Chapter 2: Live for the Future

0 0 0
                                    

Kris POV

Ilang araw na akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Iniisip kung tama ba yung desisyon kong palayain na siya. Oo, alam kong patay na siya, pero masakit pa din eh.

"Lady Kristine, handa na po ang hapunan" sabi ng maid habang kumakatok

"Im not going to eat." sagot ko.

Hayss. Pwede bang bumalik na lang sa dati? Hirap na hirap na ako. Sobrang sakit na. Kahit 1 year na ang nakalipas masakit pa din. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok. Kahapon pa din ako di kumakain. Anong ginagawa ko? Eto tinitingnan yung pictures namin. Ang saya ko dito grabe. Kitang kita ko sa mata ko. Namimiss ko na tong lalaking to. Kainis lang inunahan ako.

"Kris baby? Are you okay?" napaangat naman ako ng tingin dahil sa nagsalita. Si mom. Dahil sa sobrang busy ko di ko manlang namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

"O-ofcourse mom." sabi ko sabay flash ng pilit na ngiti.

"Baby, remember this ha. Hindi magugustuhan ni Van na makita kang nagkakaganyan ng dahil lang sa kanya. Please kristine, try to live again. Were still here, your family. Live for yourself baby. Hindi lang siya ang mundo mo. Look at yourself you look hopeless. Anak, kung talagang mahal mo siya, tatanggapin mong wala na siya. Kung talagang mahal mo siya papalayain mo na talaga siya. Di ba yun yung sinabe mo sa kanya na handa ka nang palayain siya? Why cant you just do that? Para sumaya ka na? Im not telling you to forget the past darling, im just telling to live for the future."

'Live for the future?' how? If my future was planned with him by my side?

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon