CHAPTER ONE

93 1 1
                                    

Nakaramdam ng kaba si Selena nang mapansing tila paliit ang kalsadang tinatahak niya. Ganito ba kaliblib ang San martin?

Napakakapal ng maiitim na ulap sa kalangitan na tila nagbabadya ng malakas na ulan.

Alas cuatro na ng hapon kaya hindi imposibleng gabihin siya sa daan.Ang sabi ng napagtanungan niyang lalaki kanina,kapag nakita niya ang malaking puno ng balete sa unahan ay kumaliwa raw siya ng kilabot nang tingalain niya ang punong iyon.

Bukod sa hindi sementado o aspaltado at kalsada at matataas ang mga damo sa paligid,tila wala rin siyang nasasalubong na ibang motorista.

Pinihit niya ang centralized lock button ang kanyang honda civic.Siniguro niyang nakalock lahat ng pinto. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari.Wala talagang katau-tao sa lugar na iyon.

Napakamot siya sa ulo nang makitang ilog na ang tinutumbok niya. "Pusa!" Bulalas niya nang makitang walang tulay ang may kalawakang ilog na iyon.Paano ko matatawid ito? Natapik niya nang malakas ang manibela dahil sa inis,pero siya na rin ang nagulat ng biglang tumunog ang busina. "Ay,pusang gala! Muling bulalas niya sa pagkabigla..Nang makahuma ay napailing siya at natawa sa sarili.Para siyang tanga.

Bumaba siya ng sasakyan para tingnan kung gaano kalalim ang ilog na iyon.Napakalinaw ng tubig.Mukha namang mababaw lang dahil kita niya ang mga bato sa ilalim ng tubig.

Inililis niya ang kanyang pantalon hanggang tuhod.Susubukan niyang tawirin iyon para masiguro niya kung safe iyon para sa kanyang sasakyan. Hindi siya dapat magsayang ng oras dahil mamaya ay kakagat na ang dilim.

Paglusong niya sa tubig ay bumulusok siya pailalim.Napasigaw siya.Lumubog siya hanggang baywang.Malalim pala ang ilog na iyon,malinaw lang ang tubig kaya nakikita ang mga bato sa ilalim.

Mabilis na umahon siya sa pampang.Kumakabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.Hindi siya marunong lumangoy. Mayamaya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Sinabayan iyon ng malakas na pagkulog at pagkidlat,kaya nagmadaling sumakay siya sa kotse para hindi siya mabasa ng husto.

Inilabas niya ang kanyang cellphone sa pagbabaka-sakaling may makikita siya sa phonebook na makapagtuturo sa kanya sa tamang daan patungo sa destinasyon niya.Napangiwi siya ng makitang walang signal ang aparato.

May isang oras na lumipas,ngunit hindi parin tumitigil ang ulan. Nagsisimula ng dumilim ang paligid,kaya lalong lumakas ang kanyang kaba. Nagpasya siyang bumalik na lang sa highway na pinanggalingan.Imposibleng matawid ng anumang sasakyang-panlupa ang ilog na iyon.

Binuhay niya ang makina ng kotse at nagsimulang bumuwelta,ngunit kahit anong gawin niyang pagdiin sa silinyador ay ayaw gumalaw ng sasakyan.Parang may kung anong bagay na kumalso sa  mga gulong niyon.

Nagmamadali siyang lumabas para tingnan kung bakit ayaw umabante ng kotse.

"pusang gala! Nahintakutang bulalas niya nang makitang halos nakalubog na ang kalahati ng mga gulong sa putik.

Lumambot na ang lupa dahil sa lakas ng ulan. Hinubad niya ang kanyang mga sapatos dahil naputikan na ang mga iyon. Hindi siya pwedeng maghintay na lang. Kailangan niyang humingi ng tulong para maialis ang kanyang kotse roon.

Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at ini-lock ang kotse. Nagsimula siyang maglakad sa tanglaw ng dala niyang pen light. Kapagkuwan ay nagulat siya sa narinig na kakaibang tunog. palaka kaya iyon o ahas? Sinikap niyang bilisan ang paglalakad,ngunit masyadong maputik ang daan.Mangiyak-ngiyak na siya sa takot.

Masasabunutan ko ang kalbong mamang iyon na nagsabing dito ang daan! Inis na naisaloob ni selena habang patuloy na naglalakad sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Mayamaya ay kumirot ang paa niya. Hindi sigurado kung tinik o matalim na bato ang tumusok doon.
Nang ilawan niya ang paa ay nakita niyang dumudugo iyon.

" Ang malas naman, oo!

Malayo pa ang highway. Ilang minuto rin niyang tinahak ang daang iyon bago niya narating ang ilog. May isang oras na siyang naglalakad nang paika-ika,ngunit wala pa rin siyang naririnig na tunog ng sasakyan na magpapahiwatig na malapit na siya sa highway. Giniginaw na siya at ngalay na ang kanyang tuhod sa pinaghalu-halong gutom,pagod at ginaw. Ngunit determinado siyang marating ang San Martin.

Nang nakaraang linggo ay hindi inaasahang nagkita sila ng doktor na dati nilang kapitbahay sa isang birthday party.Naikwento nito saknya na nakita nito ang kanyang ama sa bayan ng San Martin. Ayon dito ay mabilis na umiwas ang kanyang ama nang mamukhaan ito. Hindi ito nasundan ng kaibigan para kausapin dahil abala ito sa pagle-lecture sa Malaria Awareness Program ng DOH nang mga sandaling iyon.

Wala siyang sinayang na sandali. Gumayak siya kaagad para magtungo sa bayan ng San Martin. Kailangan niyang matagpuan ang kanyang ama at kapatid. Ginagawa niya iyon alang-alang sa kanyang ina na sa kasalukuyan ay nakaratay sa sakit na lung cancer. Ayon sa espesyalista ay hindi ito magtatagal. Kalat na ang cancer cells sa buong bata at iba pang bahagi ng katawan nito. Ilang araw di-umano ang ilalagi nito sa mundo.

Balita niya ay magubat sa San Martin,kaya malakas ang kutob niyang naroroon nga ang kanyang ama. Matagal itong naglingkod sa Bureau of Forestry bilang isang forester kaya sanay itong tumira sa kabundukan.

Sampung taong gulang pa lang siya nang iwan sila ng kanyang ama. Walong taon ang kanyang bunsong kapatid na si Joshua noon. Isang malaking palaisipan sa kanila ng kanyang ina ang biglang pag iwan nito sa kanila dahil wala silang alam na nagawa nila para magalit ito.tinangay pa ng ama ang kanyang nag-iisang kapatid.

Labing limang taon na ang lumipas mula noon 25 years old na siya ngayon. Sa loob ng mahabang panahon ay namuhay silang mag-ina na sila lang dalawa. Hindi ito muling nag asawa kahit marami namang nanligaw nang mapabalitang iniwan na ito ng asawa. May negosyo ang ina kaya naitaguyod nito ang pag-aaral niya. Siya na ngayon ang namamahala sa boutique.

Isa siyang fashion designer na unti-unti nang nakikilala dahil pumapatok sa mga kliyente niyang celebrities ang mga gawa niya.

Kahit bata pa siya nang iwan ng kanyang ama ay natatandaan niya ito bilang isang masayahin at palakwentong tao. Mahilig itong magkuwento tungkol sa mga kababalaghang nasasaksihan di-umano nito sa kagubatan. May mga ikinukwento ito tungkol sa mga aswang, tiyanak, duwende at engkanto..

Hindi lang niya matiyak kung totoo ba ang mga iyon o kathang isip nito para lang may maikwento sa kanila. Ang natitiyak niya ay natanim ang mga iyon sa kanyang isip at siyang dahilan kung bakit naging matatakutin siya.

Matagal na siyang ngalalakad. Nabuhayan siya ng loob ng makakita siya ng headlights ng isang sasakyan. Malapit na niyang marating ang highway.!

Halos himatayin na siya sa pagod nang marating ang sementadong daan. Habol ang paghingang napasalampak siya sa gilid ng kalsada dahil sa matinding pagod.ilang sandaling nanatili siya sa ganoong posisyon bago siya nakabawi ng lakas.Tumayo siya at nagsimulang pumara ng mga sasakyan para humingi ng tulong.

Mabibilang sa daliri ang mga sasakyang dumaraan. Wala siyang pinalampas, lahat  ay pinara niya,pero ni isa ay walang huminto para tulungan siya.

Hindi siya nagtaka. Nakakatakot ang lugar na iyon at hindi malayong isipin  ng mga dumaraan na isa siyang kwatan. Pero hindi naman siguro siya mapagkakamalang white lady dahil hindi siya nakasuot ng puti..

Napangiwi siya bigla nang maalala ang puno ng balete na nasa likuran niya. Hindi kaya natatakot ang mga tao na hintuan siya dahil nasa tapat siya ng punong iyon? Pero nasa pagpasok ng kantong iyon ang kotse niya kaya hindi siya puwedeng lumayo. Kailangan niyang maialis iyon doon.

Nagsimula siyang kilabutan nang marinig ang pag-ingit ng mga sanga niyon sa lakas ng hangin. Madilim sa naturang lugar dahil wala man lang street light.Ang ilaw lang ng mangilan-ngilang dumaraang sasakyan ang kahit papaano ay nagbibigay liwanag sa kalsada.

May nakita siya uling headlights. Malayo pa ay sinimulan na niya ang pagkumpas ng dalawang kamay niya. Ano kaya kung pumagitna siya sa daan? Pero masyadong mapanganib iyon. Paano kung matakot ang driver sa kanya at sagasaan siya?

Mabilis na inilugay niya kanyang buhok para mahalatang babae siya.mas malaki ang tsansa niyang may tumigil sa kanya kung mapapansin ng mga ito na babae ang kumakaway. At maraming nagsasabi na mas bagay sa kanya ang wet look at nakalugay na buhok.

Inayos niya ang kanyang tayo.Kailangan mapansin ng paparating na driver na sexy siya....

My Stranger BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon