Chapter 10: Heart beats fast

68 2 2
                                    

Chapter 10

Cyril's POV

"tinawagan mo na ba?" mom asked

"i already did" -____- sagot ko naman

"call her bestfriend"

"huh? i don't know her bestfriend's number. di ko nga kilala kung sino yun eh" -___-

nakakainis lang. bakit ba saken nila pinapatawag yung babaeng yun? porket ba naka-fixed--- hay ewan.

"here, use my phone." sabi nung mama nya "her name's Lanie"

kinuha ko yung inabot na phone. hinanap ko yung Lanie sa contacts saka tinawagan.

*riiing. riiiing.. riiing*

"hello tita?"

hala. ano nang sasabihin ko??? teka teka.

"uhm, Lanie right? si Cyril toh"

"Cyril? yung lalaking nakakabadtrip?!"

great. nakakabadtrip daw. anong ginawa ko ? -____-

"ehem. kasama mo ba si Nikki?"

"si Ysha?? at bakit mo sya hinahanap ngayon ha?! babadtripin mo ulit sya??"

"teka nga. gamit ko yung phone ng mama nya. wag ka ngang OA"

"ah. sorry naman."

mga babae talaga, maingay.

"so? kasama mo nga sya?"

"hinde. bakit pala--"

"alam mo kung nasan madalas pumunta?"

"andito ako ngayon sa madalas naming pagtambayan kaya di ko alam kung san sya pwedeng pumunta. bakit nga--"

"ok sige, salamat"

*toot toot toot*

mag-iinterogate lang yun kung di ko pa binabaan.

pinuntahan ko sa kitchen sina Mom and Dad tsaka sina Tita at Tito. 

"di rin daw po alam nung bestfriend nya kung nasan sya." binigay ko yung phone kay Tita.

"Hay naku! Nikki! asan ka na bang bata ka??" sabi nung Papa nya

san ba kase pumunta yung babaeng yun?

kaninang umaga, nung pumasok ako sa restaurant pagkatapos ko syang sabihan na ang pangit ng acting nya, di na sya pumasok ulit. lumabas pa nga ulit ako, baka andun sya kaso wala na.

kasalanan ko ba?

-___-

tsk. ayan. kame tuloy nahihirapan sa paghagilap sa kanya.

bat kase di nya dinala yung phone nya? diba dapat ganun ang mga babae, di kinakalimutan ang phone kahit san magpunta? yung ultimo sa cr lang ng bahay, dadalhin pa?? -_____-

babae ba yun? 

eh umaakyat nga ng puno nang nakapalda. babae ba tawag dun? -______-"

"Hanapin mo kaya Cyril?sabi ni Mom

"Mom? di ko pa nga alam pasikot-sikot dito eh" -____-

oo wala akong idea. kakauwi ko lang kaya ng Pinas. tsk.

"Please anak, baka kung anong mangyari sa future wife mo"

O___O

"MOM!" -_______-"

yung nanay ko talaga! ang hilig mang-asar! tanda-tanda na eh. feeling bagets. tss. 

"hehe. hanapin mo na kase. may sense of direction ka naman. kaya mo yan :D"

inuuto ba ko neto ni mommy? 

pero.

sige na nga. para makapaglibot na din.

lumabas na ko ng bahay nila at nagsimulang maglakad-lakad.

mayaman nga talaga sina Nikkipang mayaman yung subdivision nila. puro malalaki ang bahay. ganito din naman sa States. pero wala lang. natuwa lang ako. di naman kase halata kay Nikki na mayaman sila. kilos normal lang kase. walang arte sa katawan. siga nga yun eh.

Nalagpasan ko na yung restaurant na pinuntahan namin kanina. malapit na ko sa. anu yun? park ata?

tsk. ang init. hindi ako sanay. di naman kase ako pala-gala.

malawak yung park. medyo konti lang yung tao. tirik ba naman yung araw eh. pero may nagbebenta ng ice cream. pampawi siguro sa init. 

umupo muna ko sa isang bench na nasa silong ng puno.

"tama. Niquisha Marie Villafuerte. nice to meet you too."

O____O

teka. si Nikki ba yun? buong pangalan nya yun ah.

sinubukan kong pakinggan kung may magsasalita ulit kaso wala na kong narinig. kung di ako nagkakamali, sa kabilang side ng puno galing yung boses.

sumilip naman ako.

ayun. nakita ko si Nikki na nakaupo sa bench at may lalakeng nakatayo in front of her. the guy is smiling at Nikki. They were shaking hands probably kase hawak nung guy yung kamay ni Nikki.

suddenly..

what the.

dug-dug. dug-dug.

ano naman tong nararamdaman ko?

ang bilis ng heartbeat ko.

hindi kaya dahil sa init?

because i'm not used to this?

siguro nga. makalabas na nga dito. matunaw pa si Nikki kakatitig nung lalake. tch

i stepped to the side and the guy looked at me.

binitawan naman nung lalake yung kamay ni Nikki.

good.

"Do i know you?" the guy said nang nakangiti.

-_____-

nang aasar ata tong mokong na toh eh.

Lumingon naman si Nikki at nakita nya ko. Nagulat pa nung makita ako. Pero maya-maya sumimangot sya na parang nabadtrip na ewan.

 pero teka lang.

namumula ba sya dahil sa init?

------------------------------------------------------------------------------

Ayun nakapag-update na din. :) andameng naka-stock sa utak ko. kaso nakakatamad mag type x) haha.

By the way, nakaka-LSS yung A thousand Years  =') dibaaaaa?? (video at the side)

til next chapter :))

--mahalkosimusika^^

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon