga paa ko, samantalang kung tutuusin ay dalawa o tatlong hakbang lamang iyon sa aking kama. Hindi na ako nag effort dahil ramdam ko pa rin kabog ng dibdib ko, dinampot ko ang cellphone.. tiningnan ang oras.. sakto alas tres ng madaling araw. Pareho ang pattern.. nagsisimula ng alas dos at natatapos ng alas tres. Nakatulugan ko ang pag-iisip ng theorya ko. At gusto ko itong subukan sa mga susunod pang gabi. Lintek lang walang ganti.
BINABASA MO ANG
Katok
HorrorSanay na nga ba akong mag-isa? Gaano nga ba ako katapang? Madalas kong naririnig ang katok sa labas ng bintana, hindi ko ito pinapansin dahil ayokong takutin ang aking sarili... Hanggang sa... This is a collection of my wildest imagination. En...