Isang tahimik na hapon at wala akong magawa at nagbabrowse lang sa facebook. Biglang nagpop-up yung messenger ko.
Hi!
Tininingnan ko, walang lumabas na pangalan. At nagpatuloy akong magbrowse ng mga post na lumabas sa wall ko.
Alam ko ginagawa mo ngayon.
Seen mode ko. Never akong nag-eentertain ng unknown person eh.
Hmmm. Seen mode?
Ignore ko parin.
Ganito nalang alam ko naman nababasa mo ito. In three minutes kakatok ang mama at daddy at magpapaalam na umalis sayo at suot ng mommy mo yung floral dress na red gumamela ang print.
Natawa ako sa pagkadesperado ng nagmessage makakuha lang ng atensyon. Malabong aalis pa sina mama at daddy dahil mag aalas diyes na at isang malaking himala nalang kapag sinuot ni Mama yung damit eh matagal ng psmahon kong hindi nakikita yun eh... mga 4 years.. at knowing mama na fashionable, hindi nya na isusuot yun dahil napag-iwanan na ng panahon ang istilo.
You wish! Desperado ka rin no!? reply ko sa messenger.
Pustahan tayo!
Sure kahit buhay ko pa ang kapalit! patol ko sa kausap ko.
Be careful what you wish for! Let the game begin.
Whats in it for me kapag nanalo ako? tanong ko.
I'm not gonna bother you anymore.
Deal! sagot ko
Nanahimik ang gagong ka chat ko. 2 minutes wala pang kumakatok kaya nagpatuloy ako sa pagbrowse habang sinisilip yung pagitan ng pinto kung magliliwanag. Ussually kasi kapag kakatok si Mama bubuksan yung ilaw sa labas ng kuarto.
Napangiti ako ng tiningnan ko yung relo ko at 15 seconds na lang at panalo na ko.
Loser Dont bother me again ok. messege ko sa kanya
May 5 second pa.
Lakas din ng kumpiyanse eh. Natatawa ako na nakatimgin sa pinto ng kuarto ko. 3 sec. Wala pa rin. 2 sec panalo na ako.
CLICK! para akong nabingi ng marinig ko yung tunog ng pagswitch ng ilaw at lumiwanag yung labas ng kuarto ko.
Oh Shit! Sakto sa oras ah.
Tok! Tok! Tok!
"Anak buksan mo pinto. " boses ni daddy.
This time kinabahan na akong biglang at napaisit kung ano yung ka chat ko. At nananalangin na hindi nakafloral ang mama ko at hindi sila aalis.
Magmadali akong tumakbo sa pinto.
Punyeta! Daig ko pang binuhusan ng isang bucket ng may yelo ng makita kong suot ni Mama yung floral dress."Ma!!? San mo nahukay yung damit mong yan." Tanong ko.
"Ah ito ba? Sa taas ng closet, hinanap ko kadi pupunta kami ng Batanes at hawaiian theme ng mga friends namin, kaya sinuot ko na."
"Aalis kayo??" Takang taka ako kasi hindi naman nila ugaling up to the last minute ay ipapaalam ang lakad nila.
"Oo eh. Biglaan....." hindi ko ma narinig yung ibang sinasabi ni daddy kasi parang may naririnig akong bumubulong na..
"I won." "I won." " I won a bet."
BINABASA MO ANG
Katok
HorrorSanay na nga ba akong mag-isa? Gaano nga ba ako katapang? Madalas kong naririnig ang katok sa labas ng bintana, hindi ko ito pinapansin dahil ayokong takutin ang aking sarili... Hanggang sa... This is a collection of my wildest imagination. En...