Para po!

65 1 1
                                    

Isa ito sa mga karanasan hindi ko malilimutan sa buhay. Boring ang buhay ko. Sa araw araw ay yun at yun ang routine ng buhay ko. Papasok sa trabaho sa isang travel agency sa Taft after ng shift makikipagduelo sa sobra at nakakairitang traffic pabalik ng aming bahay sa Bagong Silang, Caloocan. Nakakasawa na ang ganoong routine sa loob ba naman ng 2 taon eh at feeling ko hindi ako naggogrow as an individual eh. Kaya nagbalak na akong magfile ng resignation.  Hindi na ito lingid sa tatlong kaibigan ko.

Biyernes ng alas singko sinabi ko na ang plano ko at magpa- file na ako ng resignation sa lunes. Nag-aya si Mel at Annie na sumamang lumabas dahil hindi na raw mababago ang isip ko. So eto na nga... kumain kami sa isang restaurant, nagtanong si Mel kung anong makakapagbago ng isip ko to stay at ang tanging nasabi ko ay wala. Kulitan kaming tatlo st kung ano ano pang usapan. Ang aming simpleng food hang-out ay nauwi sa pag-order ng isang bucket ng beer.
Sunday and last day ko na sa outlet ko, so super bonding kaming magkakaibigan. Nalulungkot sila na aalis na ako. Tinanong akong muli ni Annie kung ano ang makakapagbago ng isip ko para di ko silang iwang dalawa. Dshil nakukulitan na ako sa kanilang dalawa ang tanging nasagot ko ay "kapag bonggang bonggang may magaganap sa akin bago ako makauwi."
" like what?" Ang tanong ni Mel sa akin. Dahil nakukulitan nako, wala sa loob kong sinabing " yung bonggang bonggang pangyayaring ikakabaliw ko."

Ang gaga kong kaibigang si Annie inihapan ba naman ako ng polbos sa mukha at sabay sabing " wish granted!"
Sarap lang sampalin eh, kinusot ko lang ng bahagya ang mga mata ko.

Si Mel naman narinig kong nagsalitang pareklamo at nag sadface pa. " nyemas yan, iiwan mo lang talaga kami."

"Pang-award winning ang arte mo Mel ah." Ang nasabi ko at nagtawanan kaming tatlo.

Naka 2 bucket of beer kami sa kakulitan nila at dahil weekend yoko muna matrapic. Past 1 a.m. na kame natapos. Nagsiuwian na kame at dahil sa pagkahilo ko, imbis na kanan Phase 5/Phase 1 sakyan ko, nasakyan ko is kaliwa Phase 9/Phase 10.
Di ko na napansin yung karatula nung jeep na pinara ko . Hilo na ang lola nyo. Pagkatapos, After twenty years ng paalaman  and besohan. Nakasakay narin ko. Konti lang pasahero sa jeep na nasakyan ko. Sa bandang unahan si mamang driver, sa bahaging kaliwa ay yung dalawang magjowa na kala mo sila lang ang tao sa jeep na kung makapaglambutsingan ay wagas, sa bandang kanang malapit sa gitna naman ay isang nursing student at naman ay sa dulong kanan.
Ayun na... binaybay namin ang kahabaan nang Camarin. Nakarating na kami sa may boundary na naghahati sa Phase 5 kanan and Phase 9 kaliwa. Medyo natauhan ako, kasi dun ko lang nalaman na mali nasakyan ko, so pakaliwa na kami sa may mental hospital katabi ng police station. Ang nakakapag taka lang is halos lahat ng poste ng ilaw rito sa bagong silang meron, maliban lang dito sa may bandang mental hospital. Pababa na kami dahil parang bundok style yung kalsada at higit sa lahat sobrang dilim. Tanging ang ilaw lang ng jeep namin ang liwanag nun sa kalsadang aming binabaybay, bukod sa mapuno, sobrang liblib at tahimik ng daan, yung tipong kapag dumadaan ka ay feeling pauwi ng probinsya.

And the unexpected happened....

Sa dulo ng mental hospital, sa gilid na bahagi nito ay may pumapara, matangkad na kalbo. Ang pagkakaaninag ko ay lalaki pero matatanaw mong naka-damit sya na puti. Pumapara at mabilis ang pagkaway, naaninag ko. Pero imbis na ihinto nung driver Iniharurot nya ang sasakyan, halos lahat kami muntik nang bumaliktad! Nakakaloka ang bilis ni Manong driver pang formula 1 ang bilis eh, kaya yung atensyon namin na inis sa lovers ay napunta ke Manong driver.

Nagsalita ako para makuha atensyon ni Manong driver "Kuya! May sasakay po! Kaloka ka!"

"Manong may pumapara po, Bakit di nyo pinasakay?!" Nagtatakang sabi ni Loverboy.

Di umiimik si Manong Driver at lalo pang pinabilis pa rin ng pagpapatakbo nya ng kanyang jeep.
"Kuya hindi kami nag-aapura, hindi kami pabiyaheng langit, nalagpasan mo na yung pumapara eh." Sabi ng nurse. Nakalagpas na kami sa lalaking kalbong yun.

"PUNYETA HUMAHABOL SYA MANONG!" sigaw ng nurse, so nakuha ang atensyon namin lahat at lumingon sa likod.

Halos mapabalikwas ako pagkatingin sa likod, yung kaninang pumapara at nilagpasan na namin ay humahabol sa jeep! Pucha! Mas mabilis pa sya kay Usain Bolt! As in kung isasali lang ng Pilipinas sa Olympic, naka Gold Medal na tayo. Lalong pinabilis ni manong ang pagdrive pero mas bumilis din yung lalaking nakaputing dress. Pucha grabe bilis maabutan na kami, sa takot namin mga pasahero ay dumikit kami sa unahan bahagi ng jeepney. Ewan ko ba namin that time kung bakit parang na mamagnet kami na tumungin sa hulihang bahagi ng jeep. Naghiyawan kami kasi halos maabutan na kami at inangat na ng lalaking nakaputi yung kamay nya, as in kitang kita namin yung laylayan ng dress nya sa bahaging kamay, hindi ko makita ang ulo kasi madilim... Lahat ng santo natawag ko na sa takot. Yung babaeng hitad na nakikipaglaplapan sa jowa nya narinig ko sumigaw "MANONG DALIIIII!"
At mas lalo pang dumagdag yung tensyon nang nahawakan nya na yung dulo ng jeep! Humahalakhak  sya at sumisigaw nang "Pasakay! Pasakay!" yung boses nya ay parang nasa loob ng drum. Punyemas! Kulang nalang malaglag puso ko sa takot! Leche hindi ito ang hiniling ko at any moment mamatay ako. Nagtitilian, nagsisigawan na kaming lahat nang biglang ipreno ni manong yung jeep. Natumba kami...

BLAG!

At ang nakakakilabot ay wala sa loob o labas ng jeep yung kalbo. Alam namin ang kalabog na narinig namin.
Nasan sya?! Natataranta na kaming lahat. Nawala pagkalasing ko naiiyak na ko! Gusto ko na talaga umuwi at sasampalin ko yung nagsaboy ng polbos sa mukha ko! Saglit pang katahimikan ang naganap. Lahat kami nagpapakiramdaman. Nang may isang malakas na tawa at sigaw ang narinig namin. "MAKIKIANGKAS LANG!"  Sige kaming lingon ng lingon kung san nanggagsling yung boses. Kumatok sa kanan bahagi sa likuran. Ay leche sobrang nagsiksikan kami lahat. At si Manong driver ambilis nagpatakbo ulit. This time feeling ko ang bagal magpatakbo ni manong driver, kasi yung Nurse sigaw ng sigaw at nagmumura narin na wala na bang ibibilis yan manong.
Kitang kita namin buong puersang tumalon yung lalaking nakaputi.

BLAG!

Jusko kumalabog sa bandang hulihan ng jeep namin.
"ANDYAN NA SYA!" sigaw ni loverboy na daig pa si Regine Velasquez sa pagbirit. Dumilat ako at ang bilis namin nagsilipatan sa harap ng jeep, as in mukha kaming tangang sardinas nagsiksikan ng maaninag namin kung san sya banda..

Gumagapang paunti unti patungo sa amin, nang makakaabot na sya sa bandang gitna tsaka ko nakita yung mukha nya, kalbo yung tao. Sobrang lalim ng mata nya halos wala na ng puti at ang itim ng bahagi ibaba, yung pagitan ng noo ay parang may butas ata na parang taga eh. SYet papalapit ng papalapit, gusto namin ipikit mata namin kaya lang may kung anong puersang hindi namin maipikit.  Nasa gitnang bahagi na sya ng jeep nakita ko parang may tumutulong tugo sa mukhs nya at para syang naglalaway. Dumidila dila sya na animo nakakita ng masarap na putahe. Napakahaba ng dila nya at sobrang putla. Nakatitig talaga ako, mahirap ng hindi makaiwas kapag ginalaw ang dila nya at ginawang pangkuha sa amin. Napansin ko dahil dalawang dipa nalang layo nya sa amin ay may sugat yung ulo nya na parang sinunog na ewan at mukhang naagnas.  Biglang nagpreno si Manong driver, dikit kaming lahat sa salamin ng jeep nya eh. At sure kami nasa bandang sandalan na ng jeep yun lalaking naagnas. Ngunit tiningnan ni loverboy...

Wala.

Pinaandar na ni manong yung jeep. Di pa rin naaalis samin yung takot at tensyon. Mabilis parin biyahe namin. Hanggang sa nakarating na kami sa Phase 9. Sa mga paradahan ng mga tricycle at jeep. Dun lahat kami nagsibabaan ng nanginginig sa takot. Di pa rin nagsisink-in sa utak ko lahat nang naganap, wala ako sa sarili dun ah.. Nag uusap usap sila, yung mga ibang driver, tambay at pati ibang pasahero. Sabi nung driver ng tricycle, "Napaglaruan na naman kayo? Dapat kase di kayo dumadaan dun bago mag alas tres eh." At base na rin sa mga sinabi nila. Pasyente raw ng mental hospital ang gustong makisabay sa amin. Mga namatay ng pasyente. Yung sugat nya sa ulo yun pala yung pag kinukuryente sila sa ulo. Yung dress na suot nya, ang hospital dress. At ang nakakakilabot pa dun. Babae pala siya, di sya lalaki. Kaya siya kalbo dahil pag mental patient ka raw kakalbuhin ka talaga. Nanlumo ako sa nangyari. Nakakaawa sila pero, sh*t! Nakakatakot din! Putspa! Konti nalang macoconfine na rin ako dun sa mental hospita. Nagspecial tricycle na ko pauwi. Kahit 40 makauwi lang! Pag-abot ko kay kuya ng bayad, Halos mapasigaw ako sa takot.
Kalbo yung tricycle driver... Ambilis magpatakbo.

KatokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon