Kris POV
"Im glad anak at naisipan mong pumasok na ulit." sabi sakin ni mom habang nakangiti.
Andito kasi kami ngayon sa dining hall kumakain ng breakfast para makapasok na.
"Well, baka natauhan na siya mom" sinamaan ko naman ng tingin si kuya na nakauniform na din katulad ko.
"Psh. Narealize ko lang na andami ko ng absent at baka mahirapan akong makahabol."sabi ko na naiinis.
"Weh?" nangiinis na asar ni kuya. Kasura talaga tong ugok na to.
"Tama na yan, kumain na lang tayo." natatawang sabi ni dad.
Pagkatapos namin kumain nagpahatid agad kami ni kuya sa school. Santos International School. Hayss kaya ayaw kong pumasok eh pati school namin nagpapaalaala sakin ng memories niya. Hay Van ng iiwan ka kasi bigla eh.
"Im happy na ito ang naging desisyon mo" sabi ni kuya sakin na kasulukuyang naglalakad kasama ko. Magkatabi lang kasi ang room namin kaya hinahatid niya muna ako.
"Same here kuya, same here" sabi ko habang nakangiti. Kahit masakit kakayanin ko dahil alam ko na kung nakikita niya akong ganito di siya magiging masaya.
Matapos ang ilang minuto nakarating narin kami sa classroom ko kaya naman agad na nagpaalam na sakin si kuya. Pagkapasok ko pa lang agad na sumalubong sakin ang muhka ng bestfriend kong walang kasing daldal na si Ayah Treyson.
"BESTIEEEEEEE! NAMISS KITA OMEGASH!" hayss ang ingay parin.
"Yah i know sino ba naman hindi makakamiss sakin?" sagot ko naman.
"Dami mo pong alam." sabi niya sabay taray sakin. Aba kupal to.
"Tigilan mo nga yang pagtataray dukutin ko mata mo eh"
"Ay de jk lang bestiee. Hehe" tingnan mo di rin pala to uubra eh. Pero kahit ganito to mahal ko parin to. Maganda si ayah madami nga nagkakagusto dito eh. Mayaman din ang pamilya nila nakafocus kasi ang business nila sa resto. Mabait to, sobra. Siya lang kasi yung totoong kaibigan ko eh. Yung iba kasi gusto lang sumama sakin dahil sa kuya ko. Sikat kasi kuya ko dito maraming nagkakagusto. Yung iba sakin nag papatulong. Psh akala naman nila gusto ko sila para kay kuya. Hmp.
Napatigil ang pagiisip ko ng biglang pumasok yung teacher namin na may kasamang 2 lalaki.
"ayan na! Omegheyd! Ang wawafuuuu!"
"Wag ka nga sakin sila!"
"Sila na ata yung usap usapang transferees eh! Shet di ko inakalang ganyan ka wafuu!" transferees? Oh talaga? Ang wierd naman eh halos mangangalahati na yung pasukan ah?
"Pak sila mga ateng!"
"Im gonna die na huhu!"
"Okay class, sila nga pala yung bagong transferees dito. Please be nice to them okay?" sabi naman ng teacher.
"Okay go on, magpakilala na kayo." dugtong ng teacher ano nga pangalan nito? Blone? Blythe? Ay ewan, blonde na nga lang.
"Hi my name is Ace Cruz." sabi nung cute na guy sabay ngiti.
"Ang wafuu niya besh" napatingin naman ako kay ayah. At di nga ako nagkamali halos tuluan na siya ng laway habang nakatingin sa transferee. Well cute naman kasi talaga. Chinito, maputi, matangos, pinkish lips, maporma, matangkad pero di ko type. Si Van parin eh. Siya parin talaga.
"Hi my name is Chad Santos, please be nice to me:)" psh. Playboy.
"Okay you may now take your sits." sabi naman ng teaher namin.
Napansin ko namang papunta yung dalawang transferee sa upuan sa gitna. Andito kasi kami ni Ayah sa likod. Kaya nakita ko kung saan sila uupo.
"Ay sayang bestie. Akala ko dito sila uupo" sabi naman ni ayah kaya napairap na lang ako.
"Anyways, class magkakaroon tayo ng group project. By 4 itong group project na ito at bawat members magkakaroon ng assigned task. At dahil 20 kayo magkakaroon ng 5 groups okay?"
"Yes miss."
"Okay i'll group you now.
Group 1-Dizon, Abaka, Ramos, Dela Cruz
Group 2-Cruz, Santos, Gomez, Alman
Group 3- Sheno, Delos Santos, Ramyos, Molas
Group 4- Yap, Frenge, Hammer, Jack
Group 5- Pam, Treyson, Wan, Brent
Okay, you may now go to your groupmates"
"Uy best, magkagroupmates tayo hihi" napangiti na lang ako dahil sa sinabe niya. Alam kasi ng teacher nangyayari pagdi kami magkagrupo ni Ayah. Di kasi kami nakikinig kapag di kami magkagrupo.
"Uy Kristine, Ayah group 5 kayo diba?" tanong naman samin ni Ishie, classmate namin mabait to sobra. Kasama niya pala si Vienn.
"Yup, kayo din?" tanong naman ni Ayah
"Oo haha" sagot naman ni Vienn
"Okay Class ang gagawin niyo sa project na to ay kailangan niyong makagawa ng kanta. Big task to. Sa dadating na saturday magkakaroon tayo ng mini concert for the poor. Charity concert to. Ang gagawin niyo lang is kantahin ang mga kinompose niyo na kanta. Any questions?"
"Mam parang ang bilis ng deadline?" tanong naman ni Vlad kaklase namin
"I know kaya nga ngayon ko to binigay eh, monday. Goodluck guys i know you can do it. Class dismissed." sabi ni miss blonde
"Pano na to?" sabi naman ni ishie
"Ahah! Alam ko na kung sino ang gagawa ng kanta!" sabi naman ni ayah kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Oh no. I have a bad feeling about this.
"sino?" tanong naman ni vienn
"Si Kris, kung di niyo natatanong magaling gumawa ng kanta yan at magaling pang kumanta. Kaya naman Problem solved na tayo!"
"Ayun buti naman thank you kris ha! Sige ikaw kakanta at siyempre magcocompose, si Ayah magigitara, si vienn magpiapiano, at ako magdradrums" sabi ni ishie. Sasagot pasana ako kaso nagpaalam na sila
"Ah s-sige bestie...uhmmm may babasahin pa pala akosa library. Hehe bye!" sabi ni Ayah sabay takbo palabas.
AISHHHH! PANO NA TO?
BINABASA MO ANG
One Sided Love
Dla nastolatków"This is a story of a brave girl who lost her first love and was never been loved by her true love..." She was hurt and been hurt and will always be hurt but yet she managed to stay brave as she believe that true love is always worth it. Do you want...